Wildflower stars Maja Salvador at RK Bagatsing, balik-tambalan sa TV5 sitcom

by PEP Troika
4 days ago
Maja Salvador, RK Bagatsing
RK Bagatsing sa pagbabalik-tambalan nila ni Maja Salvador: "Sa lahat ng fans na gumagawa pa rin ng videos hanggang ngayon, ito yung something na puwede ninyong tutukan. Sinasabi nga nila, 'in an alternate universe,' eto na yung bersiyon na yun. More good vibes, walang halong galit. More on tawanan lang!"
PHOTO/S: Oh My Korona

JERRY OLEA

Naglagablab ang mga dramahan nina Maja Salvador at RK Bagatsing sa Kapamilya prime-time series na Wildflower (Pebrero 2017-Pebrero 2018).

Ibang-iba siyempre ang dynamics ng tambalan nila ngayon sa TV5 weekly sitcom na Oh My Korona (OMK) bilang Lavinia “Lablab” Asuncion at Timothy “Tim” Bautista.

“Siyempre, sa Wildflower kasi, sobrang intense bawat eksenang ginagawa namin ni RK,” lahad ni Maja sa virtual mediacon nitong Agosto 3, 2022, Miyerkules.

“And hindi namin maitanggi na may chemistry at nagkaroon din ng maraming supporters ang Ivy Aguas and Mr. Mayor Arnaldo.

“Kaya naman nung naghahanap kami kung sino ang magiging partner ni Lablab dito sa sitcom, isang name ang naisip namin.

“Because yun nga, sa dami ng nagmamahal sa amin ni RK, na dun sa Wildflower kasi, hindi kami nag-end up together. Tapos, masalimuot ang mga sakit ng mga nagawa naming eksena dun.

“So, gift namin ito sa aming mga fans at supporters na until now, for how many years, matagal nang wala ang Wildflower but nandun pa rin yung umaasa sila na, yun nga, one day, magkatrabaho kami ni RK.

Continue reading below ↓

“And eto na yun! Mas light yung ginagawa, super light ng mga ginagawa namin.

"Parang kung paano kami ni RK dun sa Wildflower pag walang camera, kung gaano kami kabungisngis na dalawa, kung gaano kami maraming kalolokan na naiisip… Naia-apply namin ngayon dito sa sitcom.

"So, ibang side naman namin ni RK yung mapapanood nila, and hopefully, nandun pa rin yung chemistry namin kahit sitcom na."

Pahayag naman ni RK, "Going back sa characters namin sa last project namin, which is back in 2017 pa, five years ago, yung mga characters namin dun, punung-puno ng galit, paghihiganti, di ba?

"Arnaldo and Ivy, and the love-and-hate relationship dun, mapapalitan dito of more good vibes, and playful and fun lang.

"Sa mga nagta-tag sa amin hanggang ngayon, sa mga videos sa TikTok, yung ini-splice na lang, pinagdidikit na lang yung mga eksena nung characters namin before… parang maraming hopeful.

"Na tulad nga nung sinabi, what if silang dalawa yung, you know, nagkatuluyan dun sa show? Which is hindi ko rin maintindihan. Kasi, sobrang galit sila sa isa’t isa, love-and-hate nga, e.

Continue reading below ↓

"Pero ngayon, ito yung regalo namin. Dun sa lahat ng fans na gumagawa pa rin ng videos hanggang ngayon, ito yung something na puwede ninyong panoorin, tutukan.

"And for sure, sinasabi nga nila, 'in an alternate universe,' eto na yung bersiyon na yun. More good vibes, walang halong galit. More on tawanan lang!" sambit pa ni RK.

Ang pilot episode ng Oh, My Korona ay sa Agosto 6, Sabado ng 7:30 p.m. Kasama sa cast nito sina Joey Marquez, Kakai Bautista, Thou Reyes, Queenay Mercado, Pooh, Christine Samson, Jessie Salvador, Jai Agpangan, at Guel Espina.

READ: Ipinakikilala ang first batch ng Crown Artist Management talents

GORGY RULA

Ibang comedy itong Oh My Korona. May ilang eksena ring nakakatawa, kasi ang galing ng mga co-actors ni Maja kagaya nina Joey Marquez, Kakai Bautista, at Thou Reyes.

Kaya si Maja ay naka-blend din agad sa kanila. Ako, mas type ko talaga na mga sitcom ang mapapanood ko sa weekends. Kaya ang saya nito sa Sabado na may Oh My Korona sa TV5, may Tols sa GTV, at Jose and Maria’s Bonggang Villa naman sa GMA-7.

Continue reading below ↓

Pero sa totoo lang, ang hirap talagang timplahin ng sitcom. Lalo na sa panahon ngayon na ang sensitive na ng mga tao. Dapat maging maingat ka talaga sa mga jokes na binibitawan mo.

Yun nga ang naobserbahan ni Tsong Joey na beterano na rin sa pagpapatawa. Ang dami pa rin daw niyang natututunan sa ngayong henerasyon ng pagku-comedy.

Sabi pa niya, “Kailangang baguhin at maging subtle nang konti. Depende kung sino ang manonood, like ang mga bata, may edad, o mga lalaki. So, konting iibahin mo. Pero ang humor, nandun pa rin."

May ibinahagi pang words of wisdom si Joey tungkol sa pananaw niya sa trabaho.

"Ngayon ko lang na-realize after so many years of being an actor, comedian, apat na words lang talaga yung hindi mo dapat kalimutan. Una, yung gusto mo at kailangan mo.

"Pag nakuha mo yung dalawang ‘yan, kaya mong lahat gawin at mababagayan mo ang lahat na kailangan. Dahil gusto mo siyang gawin, kailangan mong mag-aral.

Continue reading below ↓

"Gusto mo siyang sumikat, dahil kailangang magtrabaho. Gusto mong masaya ang set, kailangan mong makisama. Yun ang mga bagay na dapat inilalagay sa isip ng mga tao.

"Kagaya nung kay Maja, dun ko sa kanya nakita yung gusto niya at kailangan niya, e. Kaya naging universal actress siya. She’s very effective sa lahat na role na binigay sa kanya.

"I’m very happy. I realized, hindi ko pala alam lahat. Natututo rin ako sa kanila."

Si Ricky Victoria ang direktor nitong OMK. Wala pa akong napapanood sa gawa niya, kaya curious ako na bagong pagpapatawa ang hatid ng sitcom na ito ni Maja Salvador.

NOEL FERRER

So, itong Oh My Korona nina Maja at RK ang magiging katapat ng DongYan sitcom at Bossing & Maine’s Daddy’s Gurl?

Noong Hunyo 18 ay nag-season finale ang My Papa Pi, at pinalitan ng Idol Philippines, kaya sa Flower Of Evil na lang napapanood si Piolo Pascual.

Continue reading below ↓

OK iyan, dumami pa sanang pagpipiliang panoorin—para pagandahan pa rin sila. Muli, sa ganitong paraan, ang audience ang panalo!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
RK Bagatsing sa pagbabalik-tambalan nila ni Maja Salvador: "Sa lahat ng fans na gumagawa pa rin ng videos hanggang ngayon, ito yung something na puwede ninyong tutukan. Sinasabi nga nila, 'in an alternate universe,' eto na yung bersiyon na yun. More good vibes, walang halong galit. More on tawanan lang!"
PHOTO/S: Oh My Korona
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results