Sean de Guzman, pinanindigan ang batibot scene sa The Influencer

by PEP Troika
Aug 6, 2022
Sean de Guzman
Sean de Guzman, pinanindigan ang kanyang mapangahas na 'batibot' scene sa pelikulang The Influencer, na magsisimulang mag-streaming sa Vivamax simula August 12.

JERRY OLEA

Tulog ang private part ni Sean de Guzman sa mga eksenang nag-frontal siya sa mga pelikulang Lockdown at Anak ng Macho Dancer na parehong idinirek ni Joel Lamangan.

Sean de Guzman

Sa bagong pelikula niyang The Influencer na idinirek ni Louie Ignacio, sa isang eksena ay nag-hello sa masturbation video ang galit niyang private part.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-alangan ba siyang gawin ang nasabing batibot scene? Paano siya nahikayat ni Direk Louie na gawin iyon?

“Si Direk Louie kasi, mapagkakatiwalaan ko kasi siyang direktor,” salaysay ni Sean matapos ang special screening ng The Influencer noong Huwebes ng gabi, Agosto 4, sa isang mall sa QC.

“So, dapat talagang magtitiwala ka sa direktor kung ano ang mas magpapaganda sa pelikula, gagawin natin.

“Kung nire-require dun sa eksena, gagawin natin.”

Sambot ni Direk Louie, “Pag magte-take kasi kami ng sexy, yung cinematographer at ako lang, 'tapos patay lahat ng monitor.

“So, kaming apat lang ang nakakakita. Pinapalayas ko lahat ng tao.”

Kasama ni Sean sa mga mapangahas na eksena si Cloe Barreto.

Sean de Guzman
Cloe Barreto

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sean de Guzman
Cloe Barreto

Dagdag ni Direk Louie, “So, respeto sa actors. Kaya nagagawa naming maganda ang blocking. Ganun.

“Bawal! Bawal sa set ko yung… sumisilip na ganun. Makikita niyo lang sa movie, pero during shooting, wala! Wala kayong makikita kahit isa.”

Totoo ba yung nag-hello sa cellphone, o prosthetic yung galit na private part ni Sean?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ahh, ulitin niyo! Panoorin niyo uli!” natatawang tugon ni Sean.

“Hindi, kasi sa eksena talaga na yun, ahhh… yun, kinausap ako ni Direk.

“Na kailangan ko talagang gawin yung bagay na yun. So ako, as an actor, ahhh… minotivate ko yung sarili ko na kaya ko yun. Kaya kong gawin yung bagay na yun! Ha! Ha! Ha!”

Nahirapan ba siyang gawin yun?

“Actually, nahirapan ako. Nahirapan ako dun sa eksenang yun. Kasi syempre, pressure sa… yung ambience,” pag-amin ni Sean.

“Yung mga tao. Anong lugar para gawin ko ang bagay na yun? Para… yeah, patigasin yung ari, di ba?”

Nailang ba si Cloe sa nasabing eksena?

Mabining tugon ni Cloe, “Hindi naman po. Kasi sobrang…”

Himutok ni Sean, “Pinaglaruan niyo pa nga, e! Pinaglaruan niyo!” na ikinatili at ikinahalakhak ni Cloe.

Tawa nang tawa sina Cloe at Sean nang uriratin kung paano pinaglaruan, at kung tumulong ba si Cloe sa pagpapatelag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tanungin niyo po siya! Hindi! Joke lang! Ha! Ha! Ha! Ha!” pagtawa pa ni Sean.

Kaya ba napapayag si Sean na gawin iyon ay dahil siya ang bida?

“Hindi naman po. Hindi naman po dahil bida ako. Pumayag po ako sa pelikulang ito dahil maganda yung pelikula,” paglilinaw ni Sean.

“At pangalawa, si Direk Louie, napaka-giving na direktor niyan. Sobrang pleasure na makatrabaho si Direk Louie.”

Streaming ang The Influencer umpisa Agosto 12, Biyernes sa Vivamax. Tampok din sa movie sina Elizabeth Oropesa, Ruby Ruiz at Soliman Cruz.

GORGY RULA

Sunud-sunod ang mga ginagawang pelikula ni Sean. Nakakalimutan na nga niya ang pangalan ng karakter na ginagampanan niya.

Pero hangad naman ng aktor na mapasama siya sa pang-mainstream na project o sa isang teleserye.

Gumagaling na siya umarte at malaking bagay na nakakasama niya ang mga magagaling na aktor at naha-handle ng matinong direktor.

Posible kayang ang career path ni Allen Dizon ang tinatahak niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Owwww, si Sean de Guzman na naman?

Mas interesado ako ngayon hindi lang sa The Influencer ni Direk Louie Ignacio kundi sa mataas naman na rating ng TiktoClock na umabot ulit ng 4.2% at naging baliktad na 2.4% na lang ang Tropang LOL!

Kung may nagsasabing baka kailangang mag-bonding pa ang mga taga-TiktoClock, baka mas may kailangang i-adjust at baguhin ang LOL para tumaas pang lalo ang rating nito bago tuluyang maubos ang pisi.

Sa labanang noontime, iba pa rin ang Eat Bulaga dahil anuman ang mangyari, hindi ito natitinag, tulad na lang ng ano ni Sean na hindi natinag sa The Influencer. (Nahanapan ng kunek! Hahaha!)

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sean de Guzman, pinanindigan ang kanyang mapangahas na 'batibot' scene sa pelikulang The Influencer, na magsisimulang mag-streaming sa Vivamax simula August 12.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results