TiktoClock, talo ang katapat na show pero di gaanong umaangat ang ratings

by PEP Troika
5 days ago
tiktoclock hosts
TiktoClock, the new show of Pokwang, Kim Atienza, and Rabiya Mateo, was able to beat its rival program on its first week but it still has to surpass the rating of its pilot episode.
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Hindi gaanong gaanong umaangat ang ratings ng morning variety show nina Kim Atienza, Pokwang, at Rabiya Mateo na TiktoClock.

Naka-4.2% ang pilot nito noong Hulyo 25, Lunes, pero hindi na ito tumaas pa.

Ang mga sumunod nitong ratings last week ay 3.9% (Martes), 3.6% (Miyerkules), 3.5% (Huwebes), at 3.3% (Biyernes).

Nitong Agosto 1, Lunes, ay tumaas ito at naka-3.9%.

May problema kaya sa show o dapat magpalit sila ng ibang games?

JERRY OLEA

Wagi ang lahat ng Kapuso shows sa ratings, di ba, lalo na kung weekends at kung hapon sa weekdays.

Sa primetime kung weekdays, doon lumalapit once in a blue moon ang ratings ng mga katapat ng Kapuso programs.

Di ba’t dalawa o tatlong beses kinabog ng FPJ’s Ang Probinsyano ang First Lady?

Ang kakumpitensiya ng Kapuso shows ay mga sariling programa nila.

Halimbawa, nang magtala ng phenomenal ratings (mostly sa line of 2) ang First Yaya, naikumpara roon ang mga pumalit na programa na The World Between Us at Legal Wives. Kahit iyong First Lady ay hindi man lang pumantay sa itinalang ratings ng First Yaya, at nagkaroon ng umay factor.

Continue reading below ↓

Nang mag-pilot ang TiktoClock with 4.2% noong Hulyo 25, Lunes, iyong Eat Bulaga! ay naka-5.2%, ang Tropang LOL o Lunch Out Loud ay naka-2.7%, at ang It’s Showtime ay naka-3.4%.

Noong Hulyo 26, Martes, na ang TiktoClock ay nagtala ng 3.9%, ang Eat Bulaga! ay naka-5.3%, ang Tropang LOL ay naka-2.3%, at ang It’s Showtime ay naka-3.4% pa rin.

Noong Hulyo 27, Miyerkules, na ang TiktoClock ay naka-3.6%, ang Eat Bulaga! ay naka-5.5%, ang Tropang LOL at It’s Showtime ay parehong naka-2.5%.

Pleasant pa rin ang dating ni Kuya Kim sa TiktoClock sa kabila ng monkeypox boo-boo niya.

Pero hindi pa namin kinakitaan ng chemistry sina Pokwang at Rabiya Mateo. Hindi kami natutuwa sa kanilang kumbinasyon.

OK yung pagganap ni Rabiya sa Agimat ng Agila (Season 2). Hindi nauubusan ng TV assignments si Pokwang, at bonggang-bongga ang tandem nila ng BFF na si K Brosas sa US concert tour.

Pero iyong kumbinasyon nina Rabiya at Pokwang ay dapat mag-improve, or else, malamang na maging spaghetting pababa nang pababa ang ratings ng TiktoClock.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

I look forward to the time na mag-complement pang lalo ang TiktoClock sa napaka-formidable na Eat Bulaga.

May pagsi-seesaw man ng mga ratings from its pilot, at least consistent pa rin sila in beating their competitors na LOL and It’s Showtime.

OK iyan, pagandahan pa sila ng content at palakihan pa ng prizes. Ang laging panalo riyan ay ang audience!!!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TiktoClock, the new show of Pokwang, Kim Atienza, and Rabiya Mateo, was able to beat its rival program on its first week but it still has to surpass the rating of its pilot episode.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results