Iza Calzado inanunsiyo ang pagbubuntis sa kanyang 40th birthday

by PEP Troika
Aug 12, 2022
iza calzado pregnancy
On her 40th birthday today, August 12, Iza Calzado announces that she's expecting her first baby with husband Ben Wintle.
PHOTO/S: @missizacalzado on Instagram

NOEL FERRER

Ngayong araw, August 12, 2022, ang 40th birthday ni Iza Calzado.

20th anniversary niya sa showbiz industry. May Darna at K-Love at loyal endorsements siya and growing.

At higit sa lahat, pumapasok siya sa bagong chapter ng buhay niya.

Yes, buntis si Iza!

Mensahe ng talent kong maganda at premyadong aktres sa kanyang birthday post sa Facebook! “They say life begins at 40.

“So I had all these big plans for my for 40th year on Earth as it also coincides with my 20th year in the industry. I already completed a few of the exciting projects lined up for me and there were a few dream projects in the pipeline. I was ready to usher in this new chapter in my life.

“Then you came along. Unexpectedly. It was a shock in the beginning like ice cold water that gets thrown at you. This is not what I planned yet here you were. It took only a brief moment. I, then, instinctively knew that this was THE plan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung kailan siya talaga pinaka-fit at pinaka-sexy, kung kailan talaga buhos ang dami ng opportunities sa kanya in getting her goal as an internationally acclaimed actress, heto si Lord na nagbibigay sa kanya ng biggest role sa kanyang buhay — that of being a mother.

GORGY RULA

Magkasunod na magagandang balitang pinag-usapan nating ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos ni Jessy Mendiola, si Iza naman. Ang saya-saya!

Read: Jessy Mendiola is pregnant, expecting first baby with Luis Manzano

Ito lang naman ang hinihintay natin kay Iza, ang magiging mommy na talaga.

Ang dami na niyang nagawa at napatunayan, ang magiging ina naman ngayon ang ating susubaybayan sa kanya.

Hintayin na lang natin ang pagbabalik nila mula sa bakasyon nila sa Poole, United Kingdom.

Pero maganda rin sana kung doon na magsilang si Iza ng first baby nila ni Ben. Less stress doon, ang ganda ng tanawin, walang traffic at mas safe sa tingin ko.

Pero knowing Iza na napaka-active, tiyak na marami pa rin siyang gagawin habang ipinagbubuntis ang kanyang magiging first baby.

Sabi nga ni Sir Noel, isa sa pagkakaabalahan niya ay ang kanyang advocacy work na She Talks Asia. Maganda ring ibahagi niya roon ang kanyang kalagayan ngayon.

Balak din daw niyang i-document sa social media ang kanyang pagbubuntis. Pero puwede pa rin naman siyang rumaket, yung di masyadong matrabaho na gawain, gaya ng pagdya-judge sa mga reality o talent search na programa. Puwedeng-puwede, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napaka-athletic din niya, kaya tingnan natin kung ano ang mga gagawin niyang exercises ng isang buntis.

Ang gandang balita ito sa kanyang kaarawan at kasabay na rin sa pagsisimula ng Darna nila ni Jane de Leon.

Congratulations kay Iza at binabati ka uli namin ng maligayang kaarawan!

JERRY OLEA

“Ako rin!”

Tila iyan ang pahiwatig ni Iza matapos i-announce ni Jessy Mendiola ang pagbubuntis noong Agosto 11, Huwebes.

Mukhang magdudulot ng suwerte sa fantaseryeng Mars Ravelo’s Darna ang pagbubuntis ni Iza!

Keber kung masapawan muna si Jane de Leon sa publicity. After all, si Iza ang gumanap bilang unang Darna na si Leonor Custodio.

Teka! Kailan babalikan ni Jennylyn Mercado ang serye nila ni Xian Lim na Love. Die. Repeat?

Setyembre last year nang magka-spotting ang Ultimate Star kaya nahinto ang lock-in taping ng palabas. Ang pralala, magre-resume iyon “next year,” bale ngayong 2022.

Aba, malapit nang mag-BER month! Lalampas ng isang taon bago magpatuloy ang Love. Die. Repeat na iyan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saludo tayo sa mag-asawang Jennylyn at Dennis Trillo na isinaalang-alang ang kaligtasan ng kanilang anak kaya hindi sila dumalo sa GMA Thanksgiving Gala noong Hulyo 30 sa Shangri-La The Fort, BGC, Taguig City.

Tumpak ang kanilang desisyon! Kailangan pa rin ang ibayong ingat.

Kaya idinadalangin nating maging ligtas sina Iza at Jessy sa kanilang pagdadalantao, at pagluluwal ng kani-kanyang panganay!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On her 40th birthday today, August 12, Iza Calzado announces that she's expecting her first baby with husband Ben Wintle.
PHOTO/S: @missizacalzado on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results