Watch Now

Joem Bascon, Meryll Soriano still mum on wedding plans

by PEP Troika
Aug 13, 2022
Meryll Soriano
Joem Bascon
Joem Bascon on wedding plans for girlfriend Meryll Soriano: “Siyempre, yun ang mga sikretong gagawin ko para kay Meryll. Gusto ko ano, surprise. Very private.” (Photo by Gorgy Rula)

GORGY RULA

Agree si Meryll Soriano sa sinabi naming Cinemalaya baby siya kaya tuwang-tuwa siya na nakakabalik na ang naturang independent film festival, at naging bahagi siya nito.

“Cinemalaya baby talaga ako! It’s good to be home, and finally, first year ng face to face,” bulalas ni Meryll.

Si Meryll ang lead actress sa pelikulang Angkas, at ang isa sa ikinatuwa niya ay kasama niya si Joem Bascon na talagang magkaeksena silang dalawa.

“First time namin na talagang magkasama. Excited lang ako. Kasi, it’s been two years since na nakagawa ako ng pelikula,” pakli ni Meryll.

“Lagi kami magkasama sa work, pero mga bestfriend ng bida, kaaway ng bida, kontrabida. Pero with this one, kami talaga ang magkasama,” sabi naman ni Joem.

Mahirap lang daw kay Meryll na umalis ng bahay, dahil wala silang yaya at nagpapa-breastfeed pa rin daw siya sa baby nila ni Joem.

“Okay naman ang family life. Ang hirap na nga lumabas, e. Wala kasi kaming yaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, nakisuyo lang ako sa kasambahay namin na 30 years na nag-alaga din sa amin. Siyempre, siya lang dun,’” pahayag ni Meryll.

Kung sila ni Joem ang masusunod, gusto nila ng isa pang baby. Pero depende raw kung kaya pa.

“Gusto pa sana namin ng isa, pero hindi na kaya, e. Tuluy-tuloy ang work. Forty na ako this year,” napapangiting sagot ni Meryll.

“Sana. Kung kaya pa,” hirit ni Joem.

Parehong natawa sina Meryll at Joem nang tinanong ko sa plano nilang dalawa.

“Wala pa,” ang sagot ni Meryll sa tanong ko kung engaged na ba sila ni Joem.

Sabi naman ni Joem, “Siyempre, yun ang mga sikretong gagawin ko para kay Meryll. Gusto ko ano, surprise. Very private.”

JERRY OLEA

Pagdating sa wedding plans, gusto nina Meryll at Joem ay very private rin.

Magulat na lang daw tayo, kasal na pala sila.

“Sa amin na lang. Pero siyempre, sasabihin naman namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Gusto naman namin malaman ng lahat ng tao yung pagmamahalan naming dalawa, kung ano ang susunod na mga kabanata na gagawin,” pahayag ni Joem.

“Sa amin na lang siguro yun, sa family,” sabi naman ni Meryll.

NOEL FERRER

Looking forward ako sa kasal nina Joem at Meryll, at mahal natin sila.

Pareho silang active sa paggawa ng mga magaganda at makabuluhang pelikula na hindi lang sa Cinemalaya kundi sa iba pang festivals.

Ang wish natin sa kanila… more relevant and significant film and TV projects at isang matibay na pamilya!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joem Bascon on wedding plans for girlfriend Meryll Soriano: “Siyempre, yun ang mga sikretong gagawin ko para kay Meryll. Gusto ko ano, surprise. Very private.” (Photo by Gorgy Rula)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results