Andrew E., excited mag-perform kasama ang anak na si Fordy Espiritu sa Japan

by PEP Troika
Aug 16, 2022
andrew e. fordy medina
Fordy Espiritu on performing with dad Andrew E. for the first time: “Talagang sobrang happy po and talagang nasa big stage din po ako na hindi ko pa po na-experience before. So, parang medyo kinakabahan po nang konti pero exciting po at this moment. Very excited po.”
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Excited si Andrew E. na makasamang mag-perform ang panganay niyang si Fordy Espiritu sa Euphoria concert sa Nobyembre 20, 2022 sa MUZA Kawasaki Symphony Hall sa Kawasaki, Japan.

“I’m so excited na for us… ahh, for me who happens to be an industry artist already for like 32 years,” lahad ni Andrew E. nitong Agosto 14, Linggo ng gabi, sa Manila Polo Club, Makati City.

“And I’ve been in the industry for three decades now. I’ve never been given a chance to perform sa MUZA Kawasaki Hall.

“I’ve never been given a chance to perform there, and much more a Filipino to perform there. Napakahirap! Sobra, sobrang hirap!

“Kaya this is a milestone for me, lalung-lalo na sa aking career. Itong MUZA Kawasaki Hall is very endeared only with Japanese artists and at the same time, mga cultural events.

“So when you say a rapper, a performer performing sa MUZA Kawasaki… is tantamount to another jump to your career. Another, shall I say, achievement to your career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, for me, performing together with my son onstage sa MUZA, that’s very unimaginable for me.”

andrew e. fordy espiritu

Siyempre, looking forward si Fordy na makasama ang ama na mag-perform sa malaking venue na kagaya ng MUZA Kawasaki Symphony Hall.

Pahayag ng 20-anyos na si Fordy, “Siyempre po, parang sobrang ano, first time po sa feeling ko na, di ba, magpe-perform kasama ko ang dad ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Talagang sobrang happy po and talagang nasa big stage din po ako na hindi ko pa po na-experience before.

“So, parang medyo kinakabahan po nang konti pero exciting po at this moment. Very excited po.”

Ano ang assessment ni Andrew E. sa talent ni Fordy? Nagmana ba ito sa kanya? Magkasinggaling sila, o mas magaling ito sa kanya?

Tugon ni Andrew E., “Ahhm, ang alam ko… mas guwapo siya kaysa sa akin. So, yun ang alam ko talaga!

“But then again, we shall see along the way kung paano pa maha-harness at mahahasa ang kanyang talent.

“And with my guidance, little by little, hindi naman minamadali. There’s a long, big chance of being good, and being better.

“So for me, ang pinakamahalaga ngayon ay mai-share ko yung stage sa kanya para mai-share ko yung uri ng feeling kung how it is to perform in front of so many people.

“Dahan-dahan, pakonti-konti. So, kung hindi ka makapag-perform, Fordy, sa Pilipinas… sa Japan muna!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, yun! Para mahasa siya. Doon muna kita umpisahan, sa MUZA Kawasaki muna.”

Bahagi ang Euphoria concert ng Philippine Expo Event. Tampok din sa palabas ang Salbakuta, ang Kruzzada, at ang drummer na si Julius Modesto.

Magtatanghal din ang entourage ni Andrew E sa Nobyembre 25-27 sa Shin-Koiwa sa Tokyo, Japan.

NOEL FERRER

Andrew E. is doing an April Boy Regino na kasama ring nag-perform ang anak.

Parang Bert Nievera-Martin Nievera, Elizabeth Ramsey-Jaya, Pilita Corrales-Jackie Lou Blanco, Hajji and Rachel Alejandro of before.

Now, recent examples include Martin and Robin Nievera, Gary and Kianna V, Zsa Zsa Padilla and Karylle, atbp. Parang the legacy lives on!

Bravo, Andrew E and Fordy, may you add more spice and color and life to the Espiritus!

GORGY RULA

Ang executive chairman ng nasabing Philippine Expo ay si Mr. Nobuo Suzuki. Ang executive vice chairman ay si Mr. Hiroshi Katsumata, samantalang ang executive director ay si Ms. Lorna Pangan Tadokoro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong Sunday night sa Manila Polo Club nagpirmahan ng kontrata sina Andrew E. at Ms. Lorna.

andrew e contract signing

Bakit si Andrew E. ang napili para sa Philippine Expo sa Kawasaki? Bakit hindi ibang artist?

Paliwanag ni Ms. Lorna, “Kasi si Mr. Andrew E. po, wayback 1990s, magkasama po kami sa Humanap Ka Ng Panget. “Iyong movie po niya, kami po ang back-up dancers, yung Solid Gold Dancers. So, nung nag-isip po kami ng artist last June, naisip ko po si Mr. Andrew E.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, nagkaroon ako ng contact sa kanya and then, napaka-short ng pag-uusap namin. Alam mo yun, parang one night, nag-usap kami, ‘OK ka ba?’

“Parang ganun lang. ‘O, sige! OK tayo, go!’ The night nun, bago ako umuwi, magte-train ako, nag-sign na kami ng contract through email.

“Pasahan and then one day, yung visa naman nila. So, ayun. And marami po ang nagre-request sa Japan kay Mr. Andrew E. na kung puwede, full show talaga, full concert.

“And then, ang Philippine Expo po ay love na love po talaga si Mr. Andrew E. Family ang turing talaga sa kanya ng mga Japanese-Pinoy Expo.

“So, yun po ang request sa akin, na kunin si Mr. Andrew E.”

Noong 1990s na nag-lie low sa local showbiz si Andrew ay ilang taon siyang nagtrabaho sa Japan, kaya marunong siyang mag-Nihongo. Doon niya nabuo ang kantang "Banyo Queen," kung saan nabanggit niya ang Roponggi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natutunan niya ang kultura ng mga Hapon, at kung paano pakisamahan ang mga ito.

Pahayag ni Andrew E., “Yung particular na feeling na ako ay nae-expose sa mga Filipino-Japanese, hindi na iyon lingid sa akin.

“Kasi, I’ve been in Japan since 1995. Noon pa man, nagpe-perform na ako sa mga clubs and at the same time, sa mga medium-scale na mga event.

“Pero not as big a scale as this one. Kasi ito, napakalaki talaga ito. Kasi, MUZA Kawasaki Hall is a dream for everyone.

“Lalung-lalo na sa mga Japanese artist, di ba? Talagang ano ito, very tantamount to a good experience as an artist.

“So ako, I will do my best and at the same time I will share the limelight together with my Dongalo Wreckords para lalong ma-enhance din ang kanilang experience.

“And at the same time, ang kanilang artistry, maipamalas din sa mga Filipino-Japanese.

“And not only that. Sa mga Japanese na manonood na kasama ng mga Filipino-Japanese, yun ang talagang habol namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yun ang goal namin, ang mag-perform at mapasaya ang mga Fil-Japanese, ang mga Pilipino and at the same time, ang mga Japanese.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Fordy Espiritu on performing with dad Andrew E. for the first time: “Talagang sobrang happy po and talagang nasa big stage din po ako na hindi ko pa po na-experience before. So, parang medyo kinakabahan po nang konti pero exciting po at this moment. Very excited po.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results