Watch Now

Us X Her director Jules Katanyag, tinanong tungkol sa buntis/COVID issue ni AJ Raval

by PEP Troika
Aug 17, 2022
jules katanyag aj raval
Us X Her director Jules Katanyag on rumored pregnancy of lead star AJ Raval: "Sexy siya. Well, mas malaki ang boobs daw niya, sabi nila. Hindi ko naman nakita before, hindi ko na-compare."

GORGY RULA

Nakorner ng PEP Troika si Direk Jules Katanyag sa awards night ng Cinemalaya 2022 sa Cultural Center of the Philippines nung nakaraang Linggo, August 14, 2022.

Read: Presenting Cinemalaya 2022 winners; Max Eigenmann wins Best Actress

Si Direk Jules ang producer ng Cinemalaya entry na 12 Weeks ni Anna Isabelle Matutina.

Siya ang direktor ng pelikulang Us X Her nina AJ Raval, Angeli Khang, at Kiko Estrada para sa Vivamax.

Kontrobersiyal si AJ nung ginagawa nila ang naturang pelikula dahil doon pumutok ang intrigang nagdadalantao raw ito.

Nilinaw namin kay Direk Jules kung ano talaga ang nangyari nung na-pack up ang shooting nila dahil ang lumabas na balita’y nag-positive ang sexy actress sa COVID-19.

Read: AJ Raval, balik-shooting na; di totoong nagpositibo sa COVID

Kuwento ni Direk Jules, “Ang sitwasyon, sumama yung pakiramdam niya nung umaga, tapos papunta na kami sa shoot.

“Pagdating namin dun, sinabi na tinakbo daw siya sa hospital. So, na-pack up yung shoot namin. Nasa hospital siya… yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dapat two days pa kami nun, hindi na tinuloy yung next day. Kasi, kailangan pa siyang i-observe kung ano nga ba yung nangyayari sa kanya.”

Muli naming kinulit si Direk Jules kung nagka-COVID nga ba si AJ nung na-pack ang shooting.

“May balita akong nabasa, nag-COVID siya, positive. E, ang nangyari nun, may shoot ako sa Catanduanes, a few days after, nag-test ako agad, kasi close contact ako sa kanya.

“Nag-test naman ako ng tatlong ulit, meron akong mga antigen tests. Hindi naman nag-positive yung mga kasama namin sa set.

“Thank God! Kasi may mga tuhog lock-in din sila,” pakli ng director/writer/producer.

Patuloy niya, “Nag-message lang siya sa akin na ‘Sorry, na-pack up yung taping.’ Medyo bumababa yata yung immune system niya.

“Kasi, lagare din yata sila, e. Katatapos lang niya ng Sitio Diablo, tapos sa akin agad. So, medyo pagod sila, bumaba na yung immune system.

“Pero pagbalik naman, siguro napahinga o ano… mga remaining days din yung atake niya sa eksena, e. Mas emotional, mas kapit na kapit na niya yung character.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi raw siya sanay na ini-interview lalo na’t tungkol sa controversial na isyu ni AJ ang pag-uusapan.

Nagpapasalamat na lang si Direk Jules at natapos na ang shooting ng Us X Her. Nasa post-production na ito.

Masaya siyang game na game ang mga bida niya sa pelikulang ito, bagamat first time pa lang niyang magdirek ng isang erotic film.

NOEL FERRER

Hindi naman daw nila pinag-uusapan sa set ang isyung buntis na kinasangkutan ni AJ.

Pero inusisa pa rin ng Troika si Direk kung may napapansin ba sila sa katawan ng sexy actress?

“Sexy siya. Well, mas malaki ang boobs daw niya, sabi nila. Hindi ko naman nakita before, hindi ko na-compare.

“Sexy e. Gusto ko yung fit na fit yung silhouette niya para dun sa kuwento din at para dun sa character niya.

“Gusto ko talaga yung shapely ng babae kesa yung… ayun! So, happy naman ako dun sa silhouette niya, sexy naman siya, tapos… pagka minsan nagkakabulungan, parang hindi naman [buntis]. Sexy siya, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero magaling ba siyang umarte, Direk? Direk? Direk?

Sino mas magaling sa kanilang umarte ni Aljur, Direk? Direk, Direk?

Sayang, hindi na natin napasagot yun kay Direk.

JERRY OLEA

Si Direk Irene Villamor daw ang creative producer ni Direk Jules sa pelikulang Us X Her, kaya naga-guide daw siya sa mga erotic scenes na game na game daw ang dalawang bidang babae.

“Napaka-professional naman nina Angeli saka ni AJ. Actually, malaki yung paggabay nila sa akin dun, e,” sabi ni Direk Jules.

“Sila din, medyo nanibago sila dahil mas romantic kasi ang approach ko sa sex scenes…. mas romantic kesa sa todo.

“Kung ano yung kinakailangan ng eksena, binibigay naman nila. Nagulat nga ako na napakatapang nila, e.”

Hmmn… si Angeli, hindi nagka-COVID, di ba? Even si Kiko.

Malinaw ba yung tugon ni Direk Jules kaugnay sa napabalitang nagpositibo si AJ sa COVID?

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Us X Her director Jules Katanyag on rumored pregnancy of lead star AJ Raval: "Sexy siya. Well, mas malaki ang boobs daw niya, sabi nila. Hindi ko naman nakita before, hindi ko na-compare."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results