Juliana Gomez, nagti-training sa opisina ng amang si Richard Gomez sa Kongreso

by PEP Troika
4 days ago
Juliana Gomez, Richard Gomez
Richard Gomez on daughter Juliana: Si Juliana, she’s a leader by herself, ‘no? She’s an achiever. Sa sports naman, ayaw niyang natatalo siya. Training siya nang training. Gusto niya, nananalo. Sabi ko, 'It doesn’t mean na pag nagte-training ka, ikaw lagi ang mananalo.' Maraming magaling na kailangan mong pag-aralan."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Graduating na si Juliana Gomez ng kursong Public Administration sa University of the Philippines-Diliman.

"Nagsimula siyang mag-training sa akin sa Ormoc. Tapos dito, kinuha ko siya sa Congress," masayang kuwento ni Congressman Richard "Goma" Gomez.

Nakapanayam si Goma nitong Agosto 3, 2022, Miyerkules, sa Mario’s Restaurant, Tomas Morato Avenue, Quezon City.

Naglingkod si Goma bilang mayor ng Ormoc for two consecutive terms, mula 2016 hanggang 2022. Ngayon ay kinatawan siya sa Kongreso ng ikaapat ng distrito ng Leyte.

Pagpapatuloy ni Congressman Goma, "Isa siya sa mga gumagawa, may pinapatrabaho kami sa kanya."

Mahirap bang utusan ang 21-anyos na si Juliana?

"Hindi. Takbo nang takbo yun!" mabilis na tugon ni Congressman Goma.

"Madali lang. 'Juliana, do this, ha? I-research mo ‘to.' Si Juliana, she’s a leader by herself, ‘no? Kasi, nakikita ko sa group of friends niya, e. Nakikita ko, siya ang nagtitipon sa mga kaibigan niya," pagngiti ni Congressman Goma.

Continue reading below ↓

"She’s an achiever. Sa sports naman, ayaw niyang natatalo siya. Training siya nang training. Gusto niya, nananalo.

"Sabi ko, 'It doesn’t mean na pag nagte-training ka, ikaw lagi ang mananalo.' Maraming magaling na kailangan mong pag-aralan."

Dumating si Juliana sa Mario’s. Inamin niyang sabay silang pumapasok ng daddy niya sa Kongreso, mula Lunes hanggang Miyerkules.

Kumusta ang pagtatrabaho ni Juliana sa kanyang ama?

"OK naman siya na boss!" bulalas ni Juliana.

Nahihirapan ba siya sa mga ipinapagawa ni Congressman Goma sa kanya?

"No, not at all. I’m actually learning a lot because he has a good team behind him," sagot ni Juliana.

May suweldo si Juliana?

Sabi ni Congressman Goma, "Oo, may suweldo iyan… isang platong kanin araw-araw!"

"OK na yun," sambot ni Juliana.

GORGY RULA

Sinuntok ni Robin Padilla si Richard Gomez sa Star Olympics noong Hulyo 8, 1991.

Nagkaayos na rin naman sila kapagkuwan, and through the years ay nagkakasama sila sa events sa showbiz at pulitika.

Continue reading below ↓

Read: Throwback: Robin Padilla vs. Richard Gomez grudge match at Star Olympics

Pero nag-viral pa rin iyong meme ng pagtatagpo nila sa SONA noong Hulyo 25, 2022, Lunes, kung saan Senador na si Binoe (palayaw ni Robin) samantalang Congressman na si Goma (palayaw ni Richard).

"Siyempre, noong kabataan namin ni Robin, mainit ang mga dugo namin, e!" natatawang lahad ni Congressman Goma.

"Alam mo, noong bata kami, 'Hindi, mas pogi ako sa 'yo!' 'Hindi, mas pogi ako sa 'yo,' ganun.

"Pero ngayon na mature na kami, and then mga public sevant kami, then we talk about what good can we do for the country.

"And then, nung sabi ko sa kanya, 'Natutuwa ako na nanalo tayong pareho! So, let’s work together,' di ba?"

Nag-file si Congressman Goma sa Kongreso ng dalawang panukala upang ma-boost ang entertainment industry. Una, ang House Bill No. 936 upang mapondohan ang film archive para sa proteksiyon ng mga makabuluhang pelikulang Pilipino.

Continue reading below ↓

"This bill is premised on the hope or chance, no matter how slim and diminishing, that some copies or ‘lost’ Filipino classics may still be traced, acquired and preserved for the benefit of our present and future generations," lahad niya.

"The film industry is much more than a commercial enterprise designed for public entertainment.

"Cinematic films mirror the human and social conditions, dramatizes the people’s struggles towards total liberation and enhances our understanding and appreciation of our social values and national identity."

Isinusulong din ni Congressman Goma ang House Bill No. 1428 upang bigyan ng cash incentives at non-monetary benefits ang mga artistang nagwawagi sa mga prestihiyosong international competitions.

"This proposed legislation would be a step closer in the right direction in making the arts a respectable and decent source of livelihood for our artists," pahayag pa niya.

NOEL FERRER

At least, grounded at nakaugat pa rin si Congressman Goma sa mundo kung saan siya nagmula.

Continue reading below ↓

He has always been naman abreast sa mga issues, hindi lang sa entertainment industry pero sa lahat ng puwede niyang bigyan ng praktikal na tulong at lunas.

Kung noong 2020 ay naging jury siya sa Metro Manila Film Festival (MMFF), sana itong Aktor ng Dekada '90s ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino ang siyang ma-appoint ding Congress rep sa taunang MMFF. OK na OK yun!!!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Richard Gomez on daughter Juliana: Si Juliana, she’s a leader by herself, ‘no? She’s an achiever. Sa sports naman, ayaw niyang natatalo siya. Training siya nang training. Gusto niya, nananalo. Sabi ko, 'It doesn’t mean na pag nagte-training ka, ikaw lagi ang mananalo.' Maraming magaling na kailangan mong pag-aralan."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results