Watch Now

Max Eigenmann, ka-tie kaya ang sarili sa Best Actress? JC de Vera o Elijah Canlas for Best Actor?

by PEP Troika
Aug 14, 2022
Max Eigenmann, Blue Room, Eloja Canlas, JC De Vera Cinemalaya 2022
Unanimously, PEP Troika picks Max Eigenmann (top photos) for Best Actress. Either JC de Vera (bottom, R) o Elijah Canlas (bottom, L) naman para sa Best Actor. Blue Room (botom, middle) ang for Best Picture.
PHOTO/S: Movie Posters

JERRY OLEA

Wala akong itulak-kabigin sa pagganap ni Max Eigenmann sa dalawang Cinemalaya 2022 films niyang Kargo at 12 Weeks.

Kurot sa buwan ang pag-asam kong magtabla bilang best actress ang dalawa niyang performance sa awards night ng Cinemalaya 18: Breaking Through The Noise ngayong Agosto 14, Linggo ng 6:15 p.m. sa Tanghalang Nicanor Abelardo o CCP Main Theater.

Ang unang Cinemalaya movie ni Max ay ang Distance (2018), kung saan maikli ang papel niya bilang lover ni Iza Calzado.

Sa pagbabalik-Cinemalaya ni Max—kaalinsabay ng pagpanaw ng kanyang tiya at best friend na si Cherie Gil—payanig ang dalawang pelikula na bidang-bida siya.

Nahihinuha kong katunggali ni Max sa tropeo sina Janine Gutierrez (Bakit Di Mo Sabihin?) at Peewee O’Hara (Retirada).

Dark Horse kapwa sina Coleen Garcia (Kaluskos) at Kate Alejandrino (Bula sa Langit).

Para sa kategoryang best actor, bet ko si JC de Vera (Bakit Di Mo Sabihin?), na first timer sa Cinemalaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Luke Simon Cornel at JC de Vera, gumanap na mag-ama sa Bakit Di Mo Sabihin

Pero OK rin lang kung ang makasilat ay si Elijah Canlas (Blue Room).

Sa Cinemalaya 2019, wala halos pumapansin kay Elijah na sakdal husay sa Edward na pinagbidahan ni Louise Abuel, at kung saan tinanghal na best supporting actress si Ella “History Is Like Tsismis” Cruz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayon, nagkakagulo na sa kanya ang mga tagahanga at hindi siya magkandaugaga sa mga gustong magpalitrato with him.

Ano ang pakiramdam ni Elijah sa Cinemalaya experience niya?

Sagot ni Elijah, who’s turning 22 on August 16, Tuesday, “I feel I am like back home. Yun lang. Kasi, dito nag-start yung buong journey ko, my first film, my first-ever acting experience for showbiz is here, 2014, Sundalong Kanin directed by Janice O’Hara.”

Elijah Canlas

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dark horse sa best actor race sina Andrew Ramsay (Ginhawa), Tommy Alejandrino (The Baseball Player), at Joem Bascon (Angkas).

Magkapatid sina Kate at Tommy Alejandrino. Nagka-COVID si Kate kaya naka-quarantine siya at hindi nakadalo sa gala premiere ng Bula sa Langit.

Sa halip, si Tommy ang kinatawan niya roon na nagbasa ng kanyang maikling mensahe. May cameo si Tommy sa Blue Room.

Tommy Alejandrino headlines The Baseball Player

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagdating sa kategoryang best supporting actress, tanggap ko kung sino man ang mapili kina Ruby Ruiz (Ginhawa), Chanel Latorre (Ginhawa), Meryll Soriano (Angkas), Bing Pimentel (12 Weeks), Claudia Enriquez (12 Weeks), Nourijune (Blue Room), Myles Robles (Kargo), Dexter Doria (Retirada), at Donna Carriaga (Retirada).

Si Meryll, nakadalawang best actress na sa Cinemalaya para sa Room Boy (2005) at Donor (2010). Baka nga sa best actress siya nominado this year, just in case.

Meryll Soriano
Joem Bascon

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Ruby ay nagwaging best actress sa Cinemalaya para sa Iska (2019), at best supporting actress para sa Ekstra (2013). May cameo siya sa Angkas.

Ano kaya kung ang best actress ay si Max, tapos ay best supporting actress ang ina niyang si Bing?

Sa best supporting actor, dalawa ang paborito ko—sina Dido de la Paz (Ginhawa) at JK Labajo (Blue Room). Si Dido ay nagwagi nang best supporting actor sa Cinemalaya para sa Respeto (2017). Si JK, kagaya ni JC, ay first timer sa Cinemalaya.

Kapuri-puri rin ang pagiging supporting actor nina Rolando Inocencio (Ginhawa), Soliman Cruz (Blue Room), Vance Larena (12 Weeks), Benjamin Alves (Angkas), at Jerry O’Hara (Retirada) sa kani-kanyang pelikula. Sa kanila, bukod-tanging pwetmalu si Vance Larena.

Ang isa pang pwetmalu sa Cinemalaya this year ay si Rocky Salumbides sa opening film na Leonor Will Not Die.

Kasama rin si Soliman sa Angkas at Bula sa Langit, pero ang tumatak talagang pagganap niya ay sa Blue Room.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para sa best picture-best director, pinakagusto ko ang Blue Room ni Ma-an L. Asuncion-Dagñalan. Sumunod ang 12 Weeks ni Anna Isabelle Matutina, ang Ginhawa ni Christian Paolo Lat, at ang The Baseball Player ni Carlo Obispo.

Pagkatapos ng gala premiere ng Blue Room noong Agosto 7, Linggo, napaluha si Direk Ma-an sa pagbati sa kanya ng multi-awarded writer-director na si Jose Javier Reyes (chairman ng Selection Committee ng Cinemalaya 2022).

“You’re so good!” papuri ni Direk Joey kay Direk Ma’an.

Kuwento pa ni Direk Joey kaugnay sa Blue Room, “The journey of this movie, it was one of the last to be taken in because there were so many arguments about it.

“And then now when we came out, Tina and I were shouting, ‘P*t*ng ina!’

“So tonight, a major director is born!”

Direk Ma-an Asunsion Dagnalan and Direk Joey Reyes

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napahiyaw at napaluha si Direk Ma-an, “I’m speechless, pero I’m so grateful because you’ll never expect that he’s going to say it, na ano yung sinabi niya? ‘A major director is born.’ “Oh my God! Coming from Direk Joey, siyempre I’m so touched and I’m so happy at the same time, kaya siyempre tears of joy ito!”

NOEL FERRER

Dahil fearless forecast na ito sa awards night, apat ang pelikulang sa tingin ko ay magkakaroon ng matinding konsiderasyon sa mga hurado.

Ito ay ang Blue Room, The Baseball Player, Ginhawa, at 12 Weeks.

Masaya ako kung Blue Room din ang magiging Best Picture.

Maganda ring senyales na ito ang panalo sa box office kaya it is enjoying audience support, too.

For Best Actor, llamado sa akin ang mga pangunahing aktor ng The Baseball Player na sina Tommy Alejandrino at JM San Jose.

Ok na ok rin sa akin ang ensemble acting ng Blue Room—Juan karlos a.k.a. JK Labajo, Harvey Bautista, Nourijune, Keoni Jin, and Elijah Canlas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

For Best Actress, nakakabilib si Max Eigenmann for both 12 Weeks and Kargo.

Nakaka-excite ang magiging choices ng Cinemalaya Jury which I heard is composed of two international critiques and festival programmers with Madonna Tarrayo (2nd from L) ng Unitel, si Direk Jeffrey Jeturian (2nd from R), at Piolo Pascual (L).

Piolo Pascual is part of Cinemalaya 2022 jury

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Nakakatuwa na nakabalik na ang Cinemalaya sa CCP at nabibigyan ng pagkakataon ang mga baguhang direktor.

Hindi ko kilala ang lahat ng mga director na kasali sa full-length feature film, pero nung huling nakatsikahan ko ang dating Film Development Council of the Philippines Chairperson Liza Dino-Seguerra, karamihan daw ay galing sa probinsiya.

Magandang senyales daw iyon na nabibigyan ng pagkakataong maipakita ang galing ng mga direktor na ito na hindi noon napapansin.

Kaya nung nasa FDCP pa siya, sinuportahan niya ang ilan sa mga movies na kalahok. Pati ang NCCA ay tumulong din sa mga baguhang director na ito.

Na-acknowledge naman ito ng ilang directors na kalahok sa Cinemalaya 2022. Kaya sana, patuloy na matulungan ng FDCP ang mga pelikulang sasali sa susunod na Cinemalaya.

Nasa Locarno Film Festival daw pala ang bagong FDCP Chair Tirso Cruz III.

Sana, mabigyan tayo ng pagkakataong makatsikahan si Chair Pip para malaman kung ano ang nakalaan niyang plano sa mga susunod Cinemalaya Independent Film Festival.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Namataan din namin doon sa CCP si Ms. Liza na nanood ng ilang entries. Maaring naghahanap na siya ng ilang pelikula roon na balak niyang ibenta sa ibang bansa.

Iyon daw ang plano niya ngayon, ang magtayo ng sariling film distribution company.

Sabi niya nung huli naming nakapanayam sa DZRH, “Right now, ang dami ko nang nakakausap na mga producers, yung lacking representation nila sa mga international, sa sales, kung paano mabebenta yung pelikula.

“Kasi iyon na nga, gumawa na sila ng de kalidad na pelikula, gumastos sila ng PHP30M, pero pagdating sa conversation, hindi nila maibenta.

“Kasi nga, ibang klaseng skills ang sales and distribution. So, iyon yung gusto ko talagang pasukan para ma-represent ko ang mga pelikula natin.

"Mapatunayan na parang no one can promote, no one can really rally behind Filipino films lalo na itong gumagawa ngayon ng mga napakagandang pelikula, mga co-productions, walang ibang magtsa-champion niyan kundi tayo rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, I wanna take it in a more Southeast Asia region ano approach. Iyong parang iaangat natin yung regionality ng mga pelikula natin.

“Kasi in other countries, lahat ng mga sales and distributors, galing Europe, galing U.S. Siguro sa Asian mga galing Korea. Pero kulang tayo...sa Pilipinas nga, wala tayong yung talagang established na malaki na sales company.

“Kasi ang ibang sales company natin dito, ang niri-represent lang yung kanilang mga pelikula. Pero yung talagang nagsu-source sila ng mga iba’t ibang films all over Southeast Asia, wala pa mula dito sa Pilipinas.

“So, sana makatulong ako dun sa area na iyon,” saad ni Ms. Liza.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Unanimously, PEP Troika picks Max Eigenmann (top photos) for Best Actress. Either JC de Vera (bottom, R) o Elijah Canlas (bottom, L) naman para sa Best Actor. Blue Room (botom, middle) ang for Best Picture.
PHOTO/S: Movie Posters
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results