Watch Now

Rob Sy, tumuloy pa rin sa shooting kahit pumanaw ang ina

by PEP Troika
Aug 10, 2022
rob sy
Rob Sy: "Parang napaka-unprofessional naman po na the day ng shoot, saka ko sasabihin sa kanila na, ‘I’m sorry guys, hindi pala ako puwede!’ Kahit ganun po ang nangyari, galing po ako ng lamay sa nanay ko, nag-drive po ako diretso sa set sa Zambales. And after po nung shoot, drive po ako uli diretso sa lamay."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Pinanindigan ni Rob Sy ang kasabihang, “The show must go on.”

Kahit pumanaw ang kanyang ina, sumipot siya sa shooting ng pelikulang Bingwit.

“The day before the shoot ng Bingwit, yung nanay ko, namaalam,” lahad ni Rob sa mediacon ng AQ Prime nitong Agosto 8, Lunes, sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City.

“So, I’m not supposed to be doing anything, as in wala.

“Pero yung commitment ko po sa trabaho, commitment ko kina Atty. Honey, Atty. Aldwin, kay Direk Buboy, kay Sir RF…

“Ahh, parang napaka-unprofessional naman po na the day ng shoot, saka ko sasabihin sa kanila na, ‘I’m sorry guys, hindi pala ako puwede!’

“Kahit ganun po ang nangyari, galing po ako ng lamay sa nanay ko, nag-drive po ako diretso sa set sa Zambales.

“And after po nung shoot, drive po ako uli diretso sa lamay. So, kaya po napakaespesyal nitong pelikulang ito para sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At napakagaan po! Kasi, with Direk Buboy na talagang gina-guide kami… saka silang lahat po, sobrang gagaling!

“Hindi nasayang yung pagod ko kamamaneho papunta’t pabalik. So, salamat, salamat sa team na bumubuo ng Bingwit at AQ Prime,” napaluhang kuwento ni Rob.

Streaming na ang Bingwit sa AQ Prime umpisa noong Lunes.

Ang producers ng AQ Prime ay sina Atty. Aldwin Alegre at Atty. Honey Quiño. Ang line producer ay si Rodel “RF” Fernando.

Ang direktor ng Bingwit ay si Neal “Buboy” Tan. Bida rito sina Krista Miller, Drei Arias, at Conan King na walang kyeme latik sa mga mapangahas na eksena.

bingwit aq prime launch

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

(L-R) Rob Sy, Drei Arias, RS Francisco, Krista Miller, Conan King, Atty. Honey Quiño, Direk Neal “Buboy” Tan, and Atty. Aldwin Alegre

NOEL FERRER

Mahalaga ang role ni Rob Sy bilang Congressman Domingo, ang asawa ng starlet na si Salem (Krista Miller) sa project na ito.

Katulad ng ilan, therapy rin kaya para kay Rob ang work para makalimot sa matindi nating pinagdaraanan sa buhay?

Whatever works for Rob, at least he gets his job done.

GORGY RULA

May bold scene din si Rob with Krista sa Bingwit, pero unlike newcomers Conan and Drei ay hindi siya nag-frontal.

Read: Newbie Drei Arias confident about baring it all: "Hindi ako naka-feel ng awkwardness."

Read: Newcomer Conan King, palaban sa hubaran at harutan

Itong Bingwit ay isa sa apat na bagong pelikula na nag-streaming sa AQ Prime umpisa noong Lunes.

Ang tatlo pa ay ang horror movie na Huling Lamay ni Direk Joven Tan, at yung dalawang idinirek ni Alejandro “Bong” Ramos na Adonis X at La Traidora.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Eklay lang pala yung pralala na nag-frontal si Kurt Kendrick sa Adonis X, pero bigay na bigay siya sa halikan at dukutan with Kristoff Garcia.

Read: Newcomer Kurt Kendrick bares all in BL movie Adonis X

Sa La Traidora, palaban nga sa pagpo-frontal ang baguhang si Juan Calma.

Read: Juan Calma lets it all hang out in his first two movies: "Laban lang!"

As of now ay marami nang palabas sa AQ Prime, including Winwyn Marquez’s MMFF 2021 entry na Nelia, Ang Guro Kong Di Marunong Magbasa, Sigwa, Tumbang Preso, I Love You, LC!, Husbands of Rosario, Love; Life, Namets, Laruang Lalake, The Escort, Higanti, Sikil, Bingoleras, You With Me, at Best. Partee. Ever.

Streaming na rin sa AQ ang Kurap, Lovebirds, Gayak, Ku’Te, Hitboy, Tribu, Makata, Pedro Calungsod: Batang Martir, Ang Sikreto ng Piso, at marami pang iba.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rob Sy: "Parang napaka-unprofessional naman po na the day ng shoot, saka ko sasabihin sa kanila na, ‘I’m sorry guys, hindi pala ako puwede!’ Kahit ganun po ang nangyari, galing po ako ng lamay sa nanay ko, nag-drive po ako diretso sa set sa Zambales. And after po nung shoot, drive po ako uli diretso sa lamay."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results