Atty. Vince Tañada, balak sampahan ng reklamo si Juliana Parizcova Segovia

by PEP Troika
4 days ago
vince tanada juliana parizcova segovia
Atty. Vince Tañada (left) on Juliana Parizcova Segovia (right): "Nagtataka ako, wala naman siyang… hindi naman siya kasali sa pelikulang Maid in Malacañang, pero nakikialam siya at nagsasalita sa mga ganitong bagay."
PHOTO/S: Facebook / Instagram

GORGY RULA

Pinag-iisipan ng direktor, producer, at lead actor ng pelikulang Katips na si Atty. Vince Tañada na sampahan ng kaso ang komedyanteng si Juliana Parizcova Segovia dahil sa mga ipinu-post nito sa Facebook account laban sa pelikulang Katips.

Nagsimula ito nang humakot ng pitong major awards ang naturang pelikula, na tumatalakay sa martial law, sa katatapos lang na 70th FAMAS Awards.

Kabilang sa mga napanalunan nito ang Best Picture, Best Director, at Best Actor. Si Atty. Tañada ang nagdirek at lead actor ng pelikula.

Read: FAMAS 2022: Martial law film Katips bags seven awards; Charo Santos-Concio wins Best Actress

Magkakasunod ang mga FB post ni Juliana tungkol sa paghakot ng awards ng Katips.

Sabi ng Miss Q&A winner: “Babatiin ko na sana yung humakot daw ng awards sa FAMAS at pelikulang pa-victim na kunwari tinatapangan para itapat sa Maid in Malacañang, kaso andaming resibo. Sige na nga… Congrats Haahahaha!”

Continue reading below ↓

Ipinahiwatig pa ni Juliana na kaya humakot ng awards ang Katips ay dahil si Atty. Tañada ang nagdirek ng FAMAS Awards noong 2021.

Read: Juliana Parizcova Segovia, kinuwestiyon ang paghakot ng awards ng Katips sa 70th FAMAS Awards

Hindi ito nagustuhan ni Atty. Tañada.

Pahayag niya nang nakapanayam namin sa aming radio program sa DZRH nung Martes, August 2, 2022, “Sana naman po, huwag po tayong mamihasa na hindi totoo lagi yung mga binabalita.

“Kasi, iyan na po tayo nagiging kultura na po tayo ng fake news. Lalung-lalo na po yung mga nagpapakalat ay meron na po talagang imahe na puro peke ang mga ikinakalat na mga balita.

“Sana po, magkaroon na po ng aral yung mga nagpapakalat na 'yan.

“In fact, nakikipag-usap na po ako ngayon sa aking… kasi alam niyo naman po na ako ay abogado din.

"At ang sabi ng aking mga partner dito sa aking law firm, yung ipinalabas na post nitong dating nanalo sa Ms. Q&A na si Juliana ay totoong libelous, ano.

Continue reading below ↓

“Talagang ito ay may malicious imputation para makapanira, na hindi naman talaga maganda, ‘no? Dahil ang libel ay isang krimen na dapat parusahan.

“Kaya nag-uusap-usap ang kampo po namin kung ano ang mga susunod na hakbangin dahil hindi po siya tumitigil hanggang sa ngayon.

“Siya po ay hindi po namin alam… naunawaan ko po yung sitwasyon nina Darryl Yap dahil sila ay person of interest.

"Pero itong si Juliana ay nagtataka ako, wala naman siyang… hindi naman siya kasali sa pelikulang Maid in Malacañang, pero nakikialam siya at nagsasalita sa mga ganitong bagay.

“Kaya pag-uusapan po namin ‘yan kasama ng aking mga partners dito sa aming law firm.”

Si Darryl Yap ang direktor ng Maid in Malacañang, ang kontrobersiyal na pelikulang tumatalakay diumano sa mga huling araw ng pamilya Marcos sa Malacañang bago sila pinaalis ng Pilipinas dahil sa makasaysayang EDSA People Power Revolution.

Si Juliana ay tampok sa "Lenlen" series na nilikha ni Yap nitong campaign period ng 2022 elections bilang panunuya sa presidential candidate na si dating Vice President Leni Robredo, na mahigpit na katunggali noon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Continue reading below ↓

Ngayong araw, August 3, ang showing ng Katips at Maid in Malacañang sa mga sinehan.

JERRY OLEA

Nakarating din kay Direk Vince na nagbitaw ng pahayag si Yap kung saan tinawag daw siya nitong “tanga” at “kawawa.”

Reaksiyon ng actor-director, “Meron pong ganun na tinawag na ‘tanga’ at ‘kawawa.’

“Pero sinabi ko nga na tayo po ay abogado, at hindi naman po tayo papatol dun sa mga ganung salita.

“Siguro naman po, hindi naman po ako tanga dahil ako po ay abogado, ako po ay alagad ng sining, marami po akong alam gawin.

“Sinabi niyo po kanina, kumakanta ako, umaarte, sumasayaw, nagsusulat, nagdidirehe, and at the same time, I’m also lawyer by profession, at ako po ay litigation lawyer. Kaya hindi naman po siguro tayo tanga.

“At ang ‘kawawa’ din po, hindi naman po siguro tayo kawawa dahil this is not my bread and butter.

“Alam niyo naman na I’m just very passionate with my art. I just call this as my weekend thing, and this is just a good break to the monotony of legal profession.

Continue reading below ↓

“Tayo po ay nakapag-ipon naman na bilang isang abogado, at may maganda at kumportableng buhay.

“Siguro naman po, hindi naman po tayo kawawa dahil napapaligiran naman po tayo ng pamilyang nagmamahal sa atin. Hindi naman po siguro tayo kawawa,” saad ni Atty. Vince.

NOEL FERRER

I feel sooooo indifferent about these two movies.

Sorry, feeling ko… hindi nagkita-kita ang mabuting intensiyon, kahusayan, at ang katotohanan sa mga argumento ng mga gumawa nito.

Ang attitude ko rito, ayaw kong makagulo ito sa aking existence at pagkatao. Ginusto ninyo iyan, bahala kayo!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Atty. Vince Tañada (left) on Juliana Parizcova Segovia (right): "Nagtataka ako, wala naman siyang… hindi naman siya kasali sa pelikulang Maid in Malacañang, pero nakikialam siya at nagsasalita sa mga ganitong bagay."
PHOTO/S: Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results