Watch Now

Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero, may tampuhan?

by PEP Troika
Aug 9, 2022
heart evangelista chiz escudero
May pahiwatig ba si Heart Evangelista sa kanyang Instagram posts tungkol sa estado ng pagsasama nila ng asawang si Senator Chiz Escudero?
PHOTO/S: Pau Guevarra / Instagram

GORGY RULA

Marami ang nakapansing tinanggal ni Heart Evangelista sa Instagram handle niya ang apelyidong Escudero.

May isang post din siya sa kanyang IG story noong Lunes, August 8, 2022, na wala siyang suot na wedding ring.

heart evangelista post

Noong nakaraang Thanksgiving Gala Night ng GMA-7 ay may mga nagtatanong din kung may problema ba sina Heart at Sen. Chiz Escudero. Kapansin-pansin daw kasing hindi gaanong ngumingiti si Heart na parang wala ito sa mood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Heart Evangelista's OOTDS at #GMAGalaNight possibly cost around PHP15 million

Naiipon ang mga ganoong obserbasyon kaya naiintriga ang karamihan kung okay ba ang mag-asawa.

Hindi lang madiretso ng PEP Troika si Heart kaya idinaan na lang muna namin sa ilang taong malapit sa Kapuso actress.

Kaagad naman nilang itinanggi na may problema ang dalawa. Okay raw sina Heart at Senator Chiz.

Pareho raw abala sa trabaho ang mag-asawa kaya bihira lang nagkikita.

Magmula nang nagbukas ang 19th Congress ay abala na raw si Senator Chiz sa Senado, at si Heart ay puno na rin daw ang schedule, kaya bihira lang sila nagtatagpo.

Sa August 22 ay nakatakda raw tumulak patungong Paris, France si Heart kasama raw ang kanyang sister at ang glam team. May mga meeting daw siya roon at pictorial. Maaaring paghahanda ito sa dadaluhan niyang Fashion Week sa susunod na buwan.

Okay na okay raw ang mag-asawa kaya walang dapat ipag-alala. Wala raw maisagot si Heart sa mga nangungulit sa kanya dahil okay naman silang mag-asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi rin ng ilan pang nakatrabaho ni Heart, ang aktres daw ang tipong hindi kayang magsinungaling kung tatanungin ito. Pero sa ngayon ay nakakaintriga pa rin ang pananahimik ni Heart.

JERRY OLEA

Normal sa magkarelasyon o mag-asawa ang magkatampuhan once in a while.

Lalabas at lalabas ang totoo sa estado nina Heart at Senator Chiz. Nawa’y manaig ang pag-ibig sa kanilang dalawa!

NOEL FERRER

Kasal sila kaya gagawin nila ang lahat para maayos nila ang kanilang sitwasyon.

Siyempre, magkaibang tao kayo na nagsasama kaya mangyayari talaga ang mga pagtatalo at di pagkakaintindihan. Pero kapag mag-asawa, your love is greater than any issue.

Nananalangin tayo na maaayos din lahat nina Heart at Chiz ang kung anumang pinagdaraanan nila.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May pahiwatig ba si Heart Evangelista sa kanyang Instagram posts tungkol sa estado ng pagsasama nila ng asawang si Senator Chiz Escudero?
PHOTO/S: Pau Guevarra / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results