FPJ's Ang Probinsyano, dire-diretso ang taping sa kabila ng aftershocks

by PEP Troika
4 days ago
coco martin ang probinsyano
Payanig ang huling laban ni Cardo Dalisay (Coco Martin) at ng Task Force Agila sa FPJ’s Ang Probinsyano: Ang Pambansang Pagtatapos.
PHOTO/S: Kapamilya Channel

JERRY OLEA

Payanig ang huling laban ni Cardo Dalisay (Coco Martin) at ng Task Force Agila sa FPJ’s Ang Probinsyano: Ang Pambansang Pagtatapos.

Balik-serbisyo na ang buong Task Force Agila matapos linisin mismo ni Presidente Oscar Hidalgo (Rowell Santiago) ang kanilang mga pangalan.

Inatasan silang dakpin si First Lady Lily Hidalgo (Lorna Tolentino) at ang drug lord na si Renato (John Arcilla), dead or alive.

ang probinsyano

Continue reading below ↓

Kahit nagluluksa pa si Cardo dahil sa pagkamatay ni Lolo Delfin (Jaime Fabregas), desidido siyang wakasan ang kabuktutan nina Lily at Renato upang manumbalik ang kapayapaan sa Pilipinas.

Matitinding pagsubok ang kakaharapin nina Cardo. Bukod kasi sa tulong nina Armando (John Estrada), Lolita (Rosanna Roces), at ng Black Ops, nakuha ni Lily ang suporta ng foreign terrorists para sa plano niyang pagsakop sa bansa.

May sariling mga alas din si Renato laban sa gobyerno. Nakipagsanib-pwersa si Renato kay Lucio (Raymond Bagatsing), ang pinakamakapangyarihang terorista sa bansa.

Napapanood ang FPJ’s Ang Probinsyano: Ang Pambansang Pagtatapos gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

Sa Agosto 12, Biyernes, ang finale episode nito, at umpisa Agosto 15, Lunes, ay papalitan na ito ng Darna ni Jane de Leon.

Read: Coco Martin announces last three weeks of FPJ's Ang Probinsyano

Ayon sa source ng PEP Troika, dire-diretso ang taping ng FPJ’s Ang Probinsyano sa Ilocos Norte sa kabila ng aftershocks mula nang lumindol noong Hulyo 27, Miyerkules. Minsan nga raw ay umabot sa magnitude 5.5 ang aftershock.

Continue reading below ↓

Hindi na mabilang ng produksiyon kung ilang aftershocks ang naramdaman nila. Nakasanayan na nilang inuuga-uga sila sa taping.

Samantala, tuluy-tuloy ang pagtulong ng ABS-CBN Foundation katuwang ang ABS-CBN News and Public Service sa mga taga-Abra.

Nasa 550 na pamilya ang nabigyan ng relief packs sa barangay Cabaroan, Velasco, at Bumagcat sa bayan ng Tayum na malapit sa sentro ng lindol. Nasa 427 naman na pamilya ang nahatiran ng ayuda sa barangay Cayapa at Bacooc, Lagangilang.

Puwedeng magpaabot ng tulong sa mga nilindol sa Abra sa pamamagitan ng pag-donate sa Gcash. I-tap ang Pay Bills, piliin ang Others, at i-tap ang #GcashGivesBack.

Isa ang ABS-CBN Foundation sa mga partner NGO ng GCash na makakatanggap ng mga donasyon.

GORGY RULA

Mahigit isang linggo na lang, matatapos na ang FPJ’s Ang Probinsyano at mukhang kinakarir nga nila ang ending nito.

Ilang araw rin kinunan ang ending ni Madam Lily na ginampanan ni Lorna Tolentino. Ayaw niyang sabihin sa akin kung namatay ba ang karakter niya rito, basta abangan na lang daw kung ano ang nangyari sa kanya sa mga water lily.

Continue reading below ↓

Maaring inaabangan nga kung paano matatapos ang kuwento ni Cardo Dalisay, pero consistent pa ring mataas ang rating ng katapat na Lolong ni Ruru Madrid.

Medyo bumaba nang bahagya ang rating nito, pero malayu-layo pa rin ang agwat sa ratings ng teleserye ni Coco Martin.

Nung nakaraang Lunes, August 1, ay naka-15.4% ito, at 12.9% ang combined ratings ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Nung Martes, August 2, ay naka-15.7% ang Lolong, at 12.3% naman ang kay Coco.

Mas pinatindi pa nga ang mga susunod na tagpo ng Lolong dahil unti-unti nang pinapatay ang ilang karakter.

Pinatay ni Lucas (Ian de Leon) si Benjo (Luke Conde) na anak ni Boss Obet (DJ Durano), at ito na ang simula ng mas matinding digmaan. Kaya abangan na rin natin kung ano pa ang mga pagdadaanan nina Lolong at Dakila.

Samantala, matatapos na rin ang Love You Stranger at unti-unti na ring lumalabas ang mga revelations.

Continue reading below ↓

Papalitan ito ng romance drama nina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega na What We Could Be, na magsisimula na sa August 15.

NOEL FERRER

Iba na talaga ang TV ngayon. Kung noon, inaabangan ang ilalabas ng katapat mong programa para you can come up with an interesting na plot twist para may pasabog ka rin. That was the time when TV content was the function of competition.

Ngayon, fully taped na ang buong season ng Lolong hanggang sa dulo. Kaya may advantage in terms of audience appeal and relevance ang FPJ’s Ang Probinsyano na sa tingin ko, aariba hanggang sa huling sultada.

Sa kabila ng lindol at COVID, heto ang programa ni Cardo, umaariba!!! Go, go, gapang, Lolong!!!

Ganda ng labanan, audience ang wagi!!!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Payanig ang huling laban ni Cardo Dalisay (Coco Martin) at ng Task Force Agila sa FPJ’s Ang Probinsyano: Ang Pambansang Pagtatapos.
PHOTO/S: Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results