Watch Now

Ruru Madrid, dedma lang sa hanash ng sawsawerang RR Enriquez

by PEP Troika
Aug 28, 2022
Ruru Madrid
RR Enriquez
Ruru Madrid, dedma lang sa mga hanash at pakikisawsaw ni RR Enriquez tungkol sa love life ng Lolong star at ni Bianca Umali: "Ayoko pong magpaapekto sa mga ganung klaseng bagay. So, hayaan na po natin.”

GORGY RULA

Ayaw nang patulan ni Ruru Madrid ang pakikisawsaw ni RR Enriquez sa relasyon nila ni Bianca Umali.

Nag-comment si RR tungkol sa deklarasyon ni Ruru na four years na ang relasyon nila ni Bianca pero walang label.

Sinita si RR ng ama ng Kapuso actor na si Bong Madrid, na sinagot din ni RR. Sinabihan naman ni Ruru ang kanyang ama na hindi na lang sana ito patola.

“Sabi ko nga sa kanya, huwag na niyang patulan. Siyempre may mga ganun… I mean, we can’t please everybody, di ba?

“Kung iyun po yung tingin niyang opinyon, e hindi po natin maalis sa kanya. Sariling opinyon niya po yun.

“But for me, it’s okay. Kami naman po ni Bianca, what you see is what you get. So, for sure sa mga taong nakakakilala sa amin, sa mga taong malapit po sa amin, kilalang-kilala po kami kung ano man po yung relasyon naming dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, yun nga. Ayoko pong magpaapekto sa mga ganung klaseng bagay. So, hayaan na po natin,” pahayag ni Ruru nang nakatsikahan namin sa nakaraang mediacon ng Running Man PH na magsisimula na sa September 3.

NOEL FERRER

Yes, sana hindi na lang pinansin. Kasi, masakit sa nagpapapansin ang hindi pansinin. Kaligayahan nila ang patulan ng mga taong kinokomentuhan nila.

Asar talo baga. Ang pagiging sawsawera sa mga isyu ang konsepto ni RR sa kanyang vlog.

Kaya nakisawsaw na rin siya sa isyu ni Ruru, dahil sa top-rated niyang series na Lolong.

Sabi ni Ruru, hindi na lang daw niya ito iniisip. Ang mahalaga ay maganda ang pagtanggap ng mga tao sa Lolong at ngayon ay inaabangan na rin ang Running Man PH.

“Kung yun po ang mga nangyayari… for me naman po, eto po yung mahal ko, e. Itong work na ginagawa ko. Itong craft ko, sobrang mahal ko ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung ano man po ang nangyari sa Lolong, dito po sa Running Man, sa career ko, I’m just very thankful. Hindi ko po hahayaan na mawala po,” pahayag ni Ruru.

JERRY OLEA

“If you can’t stand the heat, get out of the kitchen.”

Kasabihan iyan na paborito ng former U.S. president na si Harry S. Truman noong senador pa lamang siya noong 1942.

Ipinunto iyan ni Madam RR, na tila sumusunod sa mga yapak at hanash ng dating mala-patis na Sawsawera ng Bayan, ang Marites par excellence na si Manay Lolit Solis.

Abang-abang tayo sa mga patola crayola na isasahog ni Madam RR sa kanyang mga paandar na vlog.

Pakatandaan po natin na ang tsismis na iginisa ni Marites, pinasagitsit ni Marisol at inihain ni Sally kay Eva ay Evang-Eva na nang makisalo ang mga chu-chung chuwariwap!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruru Madrid, dedma lang sa mga hanash at pakikisawsaw ni RR Enriquez tungkol sa love life ng Lolong star at ni Bianca Umali: "Ayoko pong magpaapekto sa mga ganung klaseng bagay. So, hayaan na po natin.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results