Watch Now

TV show na hindi pa umeere, ni-reshoot ang ilang eksena dahil sa bidang babae at lalake

by PEP Troika
Aug 19, 2022
blind item production
Hindi pa umeere pero naookray na ang cast?
PHOTO/S: Shutterstock by gnepphoto

JERRY OLEA

Nananabik akong mapanood ang isang TV program na mag-uumpisa pagkatapos ng Ghost Month.

Bago ang kumbinasyon ng mga pangunahing artista rito, at interesado akong matunghayan ang kanilang dynamics. Pero ano ba’t tila inaalat ang bagong TV program na ito na nakailang reshoot na?

Sa istorya, mas may edad dapat ang bidang lalaki kesa sa bidang babae. Kaso, baby-faced ang bidang aktor, mas mukhang bata kesa sa bidang aktres. Kaya nag-reshoot ng mga eksena para pagmukhain si bidang aktor na mas mature kesa sa kanyang love interest.

Ang mga supporting na artista, hindi nakaligtas sa pang-uurot ng netizens. Yung isang supporting actress, mukha raw titser. E, ano naman?! Is there anything wrong kung mukhang teacher ang isang artista?!

Ang kawawa, yung isang supporting actor na umani ng sandamukal na pang-ookray. Pati malaking shades ng supporting actor ay pinagdiskitahan. Bakit daw itinago pati kilay ng supporting actor?!

GORGY RULA

Ang daming challenges na pinagdaanan ng project na ito ni bidang aktres. Bakit kaya? Sino kaya ang may balat sa kanila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Curious talaga ako sa project na ito dahil dito makikita kung may hatak pa ba si bidang aktres. So far, sa pagsasaliksik ko, wala pa siyang guesting sa mga programa na nag-rate nang mataas.

Ang iba, so-so lang. Ang iba naman ay lagapak talaga sa rating. Dapat bawing-bawi siya sa proyektong ito na pagbibidahan niya.

NOEL FERRER

Wait and see ako rito. Let’s give it a chance.

Sa gitna ng bashing at pang-ookray na natatanggap ng mga bidang aktres at aktor, mababait ang mga ito.

Kaya naniniwala akong good things happen to good persons. Kasi, kung maganda ang kalalabasan ng programa, pabor yun para sa ating manonood, di ba?

Basta, wait and see ako sa mangyayari rito!!!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi pa umeere pero naookray na ang cast?
PHOTO/S: Shutterstock by gnepphoto
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results