Andrew Gan, professional pagdating sa daring scenes; willing mag-frontal nudity

by PEP Troika
Aug 22, 2022
andrew gan upuan
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Nadarang ang mga baguhang aktor na sina Drei Arias at Conan King sa makamandag na alindog ni Krista Miller sa pelikulang Bingwit, na idinirek ni Neal “Buboy” Tan.

Inamin ni Krista na naramdaman niyang kumislut-kislot ang pamingwit nina Drei at Conan sa maseselan nilang eksena, pero hindi nanghimasok ang mga iyon.

Streaming na ang Bingwit umpisa Agosto 8, 2022 sa AQ Prime.

Isa sa mga follow-up project ni Krista sa AQ Prime ay ang pelikulang Upuan, sa panulat at direksiyon ni Greg Colasito.

Ang leading man sa Upuan ay si Andrew Gan, na first time naghubad at nakipagharutan nang lubos kay Krista.

“Alam naman natin na si Krista Miller is very professional,” sambit ni Andrew nitong Agosto 21, Linggo ng gabi, sa The Beech, Panay Avenue, Quezon City.

“Very magaling siya pagdating sa sexy films. OK ang acting niya. Thankful ako na siya ang una kong nakaeksena sa daring film ng AQ Prime.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-init ba ang pagkalalaki niya sa katawang lupa ni Krista?

Natawa si Andrew, “'Yan din ang itinatanong sa akin ng iba, ‘Kapag gumagawa ka ba ng ano, may napi-feel ka ba sa partner mo?’

“Ako, ahhmm… once na makaramdam ka ng something at maramdaman nila na may tumigas sa ‘yo, para sa akin, very unprofessional yun.

“Kasi ako, siyempre before gawin mo yun, kailangang malinaw sa mindset mo na trabaho lang. Huwag kang magte-take advantage sa kaeksena mo.

“Kaya before namin ginawa yun, nag-usap kami ni Krista. ‘Paano ba natin gagawin ang eksenang ito?’ Si Direk, tinanong ko, paano ba?

“Kasi, first ko yun, e, with a girl na hubad siya talaga. So, first ko yun, bago sa akin. So, tinatanong ko siya bilang siya yung una sa akin.

“Sabi lang niya sa akin, ‘I trust you. Gawin mo lang kung ano ang gusto mong gawin.’ So, yun na po yun. Abangan na lang po nyo sa Upuan yung eksena.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maunawain si Krista at OK lang sa kanya kung ang kaeksenang aktor ay ma-turn on sa kanya.

Si Andrew pa ang nahiya kay Krista?! Pigil-pigilan siya na maging marupok?!

“Before mag-start ang eksena, andun ang hiya saka kaba. Pero once ano na… kumbaga performance level na tayo,” pagtatapat ni Andrew.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

After Upuan, level up ang kapusukan ni Andrew sa AQ Prime film na Taong Grasa kung saan co-stars niya sina Kurt Kendrick at Joni McNab, sa direksiyon ni Neal “Buboy” Tan.

“Ito yung mas matapang na material,” pag-amin ni Andrew.

“Iyon ang pinaka-daring na nagawa ko so far.

“Kasi before, sabi ko sa buhay ko, one day kailangang makagawa ako ng ganun. So, I’m waiting for the right time po, the right material.

“Unang-una siyempre, Direk Neal ‘Buboy’ Tan siya. Pangalawa po, yung story niya, talagang out-of-the-box na hindi ka every day mabibigyan ng ganung opportunity.

“So, baka once lang siya dumating. So ako, sa dami ng nag-aartista ngayon, kung offer-an ka ng ganung material ni Direk Buboy Tan, sa AQ Prime pa siya ipapalabas…

“Parang sino ako para tumanggi?”

GORGY RULA

Parehong nakaharutan ni Andrew Gan sina Kurt Kendrick at Joni McNab sa Taong Grasa.

“Meron kaming isang malalang scene dun na nun ko lang ginawa,” napapangiting sambit ni Andrew.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kanino? With Kurt or with Joni?

“Parehas. Tatlo kami. Ha! Ha! Ha! Ha! Pero ang maipagmamalaki ko lang dito, kahit na may halong sexy ang Taong Grasa, daring… yung story talaga, maaalala ng mga tao.

“Hindi yung dahil naghubad ka lang. Napag-usapan namin ng manager ko na na kapag gumawa ako ng something na ganun, kailangan yung tatatak talaga at perfect material.

“Actually, before din po, may mga nag-offer na ganun pero sa nakikita ko, parang hindi pa siya right material. Hindi siya right time.

“So, sa tingin ko po, ito na po yun.”

Sa cast ng Taong Grasa, relatively mas may karanasan sa pag-aartista si Andrew kesa kina Kurt at Joni. Kumustang katrabaho ang dalawang baguhan?

“Actually, in fairness to them, acting-wise OK sila. Saka ang galing din, malaking bagay din kasi yung direktor,” pahayag ni Andrew.

“Binibigyan ka ng freedom. Kasi, iba yun, e, pag pinagkatiwalaan ka. Like may isang eksena kami, yung car scene with Joni.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Bale mabigat na eksena ‘to. Isa ito yung sa towards the end na ng movie. Sabi sa akin ni Direk Neal, ‘OK, kailangang iikot ang kotse. Tapos Andrew, bahala ka na.’

“So from there, grabe. Award-winning FAMAS director na pinagkatiwalaan ka ng ganun. Dun pa lang, parang achievement na yun para sa akin. Isang malaking karangalan.

“So, pag napanood nila yung scene na yun, dun mapapatunayan na talagang ginawa namin ang best namin. And worth it lahat.”

Sinabi ni Direk Buboy na walang nag-frontal sa Taong Grass, unlike sa Bingwit na parehong nag-hello ang private part nina Drei Arias at Conan King.

Just in case, papayag din ba si Andrew na mag-frontal in the future?

“Hindi ako nagsasara ng any door, lalo na pag perfect material, right timing, gagawin ko yun,” diretsong pahayag ni Andrew.

“Kasi, si Sid Lucero nga, ginawa, e. Sino pa ako, di ba, para hindi gawin yun?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

“Alam naman natin na si Krista Miller is very professional … at very magaling siya pagdating sa sexy films.”

OK raw ang acting niya kaya thankful si Andrew Gan na si Krista ang una niyang nakaeksena sa daring film ng AQ Prime.

At kung si Sid Lucero ay nakapag-frontal sa Vivamax film na Virgin Forest, sino raw siya para hindi niya gawin? Talaga, ha, Andrew? We’ll see!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results