Tom Rodriguez, hindi pa handa bumalik sa Pinas matapos ang split nila ni Carla Abellana

by PEP Troika
Aug 6, 2022
Tom Rodriguez, Arizona
Tom Rodriguez, nagpaamdam sa social media at pinakita ang Instagram Story na ito na tila kuha sa bahay ng pamilya niya sa Arizona.
PHOTO/S: @akosimangtomas Instagram

GORGY RULA:

Maaring malaki ang nagagawa ngayon ng musika kay Tom Rodriguez para sa kanyang healing.

Pagkatapos ng matagal na hindi nagpaparamdam sa social media, nag-post uli ito sa kanya Instagram.

Nasa TikTok iyun na nagpa-piano, at ang nasa caption nito, “Music has got to be one of the best and free ways I’ve found to self soothe.

“Not much of a piano player, but it was fun trying to find my own way to play this John Mayer song.”

Tom Rodriguez

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sandaling nakatsikahan ng PEP Troika sa telepono ang manager ni Tom na si Popoy Caritativo pagkatapos ng GMA Thanksgiving Gala.

Natuwa si Popoy na nagkita na rin daw sila ni Carla Abellana sa pagtitipong iyun. Matagal na rin daw silang hindi nagkita, at sa telepono lang sila nag-uusap. Si Popoy rin kasi ang manager ni Carla.

Kinumusta namin kay Popoy si Tom na nasa Arizona, U.S.A .pa rin kasama ang kanyang pamilya.

Gusto man daw ni Tom na bumalik ng bansa para magtrabaho, parang mahirap pa sa ngayon dahil mauungkat na naman ang isyu nila ni Carla.

Hindi maiwasang itatanong at itatanong pa rin ito kay Tom, at hindi pa siya handang pag-usapan ito. Mabuting kasama raw ni Tom ang pamilya niya na patuloy na sumusuporta sa kanya.

Ayon kay Popoy, kahit paano ay may ginagawa naman daw doon si Tom dahil may tinatanggap daw itong shows doon. May naka-line up daw si Tom na guestings sa ilang shows ni Ai-Ai delas Alas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pa raw masasabi kung kaya na ba niyang bumalik ng bansa para magtrabaho. Kapag may offer daw ang GMA-7 na magandang project para sa aktor, saka nila pag-usapan kung puwede na ba siyang bumalik.

Hindi pa masagot ni Popoy kung makakabalik na ba si Tom bago matapos ang taong ito.

NOEL FERRER:

OK naman siguro na magpahinga muna si Tom doon kasama ng kanyang pamilya at magpagaling.

Noong una, akala ko ay aariba siya sa pagtatrabaho despite the breakup. Hindi ba’t nag-guesting spree pa siya at nag-cohost pa sa AOS?

Pero nang lumantad na si Carla sa kanyang katotohanan, nag-U.S. na’t nanahimik na si Tom. OK na rin lang iyun muna. Self-love na muna siguro.

JERRY OLEA:

Naalala ko tuloy si Anjanette Abayari. Nang masangkot si Anjanette sa isang kontrobersyal na isyu ay nagbalik-Amerika siya.

Magpapahupa lang muna sana siya ng init ng intriga, pero nagtuluy-tuloy na ang pamamalagi niya roon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Harinawang makabalik pa sa Pinoy showbiz si Tom. Pero kung masumpungan niya sa US ang katiwasayan at kaligayahan, OK na rin iyon para sa atin.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tom Rodriguez, nagpaamdam sa social media at pinakita ang Instagram Story na ito na tila kuha sa bahay ng pamilya niya sa Arizona.
PHOTO/S: @akosimangtomas Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results