Watch Now

Joel Lamangan, naglabas ng saloobin hinggil sa isyu nila ng Viva

by PEP Troika
Aug 24, 2022
Joel Lamangan
Director Joel Lamangan on issue with Viva Films for doing a project with AQ Prime: "Sinasabi ko, wala naman akong kontrata. Wala naman akong exclusive contract sa inyo, bakit babawalan akong gumawa sa iba? Itong tanda ko nang ito, kailangan niyo pa akong iganyan-ganyan?"
PHOTO/S: Gorgy Rula

JERRY OLEA

Excited si Direk Joel Lamangan para sa bagong streaming platform na Amigo na ilulunsad next year.

"Pinaplanu-plano pa lang ang mga project ng Amigo," pagsisiwalat ng multi-awarded director sa PEP Troika nitong Agosto 23, 2022, Martes ng hapon, sa Victorino’s restaurant, 11th Jamboree St., Quezon City.

"Isa ako sa mga kinontak para sa isang period film na matagal ko nang gustong gawin. Bagay na bagay for the lead role si Lovi Poe dahil Pinay beauty siya."

Kakalabanin ba ng Amigo ang Vivamax? Erotiko rin ang kanilang mga palabas?

"Hindi! Hindi! Hindi!" pag-iling ni Direk Joel. "They would have their own kind of movies that they would like to show to the people."

Ang production budget ng unang movie ni Direk Joel sa Amigo ay PHP15M. Twelve (12) shooting days ang ilalaan sa nasabing epic movie.

May offer din ang bagong TV network na AMBS kay Direk Joel na pamahalaan ang isang season (13 episodes) ng isang drama series na pagbibidahan ng tatlong aktres. Meron nang team na bumubuo ng script nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gusto ni Direk Joel na tapos na ang script ng 13 episodes bago niya simulan ang taping nito.

Alin ang una niyang gagawin, iyong epic movie ng Amigo o iyong drama series ng AMBS?

"Sa akin, kung alin ang mauna!" tugon ni Direk Joel.

Kumusta na yung pelikulang natapos niya para sa AQ Prime, yung Peyri Teyl?

"September na ang streaming. In-advance na naman nila, hindi pa ako tapos mag-post prod," pagbabalita ni Direk Joel.

"Mahusay pareho sina Edgar Allan Guzman at Lou Veloso sa Peyri Teyl. Nakakatuwa sila."

Edgar Allan Guzman

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Gagawa pa ba si Direk Joel ng pelikula para sa Vivamax?

Pag-amin ng beteranong direktor: "Hindi na ako binibigyan! Nagalit sa akin talaga nang gumawa ako sa AQ Prime.

"Tapos, kinumpronta ako ni June Rufino dahil sa Maid in Malacañang. 'Inaano mo ang Maid in Malacañang, hindi mo ba alam, sa Viva Films yun?'

"Wala akong sinabi against Viva. Ang sinabi ko lang, Maid in Malacañang.

"Sabi ko kay June Rufino, ‘Alam mo naman kung saan ako nanggaling. Hindi ko isusuko ang prinsipyo ko…’

"Wala akong sinabi against Darryl Yap. Wala akong sinabi."

Si June Rufino ang executive officer for broadcast and film ng Viva Films at production head ng Vivamax.

Read: Martial law detainee Joel Lamangan says he will watch Darryl Yap's movie about the Marcoses

Patok na patok yung meme na kesyo sinabihan ni “Dariles Yap” si Joel Lamangan, 'Hindi lang ikaw ang anak ng Diyos.' Tapos, ang talak ni 'Joel Lam-ang' kay 'Dariles Yap' ay, 'Hindi lang ikaw ang anak ng Demonyo. Marami kayo. Just look around.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natawa si Direk Joel, "Hindi ako ang nagsabi nun! Gawa-gawa lang yun ni Lore Reyes. Hindi ako ang nagsabi nun.

"Si Lore, hindi ako! Si Lore Reyes! Hindi ko sinabi yun, ‘no?! Hindi ako yun, si Lore Reyes yun. Kaibigan ko yun, si Lore, di ba?

"At hindi pangalan ko ang nakalagay. Ang nakalagay, Joel Lam-ang. Dyinok-joke ang name ko. Wala naman akong sinabing ganun. Hindi ako, si ano talaga, si Lore Reyes!"

Ano ang reaksiyon niya nang mabasa ang nasabing Facebook post ni Direk Lore?

"Natawa ako. Ay! Witty!" pag-amin ni Direk Joel. "Maganda ang say, di ba?"

Lore Reyes

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May natapos na movie si Direk Joel for Vivamax na hindi pa ipinapalabas, ang Girl Friday starring Angeli Khang, Jela Cuenca, Jay Manalo, and Massimo Scofield.

Sabi ni Direk Joel: "Maganda yung Girl Friday. Tungkol yun sa mga baka! Syinuting namin yun sa Alfonso, Cavite, malapit sa Tagaytay.

"Matagal ko nang natapos yun. Ayaw nilang ipalabas. Nagalit sila sa akin dahil nag-AQ Prime ako."

Sa puntong ito, dire-diretsong ipinaliwanag ni Direk Joel na tila naging isyu ang paggawa niya ng pelikula sa ibang film company.

Base ito sa kuwento niya sa usapan nila ni June Rufino.

"Wala naman akong kontrata sa kanila. Wala akong exclusive contract. Bakit pipigilan ako kung saan ko gustong pumunta?

"Huwag na silang magselos! Matanda na ako! Sinabi ba naman ni June Rufino, ‘Oy! Nakalimutan mo bang sa akin ka nag-umpisa?’

"Sabi ko naman, ‘Aba, hindi! Hindi ko makakalimutan! Hindi ko naman itinatanggi kahit kailan!’

"Ibig ba niyang sabihin, sa buong buhay ko, hindi na ako tatanggap ng iba na kalaban ninyo?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nangyari na rin daw ito dalawang dekada na ang nakararaan.

Balik-tanaw pa ni Direk Joel: "Ganyan din ang nangyari sa akin nang nag-Regal ako, 'Day! Nag-Mano Po 1 (2002) ako, nagalit sila talaga. Ayayayyhhgrrhhh!!!

"Hindi ko inintindi. E, bumongga ang Mano Po 1. Biglang sinabi, ‘Gusto ka raw makausap ni Boss Vic [del Rosario].’ Ay! 'Ako naman ang igawa mo.'

"Yun! Balik-Viva ako. Ginawa ko ang Filipinas [2003].

"Eto na, Mano Po 2, ayaw ko na. Nagagalit naman si Mother [Lily Monteverde]! Napunta kay Erik Matti ang Mano Po 2 (2003).

"E, nag-away sila ni Erik Matti. Ako na naman ang Mano Po 3, dire-diretso, 4, 5, 6, di ba?

"Maraming kuwento yun. Nagalit na naman si Boss Vic nang bumalik ako sa Regal. Pero ibinalik uli ako ng Viva. Nakalimutan ko na kung anong project yun.

"Sinasabi ko, wala naman akong kontrata. Wala naman akong exclusive contract sa inyo, bakit babawalan akong gumawa sa iba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Itong tanda ko nang ito, kailangan niyo pa akong iganyan-ganyan?"

Aminado si Direk Joel na box-office hit ang Maid in Malacañang, kaya hindi na siya nagtaka sa bali-balitang first part pa lang iyon ng trilogy tungkol sa kuwento ng pamilya Marcos.

Pangako ni Direk Joel, "Gagawa rin ako,'Day! Malapit na. Ang producer ay malaki rin."

NOEL FERRER

Sa isyung Maid In Malacañang, bawal nga ba si Direk Joel na magsabi ng saloobin?

Oh well, likha nang likha, at nabalitaan ko nga na may financier na si Direk Joel sa passion project niyang pantapat sa Maid In Malacañang. Aabangan natin ito!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Joel Lamangan on issue with Viva Films for doing a project with AQ Prime: "Sinasabi ko, wala naman akong kontrata. Wala naman akong exclusive contract sa inyo, bakit babawalan akong gumawa sa iba? Itong tanda ko nang ito, kailangan niyo pa akong iganyan-ganyan?"
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results