Watch Now

JC de Vera, bilib sa matalas na memorya ng leading lady na si Janine Gutierrez

by PEP Troika
Aug 11, 2022
jc de vera janine gutierrez bakit di mo sabihin
JC de Vera on Janine Gutierrez: "Lahat ng scenes, pinaghandaan niya, memorized niya. Pag pumapasok na siya sa set, hindi na siya kailangang i-refresh. Talagang alam na alam na niya yung gagawin niya. So ako, kinakabahan ako. Kasi, parang… ‘Ano ba itong kaeksena ko?! Mas prepared sa akin!’ sabi ko."
PHOTO/S: Jerry Olea / Cinemalaya

JERRY OLEA

Nahirapan si JC de Vera sa pagsa-sign language sa Cinemalaya film na Bakit Di Mo Sabihin?, kung saan gumanap sila ni Janine Gutierrez bilang mag-asawang pipi.

Read: JC de Vera, sumakit ang ulo dahil sa deaf role sa Bakit Di Mo Sabihin?

“Definitely mahirap pero it’s a very, very beautiful journey,” lahad ni JC noong Agosto 6, Sabado, sa cocktails area ng Cultural Center of the Philippines.

“Nag-enjoy kami lahat. It’s always nice to learn a new language, and we took up that challenge.

“At yung outcome, lahat kami, naging sobrang happy. Kasi, very fulfilled kami na natapos namin in a wonderful way yung film namin.”

Napaka-expressive ng akting nina JC at Janine bilang deaf couple na dumaan sa maraming pagsubok.

“May times na nagsasalita tayo pero sinu-sugarcoat natin palagi yung mga sinasabi natin,” paliwanag ni JC.

“Pagdating sa mga deaf, talagang ipaparamdam nila sa yo kung ano talaga yung nararamdaman nila, na without sugarcoating.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

First time na makipagtambal ni JC kay Janine.

“Si Janine was very smart and intelligent on how she portrayed her role. Ahhmm, very sharp memory,” sambit ni JC.

“Kasi, alam mo lahat ng scenes nung sign language na gagamitin, memorized niya lahat.

“Magkaiba kami ng ginawang process. Kasi, ako kasi, most of the time, sunud-sunod yung scenes ko sa shoot.

“Siya, meron siyang mga konting break time pero ano rin siya, maraming scenes din talaga.

“Pero bibilib ka talaga sa kanya, very sharp yung memory niya. Lahat ng scenes, pinaghandaan niya, memorized niya.

“Pag pumapasok na siya sa set, hindi na siya kailangang i-refresh. Talagang alam na alam na niya yung gagawin niya.

“So ako, kinakabahan ako. Kasi, parang… ‘Ano ba itong kaeksena ko?! Mas prepared sa akin!’ sabi ko.

“Ako kasi, I have to refresh yung sign language ko before every scene. Yun yung palagi kong ginagawa.

“Kasi nga, it’s very complex na mahihirapan ka kapag minemorize mo lahat ng scenes, tapos sunud-sunod.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi ko, ‘Baka mag-suffer naman yung pagbigay ng emotions dun sa karakter.’”

janine jc bakit di mo sabihin

May pagkakataon bang tinulungan siya ni Janine sa pagsa-sign language?

“Yes, she was very helpful dun sa shoot namin. Ahhm, may mga times na nagre-refresh ako, then she would tell me na, ‘Let’s run it back.’

“Kasi, para mas fluid, mas fluent yung batuhan namin ng sign. Kasi, yung paggawa ng eksena is really tough.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dahil hindi lang yung lines ko ang mine-memorize ko, but also her lines. Kasi, pareho kaming deaf, pareho kaming nagsa-sign language.

“So, wala kaming cue sa isa’t isa. Kailangan namin talagang i-memorize kung ano yung gagawin niya, at kung ano ang gagawin ko.”

Hindi sila puwedeng mag-adlib?

Napangiti si JC, “You know, surprisingly, marami kaming na-adlib. Marami kaming na-adlib sa sign.

“Hindi nyo malalaman na adlib. Kasi nga, we were so happy that we were totally immersed dun sa character.

“Na umabot sa point na sa sobrang kaya na namin siyang gawin, meron na kaming pwedeng i-add dun sa script based dun sa sinasabi talaga nung character.”

GORGY RULA

Nagustuhan ko ang ilang pelikulang idinirek ng kaibigan kong si Real Florido.

Gusto ko ang kasimplehan ng 1st Ko si Third, na ibang-iba sa Bakit Di Mo Sabihin.

Nabibigatan kasi ako sa Bakit Di Mo Sabihin? dahil bukod sa hirap na hirap ako sa pag-aaway ng mag-asawang pipi, bakit pati ang dalawa nilang anak ay away rin nang away? Ganundin ang karakter dito ni JC de Vera sa mga kapatid niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero magagaling silang lahat, pati nga ang dalawang batang gumaganap na anak nina Janine at JC.

Nakakabilib ang pag-evolve ni JC bilang aktor. Lalo siyang gumagaling.

Pero may ilang "away scenes" nila ni Janine na natatabunan siya ng aktres. Magaling si Janine dito, kaya puwedeng maging mahigpit ang labanan nila ni Max Eigenmann ng Kargo at 12 Weeks para sa Best Actress ng Cinemalaya this year.

Unang tingin ko, parang walang chemistry sina JC at Janine, na parang hindi sila mukhang mag-asawa. Pero baka sinadya rin, kasi magkaiba talaga sila ng character.

Galing sa mayamang pamilya ang karakter na ginagampanan ni Janine, at ang role ni JC dito ay isang simpleng titser na taga-Baler, Aurora.

Sa kabuuan, okay naman ang pelikula, kahit may ilang nakakaantok na eksena, pero nasi-save ng magaling na performance ng mga artistang kasali sa pelikulang ito.

NOEL FERRER

Napanood ko ang Bakit Di Mo Sabihin kasama ni Tito Gorgy kahapon, August 10.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

As expected, malinis naman ang pagkakagawa nito with a lot of money shots na sinasabi na, uy, master nila ang film language. Kudos to its cinematography and editing, alam mong nakakaangat ang gumawa nito.

Medyo may kabigatan lang ng kamay ang pagkaka-handle ng pelikula at talagang isusubo sa iyo ang mga nagaganap na drama. Mahirap talagang timplahin ang subtlety.

Pero tama si Tito Gorgy, the acting of Janine and JC saved the film, really. Good intentioned and all, nakakatuwang makita na maraming deaf and mute sa audience na nag-uusap sa loob ng teatro.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
JC de Vera on Janine Gutierrez: "Lahat ng scenes, pinaghandaan niya, memorized niya. Pag pumapasok na siya sa set, hindi na siya kailangang i-refresh. Talagang alam na alam na niya yung gagawin niya. So ako, kinakabahan ako. Kasi, parang… ‘Ano ba itong kaeksena ko?! Mas prepared sa akin!’ sabi ko."
PHOTO/S: Jerry Olea / Cinemalaya
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results