Watch Now

Newbie sexy actors Drei Arias at Conan King, hindi naramdamang na-exploit sa BL movie Bingwit

by PEP Troika
Aug 18, 2022
krista drei conan bingwit
Tampok ang mga baguhang sina Drei Arias at Conan King, at ang sexy star na si Krista Miller sa pelikulang Bingwit ni Direk Neal “Buboy” Tan.
PHOTO/S: AQ Prime

JERRY OLEA

Silipan nang silipan sina Drei Arias, Krista Miller, at Conan King sa pelikulang Bingwit ni Direk Neal “Buboy” Tan.

Una, nabosohan ni Drei ang kaldagan nina Krista at Conan. Tapos, nasaksihan ni Conan ang kaskasan nina Krista at Drei.

Ang mabangis, natunghayan ni Krista ang swordplay nina Drei at Conan sa banyo. Ayun, nasuka ang hitad!

More and more ang pa-boobey ni Krista, samantalang nagtalop nang maluwalhati ang dalawang baguhang aktor.

krista miller drei arias bingwit

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Krista Miller and Drei Arias

Pahayag ni Direk Buboy, “Pag napanood mo yung pelikula, hindi mo naman iisipin na for sex lang yung film. Meron kang mapupulot kahit papaano.

“Masyado na kasing ano, parang hindi na uso yung sabihin na magbibigay ka ng moral lesson.

“Pero mararamdaman mo talaga yung bawat karakter. Mararamdaman mo yung pagiging Pilipino mo. Ha! Ha! Ha! Ha!”

Naramdaman ba nina Conan at Drei na na-exploit sila?

Mabilis na tugon ni Conan, “Hindi naman, kasi binigyan kami ng trabaho.

“So, kailangang ayusin din namin ang trabahong ibinigay sa amin para bigyan po uli kami ng pagkakataon in the future, na gumawa uli ng panibagong pelikula.

“Kasi, kapag nandun ka na talaga at gagawin mo yung scene, kailangang i-embrace mo. Hindi yung basta binasa mo lang ang script.

“Dapat maramdaman mo yung script at gagawin mo kapag nag-‘action’ na! Yun po!”

Sumang-ayon si Drei, “When you’re working with people who know what they’re doing, napakadali pong gumawa ng trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Never ko pong na-feel na na-exploit ako. Hindi ko po naisip yun dahil sobrang malaking step ito para sa career ko.

“Parang ito ang magdya-jump start nung career ko because binigay ko lahat dito, not only yung hubad-hubad. It’s not that.

“Kasi, kapag inisip po ninyo yung bingwit, di ba, para itong having control of something or someone?

“Kasi, binibingwit mo siya and you have the power. Pero patutunayan dito sa film na ito, na may mas makapangyarihan kaysa dun sa mga nakaupo sa posisyon.

“Mas makapangyarihan pa rin ang pag-ibig.”

Nag-frontal din si Drei sa previous film niyang Don Filipino (2021), maging sa forthcoming BL movie niya sa AQ Prime na Baka Sakali katambal si Leandre Adams.

GORGY RULA

Ang direktor ng Bingwit na si Neal “Buboy” Tan ay nakatapos na ng shooting ng second erotic drama niya for AQ Prime, ang Taong Grasa.

Kuwento ni Direk Buboy, “Magsasawa ka sa hubaran sa mga bida ko sa Taong Grasa — sina Kurt Kendrick, Joni McNab, at Andrew Gan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Walang frontal dito sa Taong Grasa pero may masisilip ka nang konti. Napakaraming sex scenes. Grabe ang atake sa sex scenes.

“Dito ang most daring role ni Andrew, according to him.”

Ano ba ang nais sabihin o iparating ng Taong Grasa sa mga manonood?

Napangiti ang beteranong direktor, “Na-inspire kasi ako sa kuwento ng taong grasa na napakaguwapo dati. Napanood ko siya sa news.

“Nag-work siya sa abroad, pagdating dito, nawala siya nang ilang taon. Hinanap siya.

“Nagka-idea ako kasi marami rin akong tinulungan na taong grasa. Binibigyan ko ng damit. Actually, may binihisan na nga ako. Pero babae siya.

“Na-inspire ako dun sa lalaki na taong grasa, napanood ko yata sa YouTube. Na ang guwapu-guwapo! Na-feature yata siya sa Kapuso Mo Jessica Soho o sa GMA News.

“Ayun, naging breadwinner siya ng family. Tapos pinabayaan na lang. Nagkaroon ng mental problem.”

Kailan ba ipapalabas yung pelikula niyang Manipula, na pinagbidahan at iprinodyus ni Ana Jalandoni? October last year pa iyon nag-presscon, ah?! “

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala na akong balita sa Manipula. Siyempre, producer mismo ang magde-decide dun,” tugon ni Direk Buboy.

Tuloy pa ba ang next movie project nila ni Ana?

“Yeah, oo nga. Di ba, nagkaroon siya ng problema? Nagkaroon siya ng ano, alam mo na. Nagkaroon siya ng mga isyu regarding sa kanyang love life,” saad ni Direk Buboy.

“Kasagsagan noon ng Manipula. So, wala akong balita kung ano ang nangyari. Balita ko, gumagawa siya ng pelikula ngayon.

“Hindi ko saklaw kung kailan ang showing ng Manipula. Nagustuhan niya ang pelikula nang mag-preview kami, at excited siya sa movie.

“Kasi nga, hindi niya ine-expect na ganun ang magiging outcome ng pelikula niya.”

Read: Direk Neal “Buboy” Tan, naka-relate sa naranasan ni Ana Jalandoni kay Kit Thompson

Baka mabantilawan ang Manipula ni Ana?

“Iyan nga ang nasa isip ko noon pero wala naman akong magagawa. Siyempre, desisyon ng producer yun,” sambit ni Direk Buboy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung ako lang, dapat ipinalabas na yun, or ini-release sa Vivamax. Balita ko, inilapit din sa AQ Prime. I don’t know kung ano ang nangyari.”

Hiningian ng AQ Prime si Direk Buboy ng isa pang project, kaya isinumite niya ang script ng Kulasisi.

Lahad ni Direk Buboy, “Kuwento ito ng isang kabit na minanipula niya yung buong bahay, lahat ng characters.

“It’s an old script. Dapat sa Viva yun, after nung movie ko na Kaliwa’t Kanan, Sakit ng Katawan (1997).

“Medyo ni-revise ko yung script. In-update ko. Ayoko lang maka-offend pero nakikita ko sa karakter nung bida, si Emelyn Cruz.

“Artista ko rin si Emelyn sa Taong Grasa. May promise siya na maging sex symbol. Wala talagang kiyems!

“Saka talagang palaban siya, and magaling sa aktingan!”

NOEL FERRER

Na-resurrect ang career ni Krista Miller because of Bingwit.

Direk Buboy says, “Panoorin niyo! Hindi nyo iisiping si Krista’y panghubaran lang.

“Ay, naku! Makikita nyo ang pagiging beterana niya dito sa pelikulang ito, na talagang siya ang nagdala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi mo nga iisiping siya’y matagal nang artista. Fresh na fresh pa rin siya! Pagnanasaan pa rin siya sa pelikulang ito.

“Sobrang palaban si Krista. Actually, inamin niya talaga, sa mga ginawa niyang pelikula before, hindi pa niya nagagawa yung ginawa niya dito sa Bingwit.

“Ay! Grabe talaga! Lahat na ng posisyon, pinagawa sa kanya. Oo, lahat! Makikita ninyo ito.

“Pinahirapan ko talaga siya. Isinampay ko siya sa ano. Ewan ko, basta maraming eksenang masa-shock kayo kay Krista.”

May iba pang pelikulang natapos si Krista sa AQ Prime. AQ Prime gives chances to not-so-established stars to star in their films and seryes. Good for Krista Miller that she has found her platform.

Kaya lang, paano ito, wala na bang chance ito na maging movie star siya — instead streaming star na lang?

Kailan pa kaya maibabalik ang sigla sa big screen? Sana soon!!!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tampok ang mga baguhang sina Drei Arias at Conan King, at ang sexy star na si Krista Miller sa pelikulang Bingwit ni Direk Neal “Buboy” Tan.
PHOTO/S: AQ Prime
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results