Watch Now

Gladys Reyes at Christopher Roxas, tampok sa INCTV sitcom; Vilma Santos, magbabalik-TV na

by PEP Troika
Aug 22, 2022
christopher roxas gladys reyes vilma santos
Married couple Gladys Reyes and Christopher Roxas star in INCTV's first family sitcom "One For All, All For One"; Star For All Seasons Vilma Santos is set to make her TV comeback via Kapamilya Channel.
PHOTO/S: Instagram / Facebook

JERRY OLEA

Na-excite tayo nang mabalitaan nating magkakaroon ng comedy anthology ang NET 25 kung saan tampok bilang hosts ang pamilya nina Bossing Vic Sotto, Pauleen Luna, at daughter nilang si Tali.

Read: Net 25 sitcom nina Vic Sotto, Pauleen Luna at Tali, kasado na

Nitong Agosto 21, Linggo ng gabi, ipinost naman ng CEBSI Inc. sa kanilang Facebook page ang trailer ng unang family sitcom ng INCTV, ang One For All, All For One.

Bida rito ang mag-asawang Gladys Reyes Sommereux at Christopher Roxas. Nasa cast din ang mga anak nilang sina Christophe at Aquisha.

Ipapalabas na ito sa Setyembre 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang buod ng nasabing sitcom, “For the Dimaguiba family, fun and laughter are their shields to life struggles. Their encounters to others shed light on their firm resolve to keep the family uplifted.

“Witness the Dimaguibas' life-changing journey as they unite to overcome obstacles, while rediscovering each other's aspirations and remaining anchored to the true faith.”

Ang isa pang pampa-good vibes na balitang nasagap ng PEP Troika mula sa isang reliable source for all seasons… magbabalik-TV na si Ate Vi!

Ayon sa ating source, ikinakasa na ang Kapamilya sitcom na tatampukan sana ng mag-inang Vilma Santos at Luis Manzano. Pero dahil napuruhan ni Lucky ang wifey niya na si Jessy Mendiola, ipinagpaliban na muna iyon.

Hinahanapan na ng ABS-CBN si Ate Vi ng ibang comeback project!!!

Read: Vilma Santos, sinabi ang dahilan ng pagpapahinga sa pulitika after 24 years

NOEL FERRER

Matindi ang pagkahati-hati ng bansa, at nakita natin na hindi Maid In Malacañang ang sagot na sobrang polarizing pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mas mainam yata ang nagaganap ngayon sa TV na dumarami ang sitcom na ginagawa.

Maganda itong sitcom na ito ni Ate Vi kung sakali! At least, active na naman ang ating mga idolo.

At ang katapat naman ni Ate Vi na si Ate Guy ay may sinu-shoot na horror movie for AQ Prime, ang Ligalig ni Direk Topel Lee. Co-stars dito ni National Artist Nora Aunor sina Snooky Serna, Allen Dizon, Winwyn Marquez, Devon Seron, Shido Roxas, at Yana Fuentes.

Winner!!! Buhay na naman ang ating industriya!!!

GORGY RULA

Wala pang kinukumpirma si Ate Vi kung kailan siya magbabalik sa pag-arte. Pero nagmi-meeting na raw sila ng Kapamilya Channel.

Bahagi ng text niya sa PEP Troika, “Nagkakaroon ng meeting with Kapamilya but…pinag-uusapan pa lang. Thanks! [heart emoji].”

Sana nga. Ang dami nang nag-aabang sa pagbabalik-showbiz ng Star for All Seasons.

Excited naman ang mag-asawang Christopher Roxas at Gladys Reyes sa bago nilang sitcom na One For All, All For One, na parang segment lang sa Eat Bulaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naikuwento na ‘yan sa amin ni Gladys nung ini-launch silang mag-anak bilang endorser ng Protect Plus Alcohol.

Natutuwa siyang kasama ang dalawang anak nila ni Christopher na sina Christophe at Aquisha sa sitcom na ito. Nag-guest din dito ang bunso nilang si Grant.

Iba pala itong INCTV sa Net 25. Nasilip ko na nasa Channel 180 siya sa Cignal TV.

Sa September 4 ng 6:00 p.m. naman magsisimula ang Love, Bosleng and Tali.

Tsika ni Pauleen sa PEP Troika, ang dami na nilang nai-tape na episodes at sanay na sanay na si Tali sa ginagawa niya sa taping.

Ang maganda lang, dagdag na kuwento ni Pauleen, sobrang nakasundo na raw ni Tali ang buong staff ng MZet na kasama nila sa taping.

“Tawag niya sa mga taga-MZet, ‘my friends.’ At gusto niya magdala sila ng damit, dito daw matulog [laugh emoji)]” text ni Pauleen sa PEP Troika.

Kaya tuwang-tuwa si Bossing Vic na mukhang si Tali na ang bagong boss ng MZet Productions!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Married couple Gladys Reyes and Christopher Roxas star in INCTV's first family sitcom "One For All, All For One"; Star For All Seasons Vilma Santos is set to make her TV comeback via Kapamilya Channel.
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results