Death scenes nina John Estrada at Lorna Tolentino sa Ang Probinsyano, nagawa bang talunin ang Lolong sa ratings?

by PEP Troika
Aug 9, 2022
john estrada lorna tolentino ang probinsyano
How did the brutal and gory death scenes of John Estrada and Lorna Tolentino in Ang Probinsyano fare in the ratings game vs Lolong?
PHOTO/S: Kapamilya Channel

GORGY RULA

Nagsimula na kagabi, August 8, ang huling linggo ng FPJ’s Ang Probinsyano kaya inaasahang marami ang interesadong malaman kung paano matatapos ang kuwento ni Cardo Dalisay.

Read: Coco Martin announces last three weeks of FPJ's Ang Probinsyano

Medyo tumaas ang combined ratings ng Kapamilya teleserye nung nakaraang Biyernes, August 5, dahil yun ang episode kung paano pinatay sina Lily (Lorna Tolentino) at Armando (John Estrada).

Read: Lorna Tolentino, John Estrada meet their end on FPJ's Ang Probinsyano

Naka-14.5% ito, pero hindi pa rin nito natalo ang Lolong ni Ruru Madrid na naka-15.5%.

Maaaring nadagdagan ang viewers ng Ang Probinsyano, pero hindi umalis ang mga nakatutok talaga sa Lolong.

Pero ang isa pa sa ikinagulat namin ay ang super-taas na rating ng Family Feud ni Dingdong Dantes.

Naglaro nung nakaraang Biyernes, August 5, ang pamilya ng mag-asawang Geryk Genaski at Jaycee Parker kalaban sa mga makukulit na online personalities na Ser Geybin. Naka-13.4% ito na parang pam-primetime na ang rating nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mataas ang viewership nung araw na yun dahil hindi na siguro lumabas ang mga tao gawa ng tuluy-tuloy na malakas ang ulan at bumaha sa ilang bahagi ng Kamaynilaan.

Nung araw na yun ay naka-6% ang Eat Bulaga! at 2.9% naman ang It’s Showtime.

Sumunod ang Apoy sa Langit na mataas pa rin sa 9.2%. Ang Return to Paradise ay 8%, at 7.6% naman ang The Fake Life.

NOEL FERRER

Noong Agosto 6, Sabado, ay bahagyang bumaba ang rating sitcom ng GMA-7 na Pepito Manaloto na naka-11.6%, katapat ang Idol Philippines na naka-4.3%.

Ang Jose and Maria’s Bonggang Villa ay naka-12.7% versus Maalaala Mo Kaya na naka-2.1%.

Noong Agosto 7, Linggo, ay consistent pa ring mataas ang FPJ Da King kahit paulit-ulit lang itong napapanood.

Medyo tumaas ang All-Out Sundays na naka-4.1%, at 3.1% naman ang ASAP Natin ‘To.

Sumunod ang GMA Blockbusters na naka-3% at Atom Araullo Special na naka-4.4%. Pero ang FPJ Da King ay 5% ang combined ratings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumunod ang Amazing Earth na naka-7% at ang 24 Oras Weekend ay naka-14.2%, versus TV Patrol Weekend na 1.9%.

Ang Daig Kayo ng Lola Ko ay 11.7%, at 3.1% naman ang Idol Philippines.

Tumaas uli ang Happy ToGetHer na naka-13.4% versus He’s Into Her na naka-1.1%.

JERRY OLEA

Hulyo 29 hanggang Agosto 26 ang Ghost Month.

Ang araw ng Ghost Festival ay Agosto 12, Biyernes, at sa araw na iyon magtatapos ang FPJ’s Ang Probinsyano.

Sakop ng Ghost Month ang pag-uumpisa ng Darna ni Jane de Leon. Hopefully ay magpapayanig ito kahit paano sa televiewers.

Read: Jane de Leon recalls reaction when told ABS-CBN's Darna remake will not push through

Doon kasi sa Binibining Pilipinas 2022, star na star ang dating ni Joshua Garcia. Ang mga pa-Tiktok ni Joshua, solid.

Samantalang si Jane, kulang sa ningning doon sa Binibining Pilipinas. Dapat bang sisihin ang kanyang stylist?

Abang-abang tayo kung babaguhin ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS) ang TV landscape mula sa Oktubre. Totoo ba ang naulinigan nating sa radyo muna magpapasiklab ang AMBS?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Blessing ng K-lite 103.5 FM station sa Starmall, hudyat ng pagpasok ng Villar Group sa entertainment business

Mabuti at tapos na ang Ghost Month sa pag-uumpisa ng Running Man Philippines sa Setyembre.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
How did the brutal and gory death scenes of John Estrada and Lorna Tolentino in Ang Probinsyano fare in the ratings game vs Lolong?
PHOTO/S: Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results