Watch Now

Joshua Garcia at Gabbi Garcia, magtatambal sa collab project ng ABS-CBN at GMA-7?

by PEP Troika
Aug 30, 2022
joshua garcia gabbi garcia
Ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia at ang Kapuso actress na si Gabbi Garcia ang napipisil na magbida sa teleserye na balitang collaboration ng ABS-CBN at GMA-7.
PHOTO/S: @garciajoshuae / @gabbi on Instagram

GORGY RULA

Very reliable ang source na nagparating sa PEP Troika na matutuloy na ang collaboration ng GMA-7 at ABS-CBN sa isang magandang project.

Ayon sa aming source, nagkasundo na ang dalawang networks na gumawa ng isang teleserye tampok ang kanilang stars.

Hindi pa namin nakukuha ang buong detalye, pero ang nasagap pa ng PEP Troika, ang Dreamscape Entertainment daw ang magpu-produce nito.

Ang napipisil daw nilang lead actor sa teleseryeng ito ay si Joshua Garcia, at ang makaka-partner ay ang Kapuso It Girl na si Gabbi Garcia.

Si Gabbi lang daw ang gusto ng GMA-7 na i-partner kay Joshua, na mukhang maganda namang tandem.

Exciting ito! Abangan na lang natin kung talagang kumpirmado na ito, kapag i-announce na ng GMA-7 at ng Dreamscape ang magandang balita.

JERRY OLEA

Remember the time na Kapuso pa si Richard Gutierrez, at Kapamilya si KC Concepcion? Nag-collab ang dalawang malaking network noon sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ginawa nina KC at Richard sa ABS-CBN Star Cinema ang pelikulang For The First Time (Agosto 2008), at nagtambal silang muli sa When I Met U (Pebrero 2009) ng GMA Films at Regal Entertainment.

Read: The KC-Richard Love Team: Brilliant idea whose time has come (Part 1)

E, di ba, noong Abril 5 ng taong ito ay nagulantang ang marami sa kasunduang ipalabas sa Kapuso Network ang ilang Kapamilya movies?

Read: GMA-7 inks deal with ABS-CBN; to air Star Cinema movies

Napabalita kapagkuwan na open ang GMA sa mga susunod pang agreement with ABS-CBN.

Papunta na tayo sa exciting part! Hindi kagulat-gulat kung magsasanib-puwersa ang Kapuso at Kapamilya para sa isang teleserye na sisimulan next year.

Take note na ipinagdiriwang ng Star Magic ang kanilang ika-30 anibersaryo ngayong taon. At malaking sorpresa sakaling dumalo sa nalalapit na Star Magic Ball ang ilang tanyag na personalidad sa ating lipunan!!!

NOEL FERRER

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Medyo ingat ang nakausap nating taga-Kapamilya network na ang unang sabi, “No idea for now. Alam mo naman, kami sa Production ang last to know. Hehehe.”

Pero nang kalaunan at may mga detalye na ang napag-uusapang collab project, heto ang naging pahayag sa akin ng kaibigan nating Kapamilya, “Oh that would be exciting kung pwede nga.”

Abang-abang na lang tayo kung matutuloy ito dahil ang ganda lang nito at very much in line sa sinabi ni Carlo Katigbak ng ABS-CBN noon na, “We hope the industry evolves from being highly competitive to increasingly collaborative, which benefits all stakeholders in the long run.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia at ang Kapuso actress na si Gabbi Garcia ang napipisil na magbida sa teleserye na balitang collaboration ng ABS-CBN at GMA-7.
PHOTO/S: @garciajoshuae / @gabbi on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results