Watch Now

Lolong, wagi pa rin sa ratings kahit trending ang Darna

by PEP Troika
Aug 22, 2022
ruru madrid jane de leon
Nung Agosto 19, Biyernes, kung saan nalunok na ni Narda (Jane de Leon) ang bato at tumili na ng Darna, ang Lolong pa rin ang naghuhumiyaw sa ratings. Naka-16.5% ang Lolong, na pinagbibidahan ni Ruru madrid, at bahagyang tumaas ang Darna sa 11.1%.
PHOTO/S: @kapusoprgirl on Instagram / Kapamilya Channel

GORGY RULA

Nag-trending man ang transformation ni Narda sa pagiging Darna, pagdating sa ratings ay wagi pa rin ang Lolong.

Read: Netizens react to Jane de Leon's first transformation as Darna

Noong Agosto 18, Huwebes, ay 16.7% ang rating ng Lolong, at 10.8% naman ang Darna.

Nung Agosto 19, Biyernes, kung saan nalunok na ni Narda (Jane de Leon) ang bato at tumili na ng Darna, ang Lolong pa rin ang naghuhumiyaw sa ratings. Naka-16.5% ang Lolong at bahagyang tumaas ang Darna sa 11.1%.

Dahil dito, malaki ang pasasalamat ni Ruru Madrid nang mag-promote sila sa Kadayawan Festival sa Davao City nung nakaraang weekend.

Kasama niya ang kanyang co-stars sa adventure serye na ito sina Shaira Diaz, Arra San Agustin, at Rochelle Pangilinan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mainit ang pagtanggap sa kanila nang mag-mall show sila sa Gaisano Grand Citygate Mall.

Tuwang-tuwa si Ruru nang nalaman niyang nangunguna sa Mindanao ang Lolong. Sinabi pa niyang taga-Zamboanga ang kanyang mommy kaya ang laki ng pasasalamat niya dahil sa minahal ng mga taga-Mindanao ang Lolong.

Sabi pa ni Ruru sa PEP Troika, “Napakasarap po sa pakiramdam yung mainit na pagtanggap ng mga Davaoeños sa amin at sa programang Lolong nitong Kadayawan Festival.

“Masaya po kami na nag-e-enjoy sila sa panonood ng Lolong at sa kanilang pagsubaybay sa show.”

Mensahe naman niya sa mga supporters ng Lolong, “Makakaasa po kayo na mas marami pang magandang mangyayari sa istorya hanggang sa dulo.

“Taus-pusong pasasalamat po mula sa mga artista, production team at lahat na bumubuo ng programang Lolong.

“Para sa inyo po itong show na ito. Mahal po namin kayo.”

Kahapon ay sumali rin sina Ruru sa grand parade ng Kadayawan Festival. Sumama sila kina Alden Richards at Jeric Gonzales na nagpu-promote naman ng Start-Up Ph.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayon pa lang ay nagsisipag na sina Alden at Jeric sa pagpu-promote ng Start-Up dahil sa September na raw ito magsisimula.

JERRY OLEA

Bakit si Jeric Gonzales ang kasama ni Alden Richards sa pagpo-promote ng Start-Up Ph sa Davao City? Bakit hindi si Bea Alonzo?

Ito ang unang series ni Bea matapos siyang pumirma ng kontrata sa GMA-7 noong Hulyo 1, 2021 sa EDSA Shangri-La Hotel. Dapat masigasig si Bea na mag-promote nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tungkol sa pilot week ng Mars Ravelo’s Darna, kapansin-pansin ang unti-unting pagtaas ng TV ratings nito.

Naka-10.5% ang pilot episode ng fantaserye ni Jane de Leon noong Agosto 15, Lunes.

Nang mga sumunod na araw ay nagtala ito ng 10.6% (Martes), 10.9% (Miyerkules), 10.8% (Huwebes) at 11.1% (Biyernes).

Wagi pa rin ang Lolong pero pababa ang ratings. Mula sa 17.3% noong Lunes, ang ratings ng telefantasya ni Ruru Madrid ay 15.7% (Martes), 16.7% (Miyerkules), 16.7% (Huwebes), at 16.5% (Biyernes).

lolong darna ratings

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naalala ko tuloy ang salpukan noon ng Marina (Pebrero-Nobyembre 2004) ng ABS-CBN, at Mulawin (Agosto 2004-Marso 2005).

Wagi noong una ang paglanguy-langoy ng Kapamilyang sirena, hanggang sa lumipad sa himpapawid sina Aguiluz at Alwina.

Ang pumalit sa Mulawin ay ang Darna (Abril-Nobyembre 2005) ni Angel Locsin.

Sa unang lipad ni Jane bilang Darna noong Biyernes, nakakaaliw ang memes kaugnay sa linyang “Ding, ang bato!”

Abang-abang tayo kung tataas pa lalo ang ratings ng Mars Ravelo’s Darna kumpara sa Lolong!!!

NOEL FERRER

Kung patas ang laban at may franchise ang ABS-CBN, sa tingin ninyo, ganito pa rin kaya ang ratings?

Dahil mahal natin si Ruru, sana rin ay makuha niya ang Tier 1 endorsements na meron si Jane de Leon.

Para patas at alam nilang malaya at hindi pam-PR lang ang PEP Troika, maganda yung naging reaksiyon ng isang viewer na nagsabing, with our dear talent Iza as Darna, GMA should have realized that this is the Darna that they could have had. Where have all their Darnas gone?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nung Agosto 19, Biyernes, kung saan nalunok na ni Narda (Jane de Leon) ang bato at tumili na ng Darna, ang Lolong pa rin ang naghuhumiyaw sa ratings. Naka-16.5% ang Lolong, na pinagbibidahan ni Ruru madrid, at bahagyang tumaas ang Darna sa 11.1%.
PHOTO/S: @kapusoprgirl on Instagram / Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results