Watch Now

Prime Video, magpapalabas na rin ng local films; AQ Prime, di nakikipagkumpitensiya sa Vivamax

by PEP Troika
Aug 15, 2022
anne curtis drei arias conan king
Anne Curtis (left) is the celebrity endorser of international streaming app Prime Video; Drei Arias and Conan King (right) star in Bingwit, one of the initial offerings of new streaming app AQ Prime.
PHOTO/S: Prime Video / Jerry Olea

GORGY RULA

Kahit regular na ang pagbubukas ng mga sinehan at dumadami na ang pumapasok at nanonood ng sine, tuloy pa rin ang pagbubukas ng mga bagong streaming app.

Noong August 8, 2022, Lunes, ay nagsimula na ang AQ Prime. Streaming dito ang Pinoy and foreign films na iba-iba ang genre.

Read: Tatlong mapangahas na pelikula, mapapanood sa bagong streaming platform na AQ Prime

Kinabukasan, August 9, ay pormal namang inilunsad ang Prime Video streaming app sa The Fifth at Rockwell, Makati City.

Dinagsa ito ng ilang celebrities kagaya nina Marjorie Barretto, Christian Bables, Empoy Marquez, at ilang social media influencers.

Si Anne Curtis ang ipinakilalang endorser.

Sinabi ng Kapamilya star na posible siyang gumawa ng pelikula para sa naturang streaming app. May ilang local films na ginagawa ngayon na naka-reserve na para sa Prime Video.

Mas metikuloso sila sa pagpili ng local films nating pam-Prime video na puwedeng itapat sa ibang malalaking streaming apps.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang maganda sa paglabas ng mga ganitong streaming apps, mas nabibigyan ng pagkakataon ang filmmakers na gumawa ng marami pang pelikula.

Tuluy-tuloy ang trabaho ng mga artista, direktor at production staff.

Pahayag ni Anne, “I think that’s great about launching here, because there’s so many possibilities with all the content creators, the directors, the writers here in the Philippines, it’s giving them a platform that showcase their talent.

"And if ever I’m to be casted, of course I would say yes. If the script that would interest me, definitely yes."

May ilang series na ring sinusubaybayan ni Anne sa Prime Video.

anne curtis with prime video execs

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagdating naman sa AQ Prime, sila mismo ang nagpu-produce ng mga pelikulang ipinapalabas sa kanilang streaming app.

Hindi maiwasang nagkakaroon na ng kumpetisyon kaya hiningan ko ng reaksiyon ang executives ng AQ Prime na sina Atty. Aldwin Alegre, Atty. Honey Quino, at ang business manager nilang si RS Francisco.

Wala raw silang intensiyong makipagkumpitensiya sa Vivamax. Hindi lang daw mga pelikula ang mapapanood sa AQ Prime kundi may ilan pang shows.

Ani Atty. Alegre, “Sa amin naman, we have long term plans and goals. Kasama diyan ang mga live interactive streaming, kasama live events, sports.

“I think, may platforms… many choices na puwedeng gawin yung AQ Prime na maaring dito lang makita.”

Dagdag na pahayag ni RS Francisco, “We’re just here to do our craft, to do what we love and to do our best for the Philippine cinema.

“Wala namang competition. Ang sa akin nga, it’s mostly talaga giving way to all the artists, and all the ones passionate to their craft.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Aside from na maglalabas sila sa iba, they can also do stuff here in AQ.”

Kagaya ng Vivamax, hangad din daw nilang makapagbigay ng mas maraming trabaho at nakiisa sa pakikipaglaban sa piracy.

Saad ni Atty. Quiño, “Actually, hindi namin tinitingnan yung Vivamax, and other online platforms as competitors.

“For us, kakampi natin sila sa paggawa ng pelikula, pagbibigay ng trabaho. Magkakasangga kami.

“Iisa lang ang purpose namin, talagang to provide jobs. Pagdating ng piracy, dun kami talaga magkakaisa. Hindi kami kakumpitenisya.”

NOEL FERRER

Sabi pa ni Anne Curtis, ngayon pa lang ay sinasanay na nila ni Erwan Heussaff ang kanilang anak na si Dahlia ngayon nadadalas na ang kanilang pag-alis para magtrabaho.

Inihahanda na raw niya ang kanyang anak sakaling magsisimula na siyang gumawa ng pelikula.

anne curtis daughter dahlia

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“The reason why I waited this long is because, now, meron na siyang mga classes. That’s why nakakapag-Showtime ako during her class. So, may social life na rin siya.

“So, I think… that’s why I’m slowly preparing her. Like, her Papa goes to the office now. Unlike before, work from home, di ba? So, ayun, may konting normalcy na bumabalik.

“She’s clingy but we also made her independent. Like, she can independently play. So, hindi super clingy, but now she’s more aware when we’re leaving the house.”

And with Showtime and her concert and yes, her many endorsements, I think Anne is ready to do more challenging roles.

Balita ko ay may nakalinya na. Mamimili na lang si Anne kung ano ang type niya!

JERRY OLEA

Hulyo 29-Agosto 26 ang Ghost Month, ngunit ayaw paawat ang ilang kumpanya sa pag-uumpisa ng kanilang mga paandar at paeklat.

Kung streaming sa lupang hinirang ang pinag-uusapan, rumaratsada pa rin ang Netflix Philippines.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nitong Agosto 14, Linggo ay tatlong pelikulang Pinoy ang napabilang sa Top 10 Movies ng Netflix Philippines — Ikaw at Ako at ang Ending nina Kim Molina at Jerald Napoles, The Entitled nina Alex Gonzaga at JC de Vera, at Northern Lights: A Journey To Love nina Piolo Pascual at Yen Santos.

Sa Top 10 TV Shows ay dalawang Pinoy serye ang pasok — 2 Good 2 Be True nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, at First Yaya nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion.

Sa Agosto 26 ay palabas na sa Netflix ang pelikulang Just The 3 of Us nina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado.

Tuloy ba sa Setyembre 1 ang streaming ng Love at First Stream nina Daniela Stranner, Kaori Oinuma, at Anthony Jennings?

Namamayagpag ang Vivamax sa mga erotikong palabas. Noong Agosto 12, Biyernes, nag-streaming ang pelikulang The Influencer nina Sean de Guzman at Cloe Barreto, sa direksiyon ni Louie Ignacio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasado na ang Vivamax streaming ng mga pelikulang Lampas Langit (Agosto 19) nina Christine Bermas at Baron Geisler, Sitio Diablo (Agosto 26) nina AJ Raval at Kiko Estrada, Bula (Setyembre 2) nina Ayanna Misola at Gab Lagman, #DOYOUTHINKIAMSEXY (Setyembre 9) nina Cloe Barreto at Marco Gomez, at The Escort Wife (Setyembre 16) nina Janelle Tee at Raymond Bagatsing.

Tuwing Linggo ay streaming sa Vivamax ang seryeng Wag Mong Agawin Ang Akin kung saan love triangle sina Angeli Khang, Felix Roco, at Jamilla Obispo, sa direksyon ni Mac Alejandre.

Sa Setyembre 25, Linggo, naman magsisimula ang streaming ng seryeng AN/NA (dating Katawang Lupa) ni Janelle Tee, sa direksiyon ni Jose Javier Reyes.

Co-stars sa AN/NA sina Migs Almendras, Greg Hawkins, Rob Guinto, Guji Lorenzana, Axel Torres, Fabio Ide, at Nico Locco.

Ang BL drama na Memories of A Love Story ay ipalalabas sa Vivamax Plus sa Agosto 24, Miyerkules, sa halagang P499. Bida rito sina Oliver Aquino at Migs Almendras, sa direksiyon ni Joselito Altarejos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iyong online edition na MMFF 2020 ay sa Upstream ipinalabas. Matamlay ang nasabing filmfest.

Ang next na payanig ng Upstream ay ang pelikulang A Girl + A Guy nina Alexa Miro at Rob Gomez noong Hunyo 2021. After that ay wala na tayong masyadong naulinigan sa Upstream.

Read: Mystery actor "ipinamukha" ang pagkalalaki kay Alexa Miro sa A Girl + A Guy

Nagkaroon din ng RAD platform, pero bahagya na iyong pumasok sa diwa ng madla.

Payanig ang tatlong bagong mapangahas na pelikula ng AQ Stream na ipinalabas umpisa Agosto 8, lalo na iyong Bingwit nina Drei Arias, Conan King, at Krista Miller, sa direksyon ni Neal “Buboy” Tan.

drei arias conan king

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Drei Arias (left) and Conan King

May laban ba ang Bingwit sa mga handog ng Vivamax?

Tugon ni Direk Buboy, “Well, mahirap mag-compare sa Vivamax siyempre. Pero ayun, may nagsabi sa opisina ng AQ… ayan, pam-Vivamax daw!

“Parang pam-Vivamax na quality. Ha! Ha! Ha! Ha! Sa Bingwit, super-daring sina Krista, Drei at Conan.

“Lahat ng klaseng sex scenes… babae sa lalaki, lalaki sa lalaki, may BL din na kasama sa istorya.”

Ano kaya ang magiging impresyon ng mga tao matapos mapanood ang Bingwit?

Napangiti si Direk Buboy, “Tingin ko, pupunta sila sa mga palaisdaan para mamingwit!”

Ang dalawa pang mapangahas na bagong pelikula sa AQ Prime ay parehong idinirek ni Alejandro “Bong” Ramos — ang Adonis X nina Kristof Garcia at Kurt Kendrick, at ang La Traidora nina Juan Calma, Brylle Mondejar, at Joni McNab.

Abang-abang din tayo sa pagpapakitang-gilas ng streaming platform na Juanetworx.

Read: Juanetworx streaming app, ginabayan ng namayapang Healing Priest na si Fr. Suarez

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siyempre, nananabik na rin tayo sa fantaseryeng House of the Dragon na magpi-premiere sa Agosto 21 sa HBO. Prequel ito ng Game of Thrones (2011-2019).

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anne Curtis (left) is the celebrity endorser of international streaming app Prime Video; Drei Arias and Conan King (right) star in Bingwit, one of the initial offerings of new streaming app AQ Prime.
PHOTO/S: Prime Video / Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results