Watch Now

Grupo ng Filipino-Chinese businessmen, nilinaw ang isyu sa pagbili ng tickets ng Maid In Malacañang

by PEP Troika
Aug 19, 2022
Dr. Henry Lim Bon Liong maid in malacanang
FFCCCII President Dr. Henry Lim Bon Liong: “Every month, andami naming natatanggap na mga letters, ‘no, solicitation or whatever, Being a business organization, Filipino Chinese Chambers of Commerce, siyempre pinagbibigyan namin, ‘no? E, karamihan naman, para naman sa charity organizations ito, e… para sa nutribun project para sa mga mahihirap. So, binigyan namin ng OK na ito."
PHOTO/S: Jerry Olea / Viva Films

JERRY OLEA

Itinanggi ni Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII) President Dr. Henry Lim Bon Liong ang bali-balitang pinilit ni Senator Imee Marcos ang kanilang grupo na bumili ng milyun-milyong halaga ng passes para sa pelikulang Maid in Malacañang.

“Ang federation naman, every month, andami naming natatanggap na mga letters, ‘no, solicitation or whatever,” pahayag ni Dr. Henry nitong Agosto 19, Biyernes ng hapon, sa Kamuning Bakery sa Judge Jimenez St., Quezon City.

“Being a business organization, Filipino Chinese Chambers of Commerce, siyempre pinagbibigyan namin, ‘no?

“E, karamihan naman, para naman sa charity organizations ito, e. Kaya ang natanggap namin, ito… para sa nutribun project para sa mga mahihirap.

“So, binigyan namin ng OK na ito. Kasi siyempre, sa dami ng mga tiket ng Maid in Malacañang, inisip namin kung saan ibibigay ang mga tiket na ito.

“Unang-una, akala naman namin, comedy lang ito, di ba? Kasi, Maid in Malacañang, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ikako, dahil comedy, dapat sa mga kabataan ito. So, ibinigay namin sa mga eskuwelahan, sa mga kabataan, sa mga estudyante.

“E, ito naman… ewan ko lang, bakit ginawan ng malaking isyu ito, ‘no? Actually, ang mga eskuwelahan, kung ayaw naman nilang tanggapin, OK lang naman sila.

“Di ba? ‘Sorry, hindi namin tatanggapin ‘to.’ Pero ito, naging isyu. Isang eskuwelahan, kinunan ng litrato ang mga tiket, tapos nakalabas sa social media.

“Binibigyan namin sila na ano… Meron din kaming statement dito, ‘no, na wala kaming intensiyon na masama para sa mga kabataan natin.

“Alam mo, after nangyari yun, lalong lumakas ang tiket. Andaming tumatawag sa federation, humihingi ng tiket.”

Singit ni Wilson Lee Flores na may-ari ng Kamuning Bakery, “Pati government official, humihingi! Hindi naman ganyan kadami!”

Pag-ayon ng 71-anyos na si Dr. Henry, “Oo, kaya nagkaubus-ubos ang tiket. Kaya ito, parang naging blessing-in-disguise ito.

“Pero this is just to say that the federation is always apolitical. Wala kaming inaano na… never makikita ang federation na nag-e-endorse ng isang pulitiko or whatever.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Basta whoever would be the administration party, talagang wholeheartedly we are committed to support.”

Noon pa man ay nagkakawanggawa na ang FFCCCII nang labas sa pulitika.

“Tumulong kami sa pagpapatayo ng more than 6,000 public school buildings na 'yan,” lahad ni Dr. Henry, na tatlong taon nang presidente ng FFCCCII.

“E, isang school building, P450,000 to P500,000 ang ano. Tapos at any given time, I think, may 1M public school students na tinutulungan ng federation.

“Marami pa 'yan. Hindi pa kasama yung ibang binibigyan namin. Dati-dati pa, nagbibigay kami ng relief goods.

“Ngayon, hindi lang relief goods, e. Pati yero, pati mga construction material, ibinibigay namin.

“The federation is apolitical. Nasa gitna kami talaga. Wala kaming pinapaborang political party. Ganun ang federation.”

Noong Agosto 3 pa ipinalabas sa mga sinehan ang Maid in Malacañang, kaya kusang nag-die down ang kontrobersya na nadawit ang FFCCCII. Basta ang malinaw, hindi sila pinilit na bumili ng tiket o passes ng nasabing pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagdidiin pa ni Wilson Lee Flores, “Saka hindi political. Kasi, ang donation dun sa tiket, ang sabi, ibibigay sa nutribun ang tulong kaya maganda.”

Pagtatapat ni Dr. Henry, hindi pa niya napapanood ang Maid in Malacañang.

NOEL FERRER

Sa dami ng mga problema na kinahaharap ng ating bansa, at sa pagkakahati-hati natin pagkatapos ng eleksyon, magandang ibalik ang tanong -- ano ang na-achieve ng Maid In Malacanang? Nagkaroon ba ng UNITY pagkatapos nun?

GORGY RULA

Pinuri-puri ni Dr. Henry Lim Bon Liong sina Jose Mari Chan, Ricky Lee, at Coco Martin.

Nagpasalamat ang FFCCCII kay Jose Mari sa pag-awit nito sa Philippines-China Friendship Day na ipinagdiwang noong Hunyo 9 via Zoom.

Kuwento ni Wilson Lee Flores, “Noong kausap ni Dr. Henry ang organizer, may isa lang siyang request.

'“Para hindi daw boring ang event na yun, di ba, hindi puro pulitiko. Kasi lahat ng pulitiko, dumating, e. Yung presidente, bago, luma, lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nandun si Duterte, Bongbong, mga senador. Pero sabi niya, may special request siya. Wala siyang pakialam sa pulitiko.

“Gusto niya, mag-perform si Jose Mari Chan. Maghahanap siya ng budget daw.

“So ako naman, para maka-save ng pera, tinawagan ko si Narciso Chan, ‘Puwede ba, ikaw magsuyo, magsabi, bigyan ng special discout yung Federation. Kasi, hindi naman ito negosyo.’”

Pahayag naman ni Dr. Henry, “Matagal nang family friend si Joemari Chan, lalo na sa brother ko, very close naman sila.

'“So, nung sinabi namin, sabi niya, syempre, hindi macha-charge si Henry dito. Kaya libre siyang kumanta. Tapos na-mention pa ang pangalan namin.

“Kaya nagpapasalamat kami kay Joemari.”

Iyong tatay ni National Artist Ricky Lee na si Dy Hian Chin ay isang scholar, at matagal na nagsilbi bilang secretary ng Camarines Norte Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry.

Kaya kino-congratulate ng FFCCCII si Sir Ricky sa pagkahirang dito bilang Pambansang Alagad ng Sining.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Dr. Henry, “We are proud of Ricky Lee dahil may Chinese heritage, di ba? E tayo naman, kami ni Wilson, dito kami ipinanganak, di ba?

“We are Filipino-Chinese descent, di ba?”

Pinagpupugayan din ng FFCCCII si Coco Martin sa matagumpay na pagganap nito bilang magiting na pulis sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsiyano.

Ilang taon na ang lumipas, sumuporta si Coco sa Philippine agriculture at sa mga magsasakang Pilipino, sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture at SL Agritech.

Dr. Henry Lim Bon Liong Coco Martin

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Dr. Henry, “Alam naman natin si Coco, noong umpisa, waiter lang yata ng isang restaurant, di ba? Naging sikat na artista.

“Siyempre ang puso niyan, nasa mahihirap yan, ano?

“Kaya nang malaman niya na gumagawa kami ng hybrid rice na pantulong sa mga mahihirap na magsasaka, siya ang naging endorser namin.

“Kaya kailangang pasalamat tayo kay Coco. Malaki ang hatak ni Coco lalo na sa mga probinsyano, sa mga magsasaka.”

Ang pamilya rin ni Dr. Henry ang may-ari ng Sterling notebook, kung saan endorsers sina Alden Richards, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, at Ivana Alawi.

Malapit si Ivana sa daughter ni Dr. Henry. Tumutulong daw si Ivana sa charity projects ng Sterling, partikular sa pamimigay ng bigas sa mga nangangailangan.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
FFCCCII President Dr. Henry Lim Bon Liong: “Every month, andami naming natatanggap na mga letters, ‘no, solicitation or whatever, Being a business organization, Filipino Chinese Chambers of Commerce, siyempre pinagbibigyan namin, ‘no? E, karamihan naman, para naman sa charity organizations ito, e… para sa nutribun project para sa mga mahihirap. So, binigyan namin ng OK na ito."
PHOTO/S: Jerry Olea / Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results