Baron Geisler frontal nudity, Arron Villaflor butt exposure patok sa Vivamax viewers

by PEP Troika
Aug 23, 2022
Baron Geisler, Arron Villaflor, Vivamax
Bukod sa wild love scenes ng female lead stars, pati ang male stars ng top streaming content ng Vivamax ay may pasabog din. Si Baron Geisler (kaliwa) ay gumanap na nobelista sa digital film na Lampas Langit, habang si Arron Villaflor ay gumanap na stepson ni Jamilla Obispo (kanan) sa series na ‘Wag Mong Agawin Ang Akin.
PHOTO/S: Facebook / Instagram

JERRY OLEA

Kapukaw-pukaw ang mga kaganapan sa pelikulang Lampas Langit, na idinirek ni Jeffrey Hidalgo mula sa panulat ni Raquel Villavicencio.

Sa umpisa ng istorya ay may dugo sa labi ni Jake (Baron Geisler), sa palad ni Arman (Ricky Davao), at sa daliri ni Belle (Christine Bermas).

Parehong nobelista sina Arman at Jake. Manual typewriter ang gamit ni Arman, at "Lampas Langit" ang pamagat ng sinimulan niyang nobela. "Lovesick" ang nobela ni Jake, na tina-type niya sa kanyang laptop. Nagsusulat din si Belle—handwritten sa kanyang diary o notebook.

Sumagi sa isip ko ang erotic thriller na Swimming Pool (2003), na pinagbidahan nina Charlotte Rampling at Ludivine Sagnier, sa direksiyon ni Francois Ozon.

Kaninong kuwento ba talaga ang Lampas Langit? Sinu-sino ang totoo, at sinu-sino ang karakter na bunga ng malikot na imahinasyon ng manunulat?

Asawa ba talaga ni Jake si Mylene (Chloe Jenna)? Tunay ba ang mga kaibigan ni Mylene na nagkabiruan o nagkatuksuhan sa sexual liquidity o fluidity?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sakdal husay ang mga beteranong aktor na sina Ricky at Baron sa kanilang mga eksena, lalo na iyong maaalab o nag-aalimpuyo nilang paghaharap.

Minsan pang nag-frontal si Baron dito sa Lampas Langit, at hindi muli iyon daya. Hindi prosthetic.

Nag-frontal na noon si Baron sa Cinemalaya film na Jay (2008), sa direksiyon ng namayapang Francis Xavier Pasion. Wagi ang Jay sa mga kategoryang Best Full-Length Film, Best Actor (Baron Geisler) at Best Editing sa pinakaprestihiyosong indie filmfest ng lupang hinirang.

Kung all-out si Baron sa mga mapangahas na eksena sa Lampas Langit, si Ricky naman ay ni hindi nagpasilip ng wetpaks.

Sina Christine at Chloe ay parehong mala-Eva na hubad sa paraiso. May eksena pang nagkaharutan sila sa laundry area. May cameo si Jeffrey Hidalgo bilang funeral guest, maging si Raquel Villavicencio bilang Ms. Anson.

Streaming ang Lampas Langit umpisa Agosto 19, 2022, Biyernes sa Vivamax. As expected, nanguna ang Lampas Langit sa Top 10 Movies of the Week ng Vivamax.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

The rest ng nasa top 10 ay pawang erotikong pelikula rin. Ang mga ito ay The Influencer, Scorpio Nights 3, Tahan, Purificacion, Island of Desire, Virgin Forest, Moonlight Butterfly, Kaliwaan at Palitan. Apat diyan ay bida si Christine Bermas — Lampas Langit, Scorpio Nights 3, Island of Desire, at Moonlight Butterfly.

Dalawa naman ang pinagbidahan nina Cloe Barreto (The Influencer at Tahan) at Cara Gonzales (Purificacion at Palitan).

Vivamax

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Top 10 Series of the Week, wala pang nakakaagaw sa trono ng ‘Wag Mong Agawin Ang Akin nina Angeli Khang, Jamilla Obispo, at Felix Roco. Sex-oriented din ang tatlo pang nasa top 4 na serye—High (School) On Sex, Iskandalo, at X.

Ang iba pang nasa Top 10 Series of the Week ay Encounter, PantaXa, Lulu, The Seniors, Parang Kayo Pero Hindi, at Kagat ng Dilim Series.

Vivamax

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Tinagurian ng pinagpipitaganang manunulat na si Tito Mario Bautista ang Vivamax bilang "Tahanan ng Mga Makasalanang Pelikula."

Pero hindi lang mapangahas na movies ang tumatalyada sa Vivamax kundi maging mga serye. Kaya mas angkop na ilarawan ang Vivamax bilang "Tahanan ng Mga Makasalanang Palabas."

three-part series of L

Tatlong episodes ang unang season ng L na pinangunahan ni Vince Rillo bilang Lucas. Dinalirot sa trilogy ang lungkot, ligaya, at libog.

Unang L ang “Larawan” sa direksiyon ni Topel Lee. Tampok din dito sina Ayanna Misola at Stephanie Raz.

Ikalawang L ang “Liko” ni Direk EJ Salcedo, kung saan co-star ni Vince si Cloe Barreto.

Ikatlong L ang “Lipat” ni Direk Roman Perez Jr., kung saan nagsaboy ng halimuyak sina Cara Gonzales at Jamilla Obispo.

ISKANDALO

Nakasentro ang seryeng Iskandalo sa buhay at mga lihim ng vlogger na si Em. Idinirek ito ni Roman Perez Jr. Sampung episodes ito—"Viral Star," "Secret Boyfriend," "Stepfather," "Superfan," "Man in the Video," "Consequence," "Obsession," "Face Off," "Hunt," at "Agent."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Scandalicious siyempre ang mga pasiklab dito nina Cindy Miranda, AJ Raval, Ayanna Misola, Jay Manalo, at Sean de Guzman. Nasa cast din nito sina Jamilla Obispo, Joonee Gamboa, Carlene Aguilar, Angela Morena, Arvic Tan, Francis Magundayao, Evangeline Pascual, Julio Diaz, Arnold Reyes, Rocky Salumbides, Massimo Scofield, at Krista Miller.

High (School) On Sex

Walong episodes ang sexy comedy series na High (School) On Sex sa direksiyon ni GB Sampedro. Walong episodes ito, the title of which are "1st Day High, "Hook-ups and Downs," "Lights Off," "S/Trip," "Walang Mali Siya," "Balikan," "Ang Kalat," at "Pound-ation Day."

Siyempre pa, hindi na mukhang high school students ang mga bida. Mukhang nasa early 20s na sila.

Tampok dito sina Wilbert Ross, Denise Esteban, Kat Dovey, Migs Almendras, Angela Morena, Carlene Aguilar, at Aica Veloso. Nasa cast din sina Nathan Cajucom, Jiad Arroyo, Ejay Fontanilla, Micaella Raz, Katya Santos, Lance Raymundo, Marco Gomez, Rob Guinto, Sheree Bautista, at kung sinu-sino pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

‘Wag Mong Agawin Ang Akin

Tuwing Linggo ay nag-i-streaming ng bagong episode ng sexy drama series na ‘Wag Mong Agawin Ang Akin, sa direksiyon ni Mac Alejandre.

Love triangle ito ng private escort na si Jasmine Reyes (Angeli Khan), marketing officer na si Tom Lopez (Felix Roco), at secret girlfriend na si Christine Soriano (Jamilla Obispo).

Hindi alam nina Jasmine at Christine na mag-ina sila.

Pang-apat na pangunahing karakter sa istorya si Ryan Soriano (Arron Villaflor). “Agaw-Pansin” ang unang episode, at mapupukaw agad ang atensiyon mo.

Sa umpisa, ayan na ang umaatikabong pangangabayo ni Jasmine sa poging kliyente (Aaron Concepcion), habang masuyong nagniniig sina Tom at Christine. Sa kalagitnaan ng episode ay sabay na nag-shower sina Tom at Christine, at siyempre pa, matic na ang follow-up. Si Jasmine ay nag-jacuzzi kasama ang bagong kliyente, at Woman On Top muli ang kanyang peg.

“Inagawan ng Kaligayahan” ang second episode, at nagpakitang-gilas sa kama ang co-worker ni Tom na si Anton (Josef Elizalde) at ang kapartner nito. Ang best friend ni Jasmine na si Marie (Angelica Cervantes), nakipagkaldagan sa kliyenteng attitude gayong mala-kikiam lang ang size ng private part. Nagsalo sa hapunan sina Tom at Jasmine, at kapagkuwan ay naglunoy sa kaligayahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaagaw sa Pangarap” ang third episode. Payanig ang umpisa kung saan nagpapa-blowjob si Ryan sa isang modelo habang pinagmamasdan ang larawan ng madrastang si Christine. May second round si Anton at ang kanyang ka-tandem. Nakaharap ni Jasmine si Ryan, at naalala ang pagtatalik nila noong daisy (daisy-sais o daisy-siete) pa lamang siya.

May bagong kliyente si Marie, at pumayag siyang i-record sa cellphone ang kanilang romansahan.

“Agaw-Atensyon” ang fourth episode, na nag-streaming noong Agosto 21, Linggo. Sa opisina naman nag-agawan o nagpasahan ng lakas sina Tom at Christine. Ginunita ni Ryan ang pagkakataon na nadarang sila ng madrastang si Christine sa loob ng kotse. Minsan pang nagtikiman sina Tom at Jasmine… sa tabi ng piano na napapalamutian ng pulang bulaklak. Nagbaliktaran sila.

NOEL FERRER

Sandali lang ang butt exposure ni Arron Villafor habang naliligo sa pelikulang Mamu, And A Mother Too (2018). Tinanghal siyang best supporting actor ng Cinema One Originals filmfest para sa pagganap niya roon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa episodes 3 and 4 ng ‘Wag Mong Agawin Ang Akin ay pwetmalu to the max si Arron, at sadyang nakakapag-init ang erotic scenes niya.

May bagong Vivamax series na gagawin si Arron, ang eight-episode ding Secrets of A Nympho sa pamamahala nina Shugo Praico at Philip King.

Si Arron ang bidang lalaki rito, kaya asahan natin na mas mababangis o mababagsik ang mga eksena niya rito. Ang mga bidang babae rito ay sina Rhen Escaño at Ayanna Misola.

Nasa cast din sina Stephanie Raz, Andrea Garcia, Gold Aceron, Milana Ikimoto, Josef Elizalde, Tiffany, Sheree, at Jeric Raval.

Ang series na papalit sa ‘Wag Mong Agawin Ang Akin ay ang AN/NA (dating Katawang Lupa), sa direksiyon ni Jose Javier Reyes.

Magpa-pilot ito sa Setyembre 25, Linggo, at title role dito si Janelle Tee bilang isang babaeng may double life—office worker sa araw, mapanuksong babae sa gabi.

Nasa cast din nito sina Migs Almendras, Greg Hawkins, Rob Guinto, Guji Lorenzana, Axel Torres, Fabio Ide, Nico Locco, Micaella Raz, Azi Acosta, Rolando Inocencio, at Clara del Rosario.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bukod sa wild love scenes ng female lead stars, pati ang male stars ng top streaming content ng Vivamax ay may pasabog din. Si Baron Geisler (kaliwa) ay gumanap na nobelista sa digital film na Lampas Langit, habang si Arron Villaflor ay gumanap na stepson ni Jamilla Obispo (kanan) sa series na ‘Wag Mong Agawin Ang Akin.
PHOTO/S: Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results