Sean de Guzman, muling nakita ang amang umabandona sa kanila

by PEP Troika
4 days ago
sean de guzman the influencer
Sean de Guzman on forgiving his father: "Sa akin naman po, wala nang kaso sa akin yung napagdaanan namin before. Tao lang din naman ako para magpatawad, di ba? Wala namang mawawala sa akin."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Labing-isa o labindalawang taon na ang lumipas mula nang inabandona sina Sean de Guzman ng kanyang ama.

“Dumalaw na po siya sa bahay two days ago po,” sabi ni Sean matapos ang preview ng pelikula niyang The Influencer nitong Agosto 4, 2022, Huwebes ng gabi, sa isang mall sa Quezon City.

Paano sila nagkaroon ng communication?

“Actually, yung bunso naming kapatid yung kausap niya. Kasi, yung bahay po namin sa Antipolo, malapit yung pinagtatrabahuhan niya.

“So, dumalaw po siya. Ayun, nagkakumustahan kami. Casual talks lang. Pero sabi ko po naman, mag-iingat po siya palagi, ganun.”

Read: Anak ng Macho Dancer star Sean De Guzman, may traumatic experience sa kanyang childhood

Napanood ba ng ama niya ang mga pelikula niya gaya ng Lockdown, Anak ng Macho Dancer, Taya, Nerisa, Mahjong Nights, Hugas, at Bekis On The Run?

Natawang tugon ni Sean, “Hindi ko na po tinanong. Baka, baka!”

Napatawad na ba niya ang kanyang ama sa pang-iiwan at pagpapabaya nito sa kanilang pamilya?

Continue reading below ↓

Mabilis na sagot ni Sean, “Sa akin naman po, wala nang kaso sa akin yung napagdaanan namin before.

“Tao lang din naman ako para magpatawad, di ba? Wala namang mawawala sa akin.

“Kumbaga, para wala nang mabigat sa buhay natin na dinadala. Magpatawad na lang tayo sa lahat.”

Nagkahiyaan ba silang mag-ama? Nailang sa kanilang paghaharap?

“Ako, nahihiya ako,” pag-amin ni Sean.

“Kasi siyempre, for how many years, ngayon lang kami nagkita. So, may awkwardness between us.”

Hindi siya niyaya ng kanyang ama para mag-inuman?

Natawa muli si Sean, “Nagkayayaan silang dalawa ni Mama na mag-inuman sa bahay!”

Naku, baka magkabalikan ang parents niya pag-uwi niya sa Antipolo?

“Hindi natin alam pero… Why not? Ha! Ha! Ha! Baka pagbalik ko, di ba? Magkatabi na uli. Ha! Ha! Ha! Ha!” halakhak pa ni Sean.

Streaming ang psychological thriller na The Influencer umpisa Agosto 12, Biyernes, sa Vivamax.

Idinirek ito ni Louie Ignacio, at nagtatampok din kina Cloe Barreto, Elizabeth Oropesa, Ruby Ruiz, Soliman Cruz, Karl Aquino, Calvin Reyes, at Quinn Carillo na siya ring scriptwriter.

Continue reading below ↓

cloe barreto sean de guzman the influencer

GORGY RULA

Sa story conference ng pelikula niyang Fall Guy noong Abril 17, Easter Sunday, sa Novotel Hotel, Quezon City, medyo madrama pa nang pinag-usapan ang tungkol sa ama ni Sean.

Sa press preview ng The Influencer ay ang kaswal lang na ibinalita ito ng aktor. Parang ayaw na niyang madrama pa.

Continue reading below ↓

At least, masaya na ang pamilya at bukas naman sa ideyang magkabalikan ang magulang niya. Kung hindi man magkabalikan, okay lang sa kanya. Ang mahalaga ay may komunikasyon na silang mag-ama.

Okay si Sean dito sa The Influencer.

Sa dami ng mga pelikulang nagawa niya at napanood ko naman ang karamihan dun, maayos ang pagkadirek sa kanya rito ni Louie Ignacio. Maayos ang atake niya sa role at bumagay naman sa kanya.

Malaking bagay rin siguro ang closeness nila ni Cloe Barreto kaya nagawa nila nang maayos ang mga matitindi nilang sex scenes dahil nakikita namang sobrang kumportable sila sa isa’t isa.

Sana, mapanood na si Sean sa mainstream, at hindi lang pam-Vivamax.

NOEL FERRER

Grabe ‘no, nakakailang pelikulang inilalabas ang mga bagong aktor tulad nina Sean de Guzman at Cloe Barreto sa streaming platform na tulad ng Vivamax.

Pakyawan is the name of the game. Quantity is it!

Kumusta naman ang quality kaya? Or mas ang tuon at survival and paying the bills ba talaga ngayon? Parang Influencer lang?

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sean de Guzman on forgiving his father: "Sa akin naman po, wala nang kaso sa akin yung napagdaanan namin before. Tao lang din naman ako para magpatawad, di ba? Wala namang mawawala sa akin."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results