Cloe Barreto, nag-e-enjoy sa pagganap bilang babaeng nababaliw sa pag-ibig

by PEP Troika
4 days ago
cloe barreto sean de guzman the influence
Sean de Guzman on doing sex scenes with Cloe Barreto: "Sabay na halos kaming lumaki sa management namin. Kaya ayun, before the sex scene, nagtatawanan kami. Ha! Ha! Ha! Ha! Same din after the sex scene, nagtatawanan pa rin kami. Parang hindi namin inaasahan, hindi kami makapaniwala na kaya naming gawin yun."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Nakakabaliw ang pagganap ni Cloe Barreto sa mga pelikulang Silab, Tahan, at The Influencer.

Puwede na siyang taguriang "Psychological Thriller Queen," lalo pa’t hindi siya nagsasawang gumanap na baliw sa pelikula.

“Nag-e-enjoy po ako!” bulalas ni Cloe matapos ang special screening ng The Influencer nitong Agosto 4, 2022, Huwebes ng gabi, sa isang mall sa Quezon City.

Read: Cloe Barreto "laban kung laban" sa mapupusok na eksena sa Tahan

Gaano kalapit sa personalidad niya yung papel niya na nababaliw sa pag-ibig?

“Baliw din po talaga ako sa pag-ibig. Pag nagmahal po ako, walang bawal-bawal! Ha! Ha! Ha!” pagtawa ni Cloe.

“Yun po, medyo malapit din po dun. Pero hindi naman po ako nagtatali. Ha! Ha! Ha! Ha! Ako po yung itinatali, charing! Ha! Ha! Ha!”

cloe barreto sean de guzman the influencer

Continue reading below ↓

Cloe Barreto and Sean de Guzman in The Influencer

Pero kaya niyang gumanap ng karakter na walang sayad?

“Kaya po!” mabilis na sagot ni Cloe.

Nakipagsabayan si Cloe ng aktingan kina Chanda Romero at Lotlot de Leon sa Silab, Jaclyn Jose sa Tahan, Elizabeth Oropesa at Ruby Ruiz sa Tahan. Kinakabahan ba siya na baka mas mataas pa ang expectation sa kanya sa susunod niyang projects?

“Yun nga po, e, kinakabahan ako sa susunod. Kailangan kasi, parang… pataas ka, e,” sambit ni Cloe.

“Bawal ka pababa. So, sabi ko, parang… bago ko kunin ang mga project na ‘to, iniisip ko, sabi ko, ‘Sana, mas mabigyan ko ng hustisya para hindi mawala yung tiwala nila sa akin.’”

Streaming ang pelikulang The Influencer umpisa Agosto 12, Biyernes, sa Vivamax. Idinirek ito ni Louie Ignacio, mula sa panulat ni Quinn Carillo.

Kasama sa cast nito sina Sean de Guzman, Elizabeth Oropesa, Ruby Ruiz, Soliman Cruz, Karl Aquino, at Calvin Reyes.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Halatang kampante sina Sean de Guzman at Cloe Barreto sa maseselang eksena nila sa The Influencer.

Pinag-usapan ba nila kung ano ang dapat nilang gawin? Paano ang atake?

Sagot ni Sean, “Siyempre po, of course, bago namin gawin ang isang eksena, pinag-uusapan muna namin talaga.

“Yung mga restrictions, yung mga bawal na gawin ko sa kanya. Or kung paano namin ide-deliver yung mga eksenang yun.”

Kahit komportable na sila sa isa’t isa, may mga bawal pa rin?

“Yeah, kasi ahhh… like yung kunyari, may sucking sa nipples, ganyan, di ba? Wala naman dun sa napanood ninyo. Ayun yung mga restriction na sinabi niya sa akin,” pagtatapat ni Sean.

Si Sean, wala raw restrictions kahit anong gawin ng kaeksena niya.

Kumusta si Direk Louie Ignacio sa pagdidirek sa kanila sa mga mapangahas na eksena?

Napangiti si Cloe, “Ang galing po ni Direk and sobrang ingat niya pagdating sa love scene.

Continue reading below ↓

“Apat lang po kami sa loob ng kuwarto, or kahit saan, e. Sobrang ingat ni Direk, ang sarap katrabaho!”

Sundot ni Sean, “And there’s freedom when he’s directing us. Sobrang nae-express namin yung gusto naming ilabas dun sa partikular na eksena.”

Nagkakatawanan sina Sean at Cloe sa sex scenes dahil magkapatid ang turingan nila noon pa.

Member si Sean ng Clique V, samantalang kasama si Cloe sa Belladonas. Pareho silang mina-manage ni Len Carrillo ng 3:16 Media Network.

Kuwento ni Sean, “Yung mga nakakakilala sa aming dalawa, alam na sobrang close na talaga kami ni Cloe.

“Sabay na halos kaming lumaki sa management namin. Kaya ayun, before the sex scene, nagtatawanan kami. Ha! Ha! Ha! Ha!

“Same din after the sex scene, nagtatawanan pa rin kami. Parang hindi namin inaasahan, hindi kami makapaniwala na kaya naming gawin yun.

“Kasi, ang turing namin sa isa’t isa, magkapatid na talaga. And sobrang professional ng bawat isa kaya lahat, sumasang-ayon.

Continue reading below ↓

“Lahat, nakikipag-coordinate. Sa buong team, wala akong masasabi sa lahat.”

Sumang-ayon si Cloe, “Opo, puro tawanan lang kami! Ha! Ha! Ha! Meron pa nga pong scene na hindi po namin alam, take na pala.

“Hindi namin naririnig, kasi, nasa loob kami. Sabi ni Direk, ‘Hoy! Take na!’ Ha! Ha! Ha! Ha! Tawa pa po kami nang tawa.

“Kasi, parang hindi ko alam, e… Kasi, nung nandun kami, parang… hindi namin… Ano ba?! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Sambot ni Sean, “Pag nasa eksena na kasi kami, hindi na namin iniisip yung ilang. Hindi na namin iniisip na matagal na kaming magkakilala.

“Parang andun na talaga kami sa eksenang yun. So, kahit maglaplapan kami nang todo, wala na kaming pakialam.”

NOEL FERRER

Ay! Si Cloe Barreto na ba ang Vivamax Princess sa dami ng mga mapangahas niyang pelikula?!

Ayokong maging influencer ng The Influencer. Basta, good luck na lang, Cloe!!! Sana, mahasa pa ang acting mo sa dami ng projects mo!

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sean de Guzman on doing sex scenes with Cloe Barreto: "Sabay na halos kaming lumaki sa management namin. Kaya ayun, before the sex scene, nagtatawanan kami. Ha! Ha! Ha! Ha! Same din after the sex scene, nagtatawanan pa rin kami. Parang hindi namin inaasahan, hindi kami makapaniwala na kaya naming gawin yun."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results