Sino sa Top Class wildcard trainees ang makakabalik sa kumpetisyon?

by PEP Troika
Aug 12, 2022
top class wild cards
Sino kina Clyde, Dean, E.L., Gab, at Niko ang makakabalik sa Top Class: Rise to P-Pop Stardom?

GORGY RULA

Sampu na lang ang naiiwang trainees sa Top Class: Rise to P-Pop Stardom na produced ng Kumu, TV5, Cignal Entertainment, at Cornerstone Entertainment.

Naging emotional na naman ang trainees sa loob ng Top Class Boot camp nang magpaalam ang anim na trainees nung nakaraang Sabado, August 6.

Sa pangatlong tanggalan ay naligwak sina Justine, Niko, Dean, Francis, Clyde, at Kenzo.

Ngunit, nagkaroon ng twist nang in-announce ni VJ Ai dela Cruz na magkakaroon ng limang wildcard na trainees—sina Clyde, Dean. E.L., Gab, at Niko. Mabibigyan sila ng pagkakataong makabalik at posible pang manalo sa kumpetisyon.

Hanggang mamayang 11:59 p.m. ang botohan ng supporters kung sino sa limang nasa wildcard ang makakabalik.

Abangan ang mga susunod pang magaganap sa Top Class, kung sino sa mga wildcard ang makakabalik.

Puwedeng subaybayan ang Top Class sa Kumu, kung saan natututukan ang mga ginagawa nila sa loob ng Top Class Boot camp.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mapapanood ang Top Class tuwing Sabado ng 5:00 p.m. sa TV5, at sa iWant TFC at Myx Global.

NOEL FERRER

Dahil dito sa Top Class (also airing on TV5), nakita ko na puwede talagang maghiraman ng artists ang networks na TV5 at ABS-CBN, like Catriona Gray na napapanood na nag-host ng Binibining Pilipinas sa ABS-CBN na simulcast din sa TV5.

Maging si KZ Tandingan nga, e, napapanood pa rin sa ASAP.

Ang saya lang na puwedeng tumawid-tawid ang mga artista, di ba?

Ang tanong, can Maja Salvador do a Ryan Agoncillo kaya before who had Talentadong Pinoy (on TV5), Eat Bulaga! (on GMA-7), and the sitcom George and Cecil (on ABS-CBN)?

We shall wait and see. Iyan ang pagpapatunay na hindi lahat ng tumatawid ay namamatay, and it pays to remain good relations with all the networks.

JERRY OLEA

Kung sino man ang maging topnotcher sa Top Class na iyan, nawa’y mapunta sa top ang kanyang career at huwag sa bottom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sandamukal kasi ang mga paligsahan sa TV at kung saan-saan, pero saan ba sila pinupulot kapagkuwan?

May dalawang pogi na nagwagi sa magkaibang contest sa TV, bidang-bida ngayon sa pagbebenta ng mahahalay na video.

Yung isang singing competition na nakailang season na, hanggang ngayon ay wala pang tumatak na winner nila. Aandap-andap ang kislap.

Andami pa namang nag-aartista sa ngayon, na ang iba’y walang pakundangan sa pagbibilad ng kani-kanyang katawang lupa.

Kaya good luck sa lahat ng pumapalaot sa showbiz. Matira ang matibay!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sino kina Clyde, Dean, E.L., Gab, at Niko ang makakabalik sa Top Class: Rise to P-Pop Stardom?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results