Watch Now

Max Eigenmann: "Nobody can live up to Tita Cherie’s legacy."

by PEP Troika
Aug 10, 2022
max eigenmann cherie gil death
Max Eigenmann on her late aunt, Cherie Gil: "Every time I would have a bad day at work or every time I was doubting myself as an actor, ang tinatawagan ko talaga, si Tita Cherie. We’re very, very, very close. And there was one time talaga na sabi ko, ‘Tita, I don’t think I can do this. I’m getting tired, I don’t know if I can attack the scene.’ Sabi niya, ‘Oh my God, Maxine! Stop being a drama queen and get back to work!’"
PHOTO/S: Jerry Olea / @maxeigenmann on Instagram

GORGY RULA

Ipinagmalaki ni Cherie Gil ang pamangking si Max Eigenmann sa 37th Luna Awards noong Nobyembre 30, 2019 sa Maybank Performing Arts Theater, BGC, Taguig City.

Noon kasing Nobyembre 22, 2019 ay tumanggap si Max ng Best Performance by an Actress sa 13th Asia Pacific Screen Awards sa Brisbane, Australia para sa pelikulang Verdict.

Read: Max Eigenmann wins Best Actress at Asia Pacific Awards

“Nag-present po kami dun. We were each other’s date,” sambit ni Max sa cocktails area ng CCP bago ang gala premiere ng Cinemalaya film niyang 12 Weeks nitong Agosto 9, 2022, Martes ng gabi.

Bago ang gala screening ng Cinemalaya films last weekend, inia-announce na, “Please offer a moment of silence for Miss Cherie Gil who was part of the Cinemalaya family as a member of the jury and a featured actress in one of the Cinemalaya films.”

Pumanaw si Cherie, sa edad na 59, noong August 5, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Award-winning actress and primera contravida Cherie Gil dies at 59

Ano ang pakiramdam ni Max nang marinig niya iyon bago ang gala premiere ng isa pang Cinemalaya film niyang Kargo noong Agosto 6, Sabado ng 6:15 p.m., sa Tanghalang Nicanor Abelardo o CCP Main Theater?

“One of the things that really went through my mind during my first screening on Saturday was something that she told me before,” tugon ni Max.

“Kasi, every time I would have a bad day at work or every time I was doubting myself as an actor, ang tinatawagan ko talaga, si Tita Cherie. We’re very, very, very close.

“And there was one time talaga na sabi ko, ‘Tita, I don’t think I can do this. I’m getting tired, I don’t know if I can attack the scene.’

“Sabi niya, ‘Oh my God, Maxine! Stop being a drama queen and get back to work!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So with regards to what’s going on in my family right now, it’s a very, very tough time.

“But, tatapusin ko muna itong Cinemalaya at paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko yung sinabi sa akin ni Tita Cherie na, ‘Mamaya na 'yan, Huwag ka muna magdrama. Trabaho ka muna!’”

Nararamdaman ba niyang present si Cherie sa gala premiere ng Cinemalaya films niya?

Napangiti si Max, “Always, always. She’s here with me.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Hindi agad nakasagot si Max nang uriratin kung kinakausap ba niya si Cherie dahil ramdam niya lagi ang presence at suporta nito.

Pigil na pigil ang pagluha ni Max, “Ahhm, everything that I have to say, siya na lang makakaalam nun. But yes, kinakausap ko siya, silang dalawa ng daddy ko.”

Si Max ay anak ng pumanaw na ring kapatid ni Cherie na si Mark Gil. Ang kanyang ina ay ang aktres ding si Bing Pimentel.

Minabuti ni Cherie at ng mga kapamilya niyang manahimik kaugnay sa karamdamsn ng yumaong aktres.

Read: Jay Eigenmann, Bianca and Raphael Rogoff write loving tributes to their mom Cherie Gil

Paano nila dinala yun?

“It was something that she wished and because it was something that she wished, it was easy for us to do it for her,” sambit ni Max.

Kumusta na ang kanilang pamilya?

“Siyempre malungkot, all of us. I was with my siblings last night. So, okay naman.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naihanda sila kahit paano sa pagpanaw ni Cherie, pero nang dumating na ang oras na iyon, iba pa rin…

“No one can prepare you for something like that, especially for somebody that you love dearly, as I love Tita Cherie.”

Sa kanilang pamilya, mukhang si Max ang susunod sa mga yapak ni Cherie. The Next Cherie Gil!

“I would take that as a compliment… but Tita Cherie, nobody can live up to Tita Cherie’s legacy,” sambit ni Max.

“I only wish to accomplish as much as she did. She’ll always be an inspiration to me but there will be never be a next Cherie Gil!

“There’s only one.”

Walang copycat!

“None!”

Nagkatrabaho ba silang magkasama ni Cherie?

“Not yet.”

Ni-regret niya iyon?

“Hindi ko siya naging ano, e, never nagkaroon ng chance. Pero… OK lang naman din,” pagbuntong hininga ni Max.

“Kasi, my relationship with her was beyond what anybody in this world will ever know. She was one of my best friends!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagawa na ba niya ang classic line ni Lavinia Arguelles (karakter ni Cherie) sa pelikulang Bituing Walang Ningning (1985) — “You’re nothing but a second-rate trying hard copycat!”

Napakunot-noo si Max, “Hindi! Ayoko nang gawin yun! Hindi ko gagawin yun!”

NOEL FERRER

Nabalitaan natin through Gina Alajar, who got it from her son who is flying to the U.S., na sa Tuesday ike-cremate ang mga labi ng ating La Primera Contravida na si Cherie Gil.

Bagamat alam ng pamilya ang kundisyon ni Cherie, nababalutan pa rin sila ng matinding lungkot sa pagpanaw nito.

Lubos na matutuwa siguro si Cherie kung magkatotoo ang hulang si Max ang favored na manalo ng mga audience na nakapanood ng pelikula niyang Kargo sa ongoing Cinemalaya Independent Film Festival.

Ano pa kaya kung makatabla ni Max ang sarili sa pagganap niya sa 12 Weeks?!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Max Eigenmann on her late aunt, Cherie Gil: "Every time I would have a bad day at work or every time I was doubting myself as an actor, ang tinatawagan ko talaga, si Tita Cherie. We’re very, very, very close. And there was one time talaga na sabi ko, ‘Tita, I don’t think I can do this. I’m getting tired, I don’t know if I can attack the scene.’ Sabi niya, ‘Oh my God, Maxine! Stop being a drama queen and get back to work!’"
PHOTO/S: Jerry Olea / @maxeigenmann on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results