Kiko Estrada may butt exposure, AJ Raval "napuruhan" sa Sitio Diablo

by PEP Troika
Aug 26, 2022
aj raval kiko estrada sitio diablo
AJ Raval and Kiko Estrada in the action/drama/sexy movie Sitio Diablo, now streaming on Vivamax.
PHOTO/S: Vivamax

JERRY OLEA

“Buntis” si AJ Raval!

Nagdadalantao ang karakter na ginampanan ni AJ sa pelikulang Sitio Diablo, na streaming umpisa Agosto 26, 2022, Biyernes, sa Vivamax.

Napuruhan si Aina (karakter ni AJ) ng “bala” ni Bullet (Kiko Estrada)! Maangas ang kanilang “barilan” at “putukan”! May pa-boobey pa rin si AJ, at pwetmalu si Kiko.

sitio diablo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May pa-kaldag din ang iba pang mga tauhan sa istorya, gaya nina Tonix (Benz Sangalang) at Hi-C (Azi Acosta) na animo’y mga pusa na nagharutan sa bubong.

Kung sinu-sino rin ang sinimsim ni Shin (Massimo Scofield), iyong mga hitad na pumili sa “langit.”

Mas lutang ang karahasan kesa sa kamunduhan sa Sitio Diablo na idinirek ni Roman Perez Jr. May bahid ito ng Brazilian epic crime film na City of God/Cidade de Deus (2002).

Agaw-eksena sa pelikula ang ina nina Aina at Bullet na si Agi (Ruby Ruiz), na nakipagbangayan at nakipagtalakan kay Tabs (Tabs Sumulong). Humahaplos sa puso ang hinaing ni Lola Edna (Angie Castrence).

May chemistry sina AJ at Kiko, na tampok muli sa Vivamax project na Us x Her kung saan lumuwal ang tsismis is like history (?) kuning-kuning na preggy ang irog ni Aljur Abrenica.

Read: Balitang buntis si AJ Raval, confirmed nga ba? Shooting ng Us X Her, na-pack up dahil kay AJ?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kailan at saan naman kaya ipalalabas iyong pelikulang My Stepmother’s Lover, kung saan naunang magka-butt exposure si Kiko?

Tampok din sa My Stepmother’s Lover sina Sunshine Cruz, Martin del Rosario, Samantha Lopez, Pinky Amador, at Joko Diaz (na kasama rin sa Sitio Diablo), sa direksiyon ni Adolf Alix Jr.

Read: Kiko Estrada has butt exposure in movie with Sunshine Cruz

Tuluy-tuloy ang streaming ng erotic movies sa Vivamax tuwing Biyernes.

Kasunod na isasampay ang Bula (Setyembre 2) sa direksyon ni Bobby Bonifacio Jr. Kaabang-abang ang paglalaba rito ng extraordinary laundromat girl (Ayanna Misola) at hot police officer (Gab Lagman).

Read: Gab Lagman, nabigla nang hubaran ng underwear ni Ayanna Misola

Makikihugas din ng mga kasalanan sa Bula sina Rob Guinto, Mon Confiado, Ana Abad Santos, Miles Victoria, Andrea Fren, Nic Galvez, at Charo Laude.

bula poster

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magpapasilab muli ang tambalan nina Cloe Barreto at Marco Gomez sa #DOYOUTHINKIAMSEXY (Setyembre 9), sa direksiyon ni Dennis N. Marasigan.

Dagdag-lagablab dito ang alindog at halimuyak nina Chloe Jenna, Hershie de Leon, at Ava Mendez.

“Isip mo’y unti-unting nawawala’t nalilito/ Ang tulad mo’y parang usok, unti-unting naglalaho/ Unti-unting naglalaho…”

Tatangayin ng hangin ang masamang panaginip sa The Escort Wife (Setyembre 16), sa direksiyon ni Paul Basinillo.

Bibigyang-puwang ng isang misis (Janelle Tee) na nalulumbay ang kanyang puso. Nasa cast din ng sexy thriller na ito sina Raymond Bagatsing, Ava Mendez, Katya Santos, Jourdanne Castillo at Bob Jbeili.

the escort wife

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos ng seryeng High (School) On Sex, heto na naman si “Boy Bastos” sa sexy comedy ni GB Sampedro na 5 in 1.

Madre ang papel dito ni Giselle Sanchez, at ewan kung may mahjong scene siya. Sa istorya, sister siya ng naninigas na si Dick (Wilbert Ross) as in tegi bumblebee.

Hindi sinabi ni Dick o Johnny Dick Jordi sa kanyang sis kung sino sa mga ex niya ang kanyang tagapagmana. Magbabardagulan sina Debbie Garcia, Rose Van Ginkel, Jela Cuenca, Ava Mendez, at Angela Morena sa tanging yaman ni Dick.

Kasama rin sa barubalan sina Pio Balbuena, Marissa Sanchez, Lassy, MC Muah, Chad Kinis, at iba pa.

Tuwing Linggo ay may bagong episode naman ng serye sa Vivamax.

Streaming sa Agosto 28 ang fifth episode ng ‘Wag Mong Agawin Ang Akin nina Angeli Khang, Jamilla Obispo, Felix Roco, at Arron Villaflor, sa direksiyon ni Mac Alejandre.

Sa Setyembre 25 ang pilot ng unang Vivamax series ni Direk Jose Javier Reyes, ang AN/NA na bida si Janelle Tee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Co-stars dito sina Migs Almendras, Greg Hawkins, Rob Guinto, Guji Lorenzana, Axel Torres, Micaella Raz, Azi Acosta, Fabio Ide, Nico Locco, Rolando Inocencio, CJ Jaravata, at Clara del Rosario.

GORGY RULA

Obvious na sumusunod si Direk Roman Perez Jr. sa gusto ngayon ng Viva na hindi masyadong mahalay at hindi na kagaya ng dati ang mga hubaran sa pelikula.

Nasilip ko ang ilang tagpo ng pelikula, at medyo diniliman nila ang sex scenes kaya wala ka gaanong maaaninag.

Nandiyan pa rin ang walang patumanggang pumping scenes, ang pa-boobey ni AJ Raval, at si Kiko Estrada naman ngayon ang may pa-butt exposure.

Kapag bago sa Vivamax ang artistang nagbibida, kailangan talagang may pa-wetpaks.

Nagpakita na si Arron Villaflor ng puwet sa episodes 3 and 4 ng Vivamax series na ‘Wag Mong Agawin Ang Akin, ngayon naman si Kiko sa Sitio Diablo.

Abangan natin si Gab Lagman sa Bula, at ang mga susunod pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Meron din palang ginagawa si Kokoy de Santos para sa Vivamax at tiyak na may papuwet din siya dahil sexy movie rin ito, at wala namang kaarte-arte ang naturang aktor sa hubaran.

Pinagpipistahan pa rin online ang pasilip ni Kokoy sa Cinemalaya 2019 film na Fuccbois.

Sabi ni Direk Perci Intalan, pagkadating ni Kokoy galing sa taping ng Running Man Philippines sa South Korea, tumuloy ang aktor sa shooting ng Death By Desire para sa Vivamax. Kasama niya rito sina Iana Bernadez at Denise Esteban, at si Prime Cruz ang direktor.

NOEL FERRER

Ganoon talaga yata, kapag may problema sa lipunan, ang libangan ng taong gustong makalimot sa mahal ng sibuyas, asin, at asukal, pati na ang mga overpriced na laptops at iba pa, ay pang-aliw na tulad ng ganito — mula mismo sa namumuhunang nakikinabang.

Bayan o sarili? Mukhang pagmamahal ba muna sa sarili ang uunahin sa panahon ngayon? Huwag sana tayong masanay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AJ Raval and Kiko Estrada in the action/drama/sexy movie Sitio Diablo, now streaming on Vivamax.
PHOTO/S: Vivamax
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results