Maja Salvador at Rambo Nuñez Ortega, kumusta ang wedding plans?

by PEP Troika
5 days ago
Maja Salvador, Rambo Nunez
Maja Salvador on fiancé Rambo Nunez Ortega: "Thankful lang ako lalo especially with Rambo na andiyan siya lagi, na i-guide, tulungan ako kung paano i-manage yung time ko kahit alam naman niya na huli na siya, huli na siyang bigyan ko ng oras."
PHOTO/S: Sany Chua

GORGY RULA

“Secret” pa rin ang sagot ni Maja Salvador nang tinanong namin tungkol sa wedding plans nila ni Rambo Nuñez Ortega.

Sa mediacon ng bagong sitcom ni Maja sa TV5 na Oh My Korona, tinanong siya ng PEP Troika kung paano nila pinag-uusapan ni Maine Mendoza na bagong engaged kay Congressman Arjo Atayde.

Binati nilang mga Dabarkads si Maine sa Eat Bulaga! nung Sabado, July 30, 2022, kaya pareho na silang engaged na dalawa.

Pahayag ni Maja, "Sabi lang namin, magka-batch kami. Hindi lang namin akalain na parehas kaming mae-engage this year. So, exciting."

Hindi pa raw talaga nila pinag-uusapan ito ni Rambo dahil mas naka-focus muna sila ngayon sa bagong project ng Crown Artist Management, itong sitcom na Oh My Korona, na magsisimula na sa Agosto 6, Sabado ng 7:30 p.m.

"Wala pa kaming listahan ng kung anu-ano, kasi naka-focus muna kami dito sa launch ng Oh My Korona.

Continue reading below ↓

"But after yun, wala na kaming choice kundi, yun nga, magpu-focus na kami sa wedding namin," nakangiting sambit ni Maja.

Wala naman daw gaanong nabago sa kanilang relasyon ngayong engaged na sila. Mas lalo lang daw niyang nararamdaman ang pagmamahal ni Rambo.

"Hindi naman nag-iba. Mas minamahal pa ako lalo ni Rambo. Mas alam namin na eto na talaga.

"Mas ang responsibility, yung obligation namin sa isa’t isa ay talagang legit na legit na. So, wala nang atrasan," saad ng Majestic Superstar.

"Ever since naman, since nag-start yung relationship namin, alam na namin na dito kami papunta."

READ: Couples spotted at GMA Thanksgiving Gala Night 2022

NOEL FERRER

Dagdag pa ni Rambo, "Isa ito sa part ng process na, yun na nga, dun na talaga kami papunta.

"Because yung mga projects na ginagawa namin together, yun naman talaga ang ginagawa ng mga... kumbaga, ng mga partners mo for life. Hindi lang sa maliliit na bagay, but you already take a risk together.

Continue reading below ↓

"Siguro in terms of process, ito na yung part ng acceptance namin na dun na kami papunta.

"Kaya itong project na ito, parang baby namin, di ba? So, ganun na siguro yung difference from this point."

Ibang-iba nga rin si Rambo. He and Maja are at their best in their careers and their personal life.

Kaya kahit tanungin kung ano ang comment niya sa napapabalitang pagde-date ng ex-girlfriend niyang international Pinay model na si Kelsey Meritt kay Jared Leto, malamang na Ma at Pa at deadma na lang siya rito.

READ: Kelsey Merritt and Jared Leto spotted rock climbing in Italy; are they dating?

Nakikita kong major palakpak ang mommy ni Rambo na si Tita Marilen na sobra ang dasal para maging masaya at successful at panatag ang mga anak niya!!!

READ: Wildflower stars Maja Salvador at RK Bagatsing, balik-tambalan sa TV5 sitcom

JERRY OLEA

Lagare Queen si Maja noong Hulyo 30, Sabado, sa 43rd anniversary ng Eat Bulaga, 70th FAMAS Awards sa MET, at GMA Thanksgiving Gala sa Shangri-La The Fort, BGC, Taguig City.

Continue reading below ↓

Maliban sa pag-arte sa sitcom, may duties din siya bilang isa sa managers ng Crown Artist Management, at siyempre pa bilang fiancée ni Rambo.

"Sa totoo lang po, hindi lang ako iyan—yung mga taong nakapaligid sa akin,” paliwanag ni Maja.

"Yung support system ko and para magkaroon ako ng mga kaibigan, ng mga kapatid. Na ang hahaba ng pag-intindi at pasensya para magkaroon din ako ng same with my fiancé, na talaga namang maintindihin!

"Dahil siguro parehas din naman kaming workaholic. But ginagawan pa rin namin ng paraan na para nandun pa rin yung kailangang di mawala pa rin yung bilang mag-fiancé kami.

"Siyempre, mas maraming time yung magtrabaho kami dahil sa Crown. Pero nase-separate din talaga namin yun.

"Kasi nga, sa tulong ng team namin sa Crown, siyempre sa aming mga handler.

"Time management talaga. So, may mga days na kunwari Sunday, hinihingi ko talaga yun na kung puwede, wala akong work kung Sunday as much as possible.

Continue reading below ↓

"Kasi, dun ako magbabawi ng time sa friends, sa family and all. But kung hindi talaga kaya, e, magsisingit pa rin ako dun.

"So, basta kaya ng time, like what happened last Saturday. Talagang ginawan ko ng paraan because bilang artista, ayun, nag-anniversary ako with my Eat Bulaga! family.

"Then after that, awards night, di ba? Nagpakaartista pa rin ako dun. So, after, yung last event naman namin ay kailangan ko namang magpakaano, bilang ako ang isa sa mga magre-represent sa Crown.

"Kasi siyempre, we need to build a relationship sa ating mga friends sa industriya, di ba?

"So yun, thankful lang ako lalo especially with Rambo na andiyan siya lagi, na i-guide, tulungan ako kung paano i-manage yung time ko kahit alam naman niya na huli na siya, huli na siyang bigyan ko ng oras.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maja Salvador on fiancé Rambo Nunez Ortega: "Thankful lang ako lalo especially with Rambo na andiyan siya lagi, na i-guide, tulungan ako kung paano i-manage yung time ko kahit alam naman niya na huli na siya, huli na siyang bigyan ko ng oras."
PHOTO/S: Sany Chua
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results