Watch Now

Bagong FDCP chairperson Tirso Cruz III, nangakong susuportahan ang local filmmakers

by PEP Troika
Aug 15, 2022
tirso cruz III cinemalaya 18
FDCP Chairperson Tirso Cruz III to new Pinoy filmmakers: "Kayo ang mga bagong tagapagmana nina Brocka, Bernal, De Leon, Romero, Diaz-Abaya, at iba pang mga manlilikha na nagbigay-daan sa hugis ng pelikula natin."
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Dumalo ang bagong chairman ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na si Tirso Cruz III sa awards night ng Cinemalaya 18 na ginanap sa Tanghalang Nicanor Abelardo ng Cultural Center of the Philippines nitong Linggo, Agosto 14, 2022.

Read: Presenting Cinemalaya 2022 winners; Max Eigenmann wins Best Actress

Kagagaling lang ni Pip sa Locarno International Film Festival sa Locarno, Switzerland. First international filmfest daw niya ito at successful daw ang pagdalo niya sa naturang event.

“Locarno was hot!” bulalas ni Chair Pip.

“But was a very successful trip for me, my first festival…” dagdag niyang sagot nang kinumusta namin ang dinaluhan niyang international film festival.

Sabi ni Tirso, ang ipa-prioritize ng FDCP ay para sa filmmakers na mabigyan ng pansin sa buong mundo.

“Priority is to support, of course, ang mga local filmmaker natin. Yun ang thrust ng FDCP ngayon. To support local filmmakers for global exposure,” pakli niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa awards night ng Cinmelaya 2022 ay inihayag na ni Direk Joey Reyes ang 20 semifinalists para sa Cinemalaya 19 sa susunod na taon. Sampu ang pipiliing finalists.

Doon pa lang ay ipinangako na ni Chair Pip na bibigyan ng FDCP ng tig-iisang milyong piso ang bawat entry. Pati ang short films ay meron ding tig-100 thousand pesos.

Sa kanyang talumpati ay binanggit ni Chairman Pip ang kilalang filmmakers na produkto ng Cinemalaya. Ipinahayag niya kung gaano kahalaga ang Cinemalaya sa ating industriya.

Bahagi ng kanyang talumpati, “Cinemalaya is not about celebrities. It is about discovering and honoring artists.

“Ito rin po ang direksiyon na tatahakin ng Film Development Council of the Philippines ngayon.

“Kaakbay ng Cinemalaya at iba pang local festivals, hahanapin namin ang mga bagong tinig na muling magbibigay ng sigla at buhay sa pelikulang Pilipino.”

Nagpasalamat si Chair Pip kina Direk Lav Diaz at Brillante Mendoza na kilala na sa mga international film festival at nagbigay ng karangalan sa ating bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Papa'no natin makukumbinsi ang buong mundo sa galing natin, kung tayo mismo mga Pilipino ay walang bilib sa ating sariling pelikula?

“Papa'no tayo tatawid ng dagat na taas-noo kung wala naman tayong maipagmamalaking sariling atin sa harap ng mga dayuhan?

“Salamat kina Lav Diaz, Brillante Mendoza, at iba pang Pilipino na nag-iiwan ng marka sa kaalaman ng mundo tungkol sa ating sining.

“Pero hindi pa sapat ito. Ang dami pa nating puwedeng maipagmalaki at kailangang mabigyan ng pagkakataon.

“Kaya panahon na bigyan natin ng importansiya ang pag-usbong ng pelikulang Pilipino. At ito ay sa pamamagitan ng mga tinig ninyo.

“Kayo ang mga bagong tagapagmana nina Brocka, Bernal, De Leon, Romero, Diaz-Abaya, at iba pang mga manlilikha na nagbigay-daan sa hugis ng pelikula natin.

“The Film Development Council of the Philippines together with Cinemalaya have one goal in mind, to empower the Filipino filmmaker.”

JERRY OLEA

Bahagi pa ng talumpati ni FDCP Chairperson Tirso Cruz III, “Kung ililista po natin ang lahat na pangalan, ang lahat na manunulat, director, artista, at iba pang mga mga alagad ng pelikula na nagmula sa Cinemalaya, kakapusin po tayo sa oras.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Isipin na lamang ninyo. Dan Villegas, Chris Martinez, Martika Escobar, Sigrid Bernardo, Francis Pasion, Eduardo Roy. Names who have redefined the directions of Philippine Cinema.

“Lahat sila, nag-premiere ng kanilang obra sa entabladong ito sa pamamahala ng Cinemalaya. There is no doubt that Cinemalaya is not only the pioneer of film festival celebrating independent films in our country.

“Cinemalaya has become the institution. The big test where young Filipino filmmakers prove whether they have it or not.

“This festival has empowered the search for new kinds of films, new meanings to the being Filipinos seen on the screen. This is why Cinemalaya is important.”

Medyo nakakaintriga ang ilang bahagi ng talumpati ni Chair Tirso.

Aniya, “Hindi kami tungkol sa pagpapabida lamang. Hindi kami tungkol sa pag-usad ng sino mang personalidad. Dadaanin namin sa gawa at hindi lamang po sa dada. Higit sa lahat, ang layunin po ng FDCP ay para sa pelikulang Pilipino bago muna sa iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“There can never be just one single savior of Philippine cinema, to uplift our movies, we must all work together, believe in each other and work for a common goal.

“To open greater opportunities to the next generation of Filipino masters and to foster continued development, so that the world may finally recognize the richness of our culture.

“Kaya magsama-sama tayong lahat, dahil kayang-kaya po natin ito.”

Kumusta na kamo ang dating FDCP Chair and CEO na si Bb. Liza Diño?

Facebook post niya recently, “Sa buhay, may kanya-kanya tayong paraan to cope with sudden changes happening in our lives. Yung iba, nagkukulong sa bahay, yung iba nagbabakasyon, yung iba tinutulog nila para lumipas ang oras.

“Ako... mas nagpapakabusy. Pinuno ko yung schedule ko ng lunch, dinners, appointments and errands in between para maka-cope.

“I needed to be productive. I needed to feel na yung oras ko, ginagamit ko sa mga kapaki-pakinabang na bagay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“After six years of being on the move, it was hard to suddenly stop. So I didn't.

“At sa gitna ng lahat nito, ang asawa kong introvert ang bitbit ko sa mga bagay-bagay na ginagawa ko sa loob ng dalawang linggo. I know it was soooo hard to drag him out of bed pero willingly nyang ginawa ang lahat ng ito para iparamdam sa akin na nandyan sya for me, always present na makasama ko as I find myself again and prepare for my next journey. Amid the changes in my life.... he is my constant.

“Alam kong walang bagay na hindi ko kayang malampasan dahil kahit mawala na ang lahat, nandyan ka. At si Amara.

“Sorry if di tayo magkasama sa Basilan ngayon. Next time promise, sama na ako.

“Happy 14th my love. Mahal na mahal kita!”

NOEL FERRER

Napakaganda ng parte ng speech ng bagong FDCP Chair na si Sir Pipo (Tirso Cruz III) na nagbibigay sila sa FDCP ng 1M extra grant sa Cinemalaya full-length films and tig-100K naman sa mga short films sa susunod na taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Priority is to support, of course, ang mga local filmmaker natin. Yun ang thrust ng FDCP ngayon. To support local filmmakers for global exposure.”

Wagi!!! Applause!!! Game na Sir Pipo!!!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
FDCP Chairperson Tirso Cruz III to new Pinoy filmmakers: "Kayo ang mga bagong tagapagmana nina Brocka, Bernal, De Leon, Romero, Diaz-Abaya, at iba pang mga manlilikha na nagbigay-daan sa hugis ng pelikula natin."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results