GORGY RULA
Parang pinagbigyan ng Lolong ang ending ng FPJ’s Ang Probinsyano kaya natalo ang Kapuso primetime series sa ratings game noong Biyernes, August 12, 2022.
Read: Finale episode ng Ang Probinsyano, kinabog ang Lolong sa ratings
Pero nitong Lunes, August 15, lalong pinatindi ang kuwento ng Lolong at lumabas na ang mga bagong karakter sa pangalawang yugto sa action-adventure series ni Ruru Madrid.
Matindi ang action scenes sa Lolong nung Lunes kung saan pumasok na ang mga karakter nina Vin Abrenica, Alma Concepcion, at Thea Tolentino.
Naka-17.3% ang combined ratings ng Lolong, at 14.4% naman ang rating nito sa GMA-7.
Siyempre pa, curious ang mga manonood kung ano ang rating ng pilot episode ng Mars Ravelo's Darna, na pumalit sa timeslot ng Ang Probinsyano.
Base sa AGB Nielsen NUTAM ratings, naka-10.5% ang Darna sa unang gabi nito. Ibig sabihin, tinalo ng Lolong ang unang paglipad ni Darna.
Samantala, nakapako pa rin sa 2% plus ang Tropang LOL at It’s Showtime kahit ang ingay nito at kung anu-anong isyung kinasangkutan.
Consistent pa ring mataas ang Eat Bulaga!, na nung nakaraang Lunes ay naka-5.7%. Ang Tropang LOL ay 2.2%, at 2.7% naman ang It’s Showtime.
Bonggacious pa rin ang Apoy sa Langit na naka-8.5%. Sumunod ang Return to Paradise na naka-7.1%, 7.2% ang The Fake Life, at 5.8% ang Forever Sunshine.
Pero ang Family Feud ni Dingdong Dantes ang pinakabongga sa lahat dahil naka-12.2% ang episode na yun kung saan naglaro ang pamilya nina Dagul at ni Lyca Gairanod.
NOEL FERRER
Bongga pa rin naman ang pilot ng Darna at grabe ang reaksyon ng mga netizen sa mga eksena ng First Darna na talent kong si Iza Calzado.
Abangan pang lalo ang paglabas niya tonight, kasi baka ito na ang last major iconic scenes ng Actress Extraordinare na si Izadora at sa mga ibang pagkakataon ay aparisyon at sightings na lang siya.
Excited akong makitang active ulit si Ruru Madrid lalo pa’t nakabalik na siya sa Maynila. Masaya rin ako na very open na sila sa pagsasama nila ni Bianca Umali.
Wala pa bang project na magkasama sila?
JERRY OLEA
Tinutukan at pinag-usapan ng sambayanang Pilipino ang pambansang pagtatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.
Nagtala ito ng all-time high record na 536,543 live concurrent views sa Kapamilya Online Live sa YouTube noong Agosto 12, Biyernes.
Naka-16.6% ang finale ng FPJ’s Ang Probinsyano, kumpara sa 14.8% ng Lolong, at 10.6% ng Bolera.
Halu-halong emosyon ang naramdaman ng mga manonood sa pamamaalam ng minahal nilang karakter ni Coco Martin na si Cardo Dalisay.
Dinominsa ng finale episode ang trending topics sa Twitter kabilang na rito ang #FPJAP7MissionAccomplished, #FPJsAngProbinsyano, Coco Martin, Susan Roces, Cardo, Julia Montes, Lola Flora, Onyok, John Arcilla, Angel Aquino, Agila, at Hipolito.
Halos dalawang oras ang finale episode, kung saan isinakripisyo ng Task Force Agila ang kanilang buhay upang wakasan ang kasakiman nina Renato (John Arcilla) at Lucio (Raymond Bagatsing). Si Cardo lamang ang nanatiling buhay, kasama si Presidente Oscar (Rowell Santiago).
Nagbalik-probinsya si Cardo upang makapiling ang kanyang pamilya.
Nakakakilig ang kasal nina Oscar at Aurora (Sharon Cuneta), at muling nagtagpo si Cardo at ang kanyang “huling pag-ibig” na si Mara (Julia Montes).
Read: Ang Probinsyano opisyal nang nagwakas pagkatapos ng pitong taon
Pinag-usapan sa social media ang pagtutok ng mga Pilipino sa finale sa iba’t ibang parte ng bansa.
Sa Tubod, Lanao del Norte, daan-daang katao ang dumalo sa live viewing party na inorganisa ng local government. May sariling viewing party rin sa Mindoro, at nagtipun-tipon din ang ilang mga tricycle driver sa Bulacan.
Para pasalamatan ang lahat ng kanilang tagasuporta, sinimulan na ng cast ng FPJ’s Ang Probinsyano ang kanilang “Pasasalamat Tour” noong Agosto 14 sa Vista Mall Taguig.
Bibisitahin din nila ang mga Pilipino sa Bulacan (Agosto 19), Cebu (Agosto 20), at Iloilo (Agosto 21), pati na rin sa Amerika sa Setyembre.
Ang pilot episode ng Darna ni Jane de Leon ay nagtala naman ng 296,334 concurrent viewers online.
Nanguna ang #Darna sa mga trending topic ng Twitter. Mabilis ang pacing ng pilot, ramdam mo ang touch ng master director na si Chito Roño.
Kapansin-pansin ang pag-ulit ni Narda ng linyang, “Hindi ko kaya!” Hindi ba kaya ni Darna na talunin ang Lolong? Abangan!!!