Watch Now

Gladys Reyes, bilib sa diskarte ng mister na si Christopher Roxas sa kusina ngayong mahal ang mga bilihin

by PEP Troika
Aug 24, 2022
Gladys Reyes, Christopher Roxas
Si Gladys Reyes ang toka sa pag-grocery, habang ang mister niyang si Christopher Roxas ang chef sa kanilang bahay. Bilib daw siya sa talent ni Christopher sa pagluluto, "Parang imbento lang, pero pag naluto na niya, ang sarap!"
PHOTO/S: @iamgladysreyes Instagram

GORGY RULA

Isa si Gladys Reyes sa nag-react sa Instagram hanash ni Judy Ann Santos nung Lunes, August 22, 2022, tungkol sa napakamahal na puting sibuyas.

Read: Gladys Reyes at Christopher Roxas, tampok sa INCTV sitcom; Vilma Santos, magbabalik-TV na

"Dyusko! Si Judy Ann Santos na yun, di ba?” bulalas ni Gladys nang nakapanayam namin sa aming radio program sa DZRH.

Halos lahat daw ay naka-relate sa hinaing ni Judy Ann.

“Lalo na ang ating mga kababayan, yung mga hand-to-mouth na kikitain mo ngayon ay yun din ang gagastusin.

"Siguro dahil hindi ako ang nagluluto, si Christopher yun, e. Kaya siguro ramdam ni Judy Ann.

"Ako ang naggu-grocery at nakikita ko, oo mahal. Pero siyempre mas nararamdaman mo yun pagka lulutuin na.

"Kaya siguro si Juday… talagang mahal yung puting sibuyas e," saad ni Gladys.

Ganun nga raw ang set-up sa bahay nila. Si Gladys ang matiyagang nag-iikot sa grocery at talagang napapaaray raw siya sa mga expensive na bilihin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mabuti na lang at magaling daw dumiskarte si Christopher na siyang nagluluto sa kanila.

"Importante din yung mag-innovate tayo, yung parang ano ba ang puwedeng alternative dun sa mga mahal na ingredients na…

"Kung dati yung niluluto natin na napaka-generous ng ilalagay natin dun, ano kaya ang puwedeng alternative? Alam niyo naman ang mga Pinoy, di ba? Maabilidad.

"Si Christopher kasi ang chef, siya talaga ang nakakaisip ng alternative diyan.

"Alam mo yung asawa ko, kung ano yung nakikita sa ref… yun ang bilib ako dun, e. Kung ano lang yung available sa ref, tapos nang niluto niya na, masarap naman.

"Parang imbento lang, pero pag naluto na niya, ang sarap!" pagmamalaki ni Gladys.

JERRY OLEA

Wala pang exact date ng pilot ng bagong sitcom ni Gladys na One For All, All For One sa INCTV. Pero sa September na raw ito, at excited siya dahil kasali ang halos buo niyang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama niya rito si Christopher at ang dalawang anak nilang sina Christophe at Aquisha. Pero may special participation din ang anak nilang si Grant, pati ang mommy niyang si Zeny Reyes.

"Si Grant, pamangkin ko na nasa States, kaya naka-Zoom lang. Tapos ang lola, yung mother ko!" natatawang kuwento ni Gladys.

Panahon daw ng pandemic ang kuwento ng sitcom nila na tumatalakay sa mga kuwento ng pamilya. Na kaya One For All, All For One, dahil ganun daw ang mga nanay natin. Pag galit sa isang bagay, damay lahat.

"E, ganun naman ang mga nanay, di ba? Minsan naiinis lang na hindi kumpleto ang rekado sa niluluto niya, mainit na ang ulo at dinamay na lahat.

"Mga ganun na cute lang na situation na ay biglang maisip mo na, 'Ay! Ang nanay ko, ganyan din, e!'” pakli ni Gladys.

"Nagpu-focus tayo sa family values, at sa modern times tayo ngayon. Alam naman po natin ang presence ng social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, maraming ganun na ita-tackle namin na napapanahon din.”

NOEL FERRER

Sabi ni Gladys sa Facebook post niya kaugnay sa nalalapit na family sitcom nila, “No challenge is too difficult for a united family like the Dimaguiba Family. Join our amusing and life-changing journey in INCTV's first-ever family sitcom.”

Abangan natin iyan!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Gladys Reyes ang toka sa pag-grocery, habang ang mister niyang si Christopher Roxas ang chef sa kanilang bahay. Bilib daw siya sa talent ni Christopher sa pagluluto, "Parang imbento lang, pero pag naluto na niya, ang sarap!"
PHOTO/S: @iamgladysreyes Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results