Watch Now

Asian-American boy group na North Star Boys, dinumog sa una nilang meet-and-greet sa Pinas

by PEP Troika
Aug 12, 2022
north star boys
(From left) North Star Boys members Kane Ratan, Sebastian Moy, Darren Liang, Ryan Nguyen, Oliver Moy, Reggie Macalino, manager Tyler Bray, and Justin Phan attend the gala premiere of Cinemalaya 2022 entry Ginhawa on August 9.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Sa gitna ng pagmamarakulyo ng fans ng Super Junior dahil sa "insensitive jokes" sa Tropang LOL, at ang pagsulpot ng iba pang P-pop groups, pati ang paghahanap ng bagong P-pop group ng programang Top Class, may nabuo pa palang grupo ng mga kabataang Asian-American sa Los Angeles, California.

North Star Boys (NSB) ang tawag sa kanila na binuo ng magkapatid na Oliver and Sebastian Moy nung August 2021.

Pawang Asian-American ang members ng NSB kung saan kabilang din sina Ryan Nguyen, Justin Phan, Darren Liang, Kane Ratan, at ang Pinoy na si Regie Macalino.

Mina-manage sila ng kaibigang si Tyler Bray.

“Nag-start kami last year, August. This is basically a group of friends. Magkakaibigan lang po kami nung una,” kuwento ni Regie nang makausap siya ng PEP Troika sa CCP noong Agosto 9, 2022, Martes.

“Tapos, we tried like doing social media, ganun po. TikTok, YouTube, and nag-start po kaming gumawa ng music.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkaroon sila ng meet-and-greet sa SM MOA nung nakaraang Linggo, August 7, at nakakagulat na dinumog sila ng maraming fans na ang tawag nila ay "stars."

Dumalo sila sa gala screening ng Cinemalaya entry na Ginhawa nung Martes sa imbitasyon ng manager ni Ellen Adarna na si Danel Louise Calixto.

Sobrang natuwa ang mga kabataang ito dahil kakaibang experience daw ito sa kanila lalo na’t first time nilang nagbiyahe sa labas ng America.

Sabi ni Oliver, “We are here in the Philippines. We are so excited to be here and to support all of the independent films from the Philippines.

“We are from Los Angeles, and we are debuting our music this Friday [August 12]. We are releasing a song called 'Sunshine,' it is with Regie and I.

“The reason why we are here in the Philippines is because Regie is from the Philippines. He’s from Manila.

“So we are super excited to share our music with Regie’s culture, and to make lots of memories here. It’s our first time outside of America.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

oliver moy reggie macalino

Oliver Moy (left) and Reggie Macalino

Agosto 12, Biyernes ng 6:00 p.m., ay nasa Poblacion, Makati City sila para i-promote ang first single nilang "Sunshine."

Natutuwa ang Pinoy member nilang si Regie dahil nagustuhan daw ng mga kamiyembro niya ang Pilipinas. Napakabait daw kasi ng mga kababayan natin sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“First time lang po nila dito pero na-fall in love na po sila agad. They wanna stay here for a while na.

“We’re here para mapakita namin ang mga kanta namin sa mga Filipinos and we call our fans, stars. Stars ang tawag po sa mga fans namin,” saad ni Regie.

NOEL FERRER

Kilala itong North Star Boys sa social media, lalo na’t nagustuhan ng fans nila ang mga content na ipinu-post sa YouTube at TikTok.

Sabi ni Oliver Moy, “Our mission is to inspire Asian-Americans and America to achieve any goal that they have, in any dream that they want to achieve...

“We have fallen in love with the culture here in the Philippines. Everything about it. We appreciate and very much respect.

“The people here are amazing and very kind to us. So, thank you, especially to all the Filipino stars out there.

“We cannot love you enough, and we want to show you our utmost respect and gratitude.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag naman ni Regie, “We want to travel everywhere. We wanna go to Malaysia after and Thailand. We want to try worldwide.

“We’ve been connecting with people po. Basically connections here and there, making our own content para sa YouTube, TikTok, collaboration with people, and meet ups.”

And yes, ha, Ginhawa is one of the better films ng Cinemalaya 2022 at magandang na-associate doon ang North Star Boys!

JERRY OLEA

Hyper-pop ang music ng North Star Boys. Ang unang single nilang “you are my star” ay inilunsad noong Mayo 2022.

Ang pinakabata sa grupo ay ang 19-anyos na si Sebastian, at ang pinakamatanda ay ang 23-anyos na si Kane.

Sa grupo, si Regine lang ang may dugong-Pinoy. Yung iba, may dugong Thai, Chinese, at Vietnamese.

Pupunta sila sa iba pang Asian countries of origin ng parents ng ibang members.

Magdadalawang linggo pa lang sa Pilipinas ang North Star Boys. Amazing experience para sa kanila na makasalamuha ang sa tantiya nila ay 500 to 700 stars noong Linggo sa SM Mall of Asia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Although we couldn’t meet every single star that showed up to our meet-and-greet, we hope to meet them very soon at our concert,” pahayag ni Oliver.

Nasusubaybayan sila ng stars sa Instagram, TikTok, YouTube, at Snap.

Naaliw ang NSB sa panonood ng Ginhawa dahil sa mga eksenang bakbakan!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(From left) North Star Boys members Kane Ratan, Sebastian Moy, Darren Liang, Ryan Nguyen, Oliver Moy, Reggie Macalino, manager Tyler Bray, and Justin Phan attend the gala premiere of Cinemalaya 2022 entry Ginhawa on August 9.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results