Watch Now

Derek Ramsay, pinayuhan ang kapatid na si Andrew Ramsay tungkol sa rude comments

by PEP Troika
Aug 10, 2022
derek and andrew ramsay
Derek Ramsay (left) on younger brother Andrew Ramsay: “Hands down. He’s a better actor than me. I’ve always said na siya talaga ang talented sa pamilya... You should see him actually on theater, he’s really really good.”
PHOTO/S: @ramsayderek07 on Instagram / Jerry Olea

GORGY RULA

Suportado ng mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Adarna ang Cinemalaya entry ni Direk Christian Paolo Lat, ang Ginhawa, kung saan ang bida ang nakababatang kapatid ng aktor na si Andrew Ramsay.

Read: Bunsong kapatid ni Derek Ramsay na si Andrew Ramsay, pinasok na rin ang pag-aartista

Proud si Derek sa kanyang bunsong kapatid dahil sa tingin niya, mas magaling itong aktor kesa sa kanya.

“Hands down. He’s a better actor than me,” bulalas ni Derek nang nakapanayam ng PEP Troika.

“I’ve always said na siya talaga ang talented sa pamilya. He studied in New York Film Academy, John Lennon School in UK, and Liverpool Institute of Performing Arts. So, everything—singing, dancing, ballet.

“You should see him actually on theater, he’s really really good.”

Binanggit noon ni Andrew na hindi siya nagpaalam kay Derek nang pinasok niya ang showbiz dito sa Pilipinas dahil noon pa man ay alam na raw ng kanyang kuya na hilig niya ang pag-aartista, pati ang film production.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi naman ni Derek, “Hindi na niya kailangang magpaalam. He can do whatever he wants, and I support whatever he wants to do in life.

“This is his time to shine.”

Marami raw silang pinag-usapang magkapatid pagdating sa showbiz, at isa na rito ang bashers.

Nakarating din kay Derek ang ilang rude comments ng iba kapag pinagkukumpara ang kanilang hitsura.

Ani Derek, “You can’t avoid that. Sabi ko, 'It’s just a noise. Filter that out. It’s not gonna affect how you going your career.'

“You’re never gonna please everyone. Everyone has something to say. So, I tell him, 'Don’t even acknowledge them. Just be respectful to everybody.

“'If somebody has nothing nice to say, respectfully listen to it and maybe it can make you a better actor, a better person, and absorb the positive things people say. It’s just a noise.'”

andrew ramsay ginhawa

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Andrew Ramsay in a scene from Ginhawa

JERRY OLEA

Sa tingin ba ni Derek, siya ang naka-inspire kay Andrew na pasukin ang pag-aartista dahil lagi niya itong isinasama noon sa mga taping at shooting?

“Siguro when he was a little boy, he saw me doing all the teleseryes, and naintriga siya dun,” pahayag ni Derek.

“I guess that’s the path that he wanted to take, as his bigger brother entering the film industry.

“I never really thought that going behind the camera like him.

“Siya, he got the whole training. So, he decided to do both, in front and at the back of the camera.”

Ang iba pa niyang madalas na sinasabi kay Andrew, “'Don’t be intimidated of what I’ve done. Be you.

“You’re much more talented than me. Let that talent just…' ahh, he was shy. He’s got that talent. He’s a character actor.”

May laban ang Ginhawa sa major awards ng Cinemalaya 2022 sa awards night na gaganapin sa Agosto 14, Linggo ng 6:15 p.m., sa Tanghalang Nicanor Abelardo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pakiwari namin ay Ginhawa, 12 Weeks, at Blue Room ang magkakatunggali.

Palaban for best actor si Andrew Ramsay (Ginhawa) kay JC de Vera (Bakit Di Mo Sabihin?).

For best supporting actor, panlaban ng Ginhawa si Dido de la Paz.

And for best supporting actress, puwedeng makasilat sina Ruby Ruiz at Chanel Latorre ng Ginhawa.

NOEL FERRER

Sa totoo lang, gusto rin daw subukan ni Derek ang ginagawa ng kapatid niya, at open siya sa posibilidad na magsama sila sa isang magandang pelikula.

“Ako rin, yun din ang gusto ko, e. He likes to take on character actor. He likes to do theater. You should see his 30-minute monologue,” sabi ni Derek.

“I’d love to do roles what my brother’s doing. Sumali na ako sa Cinemalaya under Direk Tuviera before.

“Tawag dun… The Janitor. Actually, favorite ko rin ang isa sa mga pelikulang ginawa ko. Sabi ko, 'One day, bigyan mo ako ng role sa isa mga pelikula mo, sasali ako diyan.'”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay (left) on younger brother Andrew Ramsay: “Hands down. He’s a better actor than me. I’ve always said na siya talaga ang talented sa pamilya... You should see him actually on theater, he’s really really good.”
PHOTO/S: @ramsayderek07 on Instagram / Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results