JERRY OLEA
Mag-uumpisa na sa Setyembre 5, 2022, Lunes, ang bagong Kapuso afternoon drama series na pagbibidahan nina Carmina Villarroel at Jillian Ward, ang Abot Kamay Na Pangarap. Kapalit ito ng Apoy Sa Langit.
Nasa cast din ng Abot Kamay Na Pangarap sina Richard Yap, Dominic Ochoa, Andre Paras, Pinky Amador, Dexter Doria, Kazel Kinouchi, Wilma Doesnt, Ariel Villasanta, at Heart Ramos.
Ito ang unang Kapuso series ni Dominic, na 26 years na Kapamilya mula noong 1996.
Gaganap siya sa Abot Kamay Na Pangarap bilang Michael Lobrin na may-ari ng isang auto shop. Matulungin, loyal, at simpatiko ang kanyang karakter.
Before umariba si Dominic bilang bagong Kapuso, noong Lunes ay napanood pa siya sa Kapamilya fantaseryeng Mars Ravelo’s Darna bilang Javier Toledo o Lindol Man.
Dominic Ochoa as Lindol Man
Maliban kay Lindol Man, ipinakilala rin noong Lunes sa nasabing fantaserye ang karakter ni Master Klaudio (Joko Diaz). Maging kakampi o kalaban kaya sila nina Ding (Zaijian Jaranilla) at Narda (Jane de Leon)?
Joko Diaz as Master Claudio
Samantala, tuloy rin ang pagtutulungan nina Regina (Janella Salvador) at Brian (Joshua Garcia) para ibuntag ang katiwalian ni Mayor Zaldy Vallesteros (Simon Ibarra) matapos nilang malaman na dating chief engineer si Toledo ng gumuhong gusali dahil sa lindol.
Napapanood ang Mars Ravelo’s Darna, Lunes hanggang Biyernes ng 8:00 p.m., sa Kapamilya Channel, A2Z, CineMo, at TV5. Mapapanood din ito sa Kapamilya Online Live, iWantTFC, at The Filipino Channel.
Ewan kung may eksena pa si Dominic bilang young Hugo (Ronaldo Valdez) sa KathNiel series na 2 Good 2 Be True.
Hindi lang si Dominic ang Kapuso na Kapatid o Kapamilya rin.
Sina Maja Salvador at Joey Marquez ay bida sa TV5 sitcom na Oh My Korona na napapanood tuwing Sabado ng 7:30 p.m.
Kasama rin Tsong si Joey sa Kapuso primetime series na Bolera na magpi-finale na sa Agosto 26, Biyernes ng gabi.
Si Maja ay isa sa Dabarkads ng Eat Bulaga.
Si Billy Crawford, na nasa noontime show ng TV5 na Lunch Out Loud, host ng The Wall Philippines na sa GMA-7 na matutunghayan umpisa Agosto 28, Linggo ng 3:30 p.m.
NOEL FERRER
Speaking of Dominic Ochoa, survivor iyan! He has survived network hopping and he has remained friendly to all, kasi mabait naman talaga siyang tao.
Remember, siya ang co-host ni Lucy Torres-Gomez noong first episodes ng Shall We Dance sa TV5 kahit ang mga teleserye niya ay nasa ABS-CBN.
Tapos ngayon, after his teleseryes in ABS-CBN, heto siya sa GMA with Abot Kamay Na Pangarap.
But he is not severing any ties, ha? Meron pa rin siyang good relationship sa kanyang Hoy Love You family sa iWantTFC and ABS-CBN na parang nagpapplano rin ng bagong season.
Basta, hindi lahat ng tumatawid namamatay. With Dom, buhay na buhay lalo pa’t magaling ka naman at mabuti at magandang makisama.
GORGY RULA
Tamang-tama naman ang pagtatapos ng Apoy sa Langit, at mukhang interesting naman itong kuwento ng Abot Kamay Na Pangarap, lalo na’t ang lalakas ng mga casting.
Sa darating na Linggo, August 28, na magsisimula ang The Wall Philippines ni Billy Crawford. Ito ang isa sa programang collaboration ng GMA-7 at Viva Entertainment.
Medyo matindi ang makakatapat nito, ang FPJ Da King, na patuloy pa rin talagang pinapanood. Pero iba pa rin talaga ang dating ng game show sa mga manonood, kaya kampante si Billy na lalong magugustuhan ito ng mga manonood.
Sa katunayan, itong The Wall ang laging mataas ang rating sa mga nakasabay nitong game show noon sa TV5.
Sa Lunes, August 29, naman ay magsisimula na ang What We Could Be, na sumusunod sa Lolong. Ito ang ipapalit sa timeslot ng Bolera na matatapos na ngayong linggo.
Iniiwasan daw munang kabahan ni Ysabel Ortega dahil mas iniisip niya ang suporta ng buong pamilya, lalo na ang mga fans nila ni Miguel Tanfelix.
Sa pilot week ng What We Could Be ay mas naka-focus muna sa kuwento ni Ysabel at sa pamilya niya. Pinuri si Ysabel dito dahil nadala naman niya ang buong episode.
Read: Mommy at stepfather ni Ysabel Ortega, umiyak sa pilot week ng What We Could Be
“Ngayon po ay medyo hindi ko pa nararamdaman ang kaba,” pakli ng Kapuso actress.
“Siguro pag mga three days away na lang po from our pilot, dun ko na mararamdaman yung kaba. But definitely it’s a good pressure po na mai-excite ako.
"Kasi siyempre, pinaghirapan din po namin ‘tong show na to. So, alam din po namin na talagang mai-enjoy ito ng mga viewers namin,” dagdag niyang pahayag.
Samantala, sakalam pa rin talaga ang Lolong ni Ruru Madrid.
Naghuhumiyaw na 18% ang rating nito nung Agosto 23, Martes, kung saan matinding aksyon ang napanood.
Dito pinatay ni Armando (Christopher de Leon) si Diego (Vin Abrenica). Kaya paano na kaya si Celia (Thea Tolentino)?
Abangan natin sa mga susunod na episodes nito dahil sinabi na ni Lolong kay Martin (Paul Salas) na isa rin itong atubaw. May mababago kaya kay Martin?
Kaya hindi rin makagulapay si Darna na talunin ang kuwento nina Lolong at Dakila. Naka-9.7% lang ang Darna nung nakaraang Martes.