Watch Now

Max Eigenmann, frontrunner sa best actress race ng Cinemalaya 2022?

by PEP Troika
Aug 12, 2022
max eigenmann cinemalaya
Max Eigenmann on tackling her roles in her Cinmalaya 2022 movies Kargo and 12 Weeks: “To be honest kasi, the emotional baggage of the character that I played in Kargo, and the character that I played in 12 Weeks, are very, very different. But both tackle motherhood, e. So for me, the amount of emotions that I had to put in was the same. And the amount of effort that I gave for both characters was the same. I gave my best to both.”
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Pakiwari ko’y frontrunner sa pagiging best actress ng Cinemalaya 2022 si Max Eigenmann para sa pagganap niya sa pelikulang Kargo.

Kakalabanin ba niya ang sarili sa pagganap sa isa pa niyang Cinemalaya film na 12 Weeks?

Read: Directors of Cinemalaya 2022 entries, finished films amid pandemic

"I don't know how to answer that question, alam niyo naman 'yan,” tugon ni Max sa cocktails area ng CCP bago ang gala premiere ng 12 Weeks noong Agosto 9, Martes.

“Both films, for me, I gave all that I could and it's just up to the jury and everyone else to decide. I hope everyone enjoys both.”

Magaling ba talaga siyang mag-Ilonggo? Parang napaka-fluent niya sa pagsasalita ng Ilonggo sa Kargo.

Magaling ba talaga siyang mag-Ilonggo? Parang napaka-fluent niya sa pagsasalita ng Ilonggo sa Kargo.

“Oh, thank you po! Well, ahh… hindi ako fluent at all. I think naging madali lang siya for me, kasi we shot it in Iloilo,” pag-amin ni Max.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, karamihan ng kasali sa team namin nung nagsu-shoot kami ng movie was Ilonggo po talaga sila.

“So, I had the help of Nathan Sotto who played my husband in the movie. He was my diction and speech coach. So, that really helped.

“And it was nice also na pinayagan nila ako na yung mga medyo mas mahabang linya, tinuruan nila ako ng parang… a shorter way of saying it.

“I would practice and practice. Kasi, hindi ko talaga minemorize ang buong script as is. But I memorized the story.

“And every… ahhm, like the translation in Tagalog, I knew exactly what I was feeling in every scene.

“But I memorized and practiced the Ilonggo scenes only what I was gonna shoot for the day the night before para hindi ako malito.”

cargo cinemalaya

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nahirapan din ba siya sa pagmamaneho ng trak na may kargong sandamukal na kawayan?

“Oh my God, yun ang pinakamahirap dun!” bulalas ni Max.

“Kasi, hindi ako marunong mag-drive talaga nang manual. So, yung pagkatuto ko to drive nang manual, first time ko siyang ma-experience. Tapos, trak pa talaga!

“Nakakatuwa naman! Mahirap pero in my mind, ‘Hindi! Kaya ‘to! Kaya ‘to! Basta, gawin mo lang! Gawin mo lang!’”

Physically, mas mahirap gawin ang Kargo kesa sa 12 Weeks. Pero alin ang mas emotionally draining sa dalawang Cinemalaya 2022 film niya?

12 weeks cinemalaya

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“To be honest kasi, the emotional baggage of the character that I played in Kargo, and the character that I played in 12 Weeks, are very, very different,” pahayag ni Max.

“But both tackle motherhood, e. So for me, the amount of emotions that I had to put in was the same.

“And the amount of effort that I gave for both characters was the same. I gave my best to both.”

Alin sa dalawang karakter o pelikula ang mas malapit sa puso niya?

“Siyempre iba rin yung movie na ginawa ko with my mom, di ba? So, that’s close to my heart in that sense,” pagmamatuwid ni Max.

“But my experience in Kargo, having to learn to speak a completely different dialect, and learned so many new things, is also close to my heart in that sense.

“So, hindi talaga… wala talaga siyang compare! Kasi, napakaiba talaga yung experience ko with both films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, both of them are close to my heart in very different, wonderful ways.”

Ang mismong ina niyang si Bing Pimentel ang gumanap na nanay ni Max sa 12 Weeks.

max eigenmann bing pimentel

Max Eigenmann with mom Bing Pimentel

Ang unang Cinemalaya film ni Max ay ang Distance (2017) kung saan gumanap siya bilang lover ni Iza Calzado. Maikli ang papel niya roon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pagbabalik-Cinemalaya niya ngayong 2022 ay bida siya dalawang pelikula.

NOEL FERRER

From the time she came out as Iza Calzado’s lover in Cinemalaya’s Distance (2017), nagagalingan na ako kay Max Eigenmann.

And now, she comes out in two of the better Cinemalaya movies — 12 Weeks and Kargo.

OK na OK ang 12 Weeks, samantalang sa Kargo ay may pagka-indifferent ang mga tao sa last part ng pelikula, pero mahusay pa rin ang performance ni Max.

Ang malamang makalaban ni Max ay sina Peewee O’Hara sa Retirada at Janine Gutierrez sa Bakit Di Mo Sabihin?.

Dark horse naman sina Coleen Garcia sa Kaluskos at Kate Alejandrino sa Bula sa Langit.

Aabangan natin itong exciting na announcement of winners sa Linggo ng gabi, August 14, sa CCP Main Theater. But for now, let’s go on supporting the Cinemalaya films that are showing at CCP, Ayala, and SM Malls.

GORGY RULA

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Max ang isa sa pinakamagaling at active na Eigenmann ngayon. Sunud-sunod ang mga ginagawa niya, at hindi malayong magiging mabenta na iyan sa mga teleserye.

Kuhang-kuha pa niya ang arte ng Tita Cherie niya, na feeling ko, kering-keri niya ang linyang “you’re nothing but a second rate trying hard, copycat!”

Umiiling siya nang naramdaman niyang ipapa-sample sana natin sa kanya ang classic line na yun ng Bituing Walang Ningning.

Hindi pa lubusang nakapagluksa si Max sa pagpanaw ng kanyang tita. Sabi nga niya, pagkatapos ng Cinemalaya ay doon pa siguro magsi-sink in sa kanya ang pagkawala ng paborito niyang tita.

Lagi lang daw niyang iniisip ang sinasabi ng TIta Cherie niya na tigilan ang pagiging "drama queen."

Read: Max Eigenmann: "Nobody can live up to Tita Cherie’s legacy."

Samantala, sa Linggo na matatapos ang Cinemalaya 2022 sa CCP. Itutuloy pa rin ito online at regional screenings.

So far, maayos namang nairaos kahit madami-dami nang umuubo kapag nanonood tayo sa loob ng Tanghalang Nicanor Abelardo. Good luck na lang sa atin, at matira ang matibay!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maybe we just need to get used to the fact that this COVID-19 is part of our lives. It still continues to spread especially in crowded gatherings.

We are still excited to watch our local films, especially indies.

Although it was not as strong as the previous Cinemalayas, the outcome was still good because our new filmmakers continue to be discovered and here at Cinemalaya we can express our feelings, grievances about what is happening around us. Long live our culture and art, especially the Filipino film!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Max Eigenmann on tackling her roles in her Cinmalaya 2022 movies Kargo and 12 Weeks: “To be honest kasi, the emotional baggage of the character that I played in Kargo, and the character that I played in 12 Weeks, are very, very different. But both tackle motherhood, e. So for me, the amount of emotions that I had to put in was the same. And the amount of effort that I gave for both characters was the same. I gave my best to both.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results