Direk Joel Lamangan, masayang inalala ang nakaraan bilang stuntman; nawindang sa frontal nudity ng mga bidang aktor

by PEP Troika
Aug 31, 2022
Joel Lamangan
Tandang-tanda pa ni Direk Joel Lamangan ang shower scene ng mga kaeksena niya sa isang pelikula: "Hubo’t hubad na silang lahat. Ako, naka-brief pa, nag-aalangang lumapit sa kanila. Sinigawan ako ni pogi, 'Halika na! Alam naman naming bakla ka!' Kaya ayun, join ako sa kanila!"
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Bago naging ganap na direktor si Joel Lamangan sa Viva movie na Darna (1991) na pinagbidahan ni Nanette Medved, dumaan siya sa pagiging stuntman.

"Ekstra ako noon bilang stuntman," pagbabalik-tanaw ng multi-awarded director nitong Agosto 30, 2022, Martes ng hapon, sa Victorino’s restaurant, 11th Jamboree St., Quezon City.

"May eskuwelahan pa kami noon, S.O.S. May training-training every other day sa M.H. del Pilar. Hindi ko kaya ang araw-araw na training.

"Dun ako galing nung late '70s. Lumulundag, sumusuntok, sumasaksak, namamatay."

Sa isang action drama (1980) na idinirek ng isang multi-awarded director, nag-ekstra si Direk Joel bilang kanang kamay ng bidang lalaki na ex-convict ang papel.

May eksena kung saan hubo’t hubad ang bidang lalaki na ta-tattoo-an sa preso. Aabug-abog ang dibdib ni Direk Joel sa eksena dahil kitang-kita niya ang dakilang ari ng bida.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mas nawindang si Direk Joel sa eksenang maliligo silang mga preso. Hubo’t hubad dapat silang lahat. Kabilang sa mga kasabayan sa paliligo ang isang guwapo at matipunong aktor na pinagpapantasyahan ng mga bading.

Natatawang kuwento ni Direk Joel, "Hubo’t hubad na silang lahat. Ako, naka-brief pa, nag-aalangang lumapit sa kanila.

"Sinigawan ako ni pogi, 'Halika na! Alam naman naming bakla ka!' Kaya ayun, join ako sa kanila!"

Memorable din kay Direk Joel ang action movie (1988) tungkol sa isang lider na rebelde, na pinagbidahan ng isa ring makisig at multi-awarded actor.

Pinapirma si Direk Joel ng kontrata, at gumanap siya bilang kanang kamay ng bida, at kasama siya nito sa maraming eksena. Tuwang-tuwa si Direk Joel dahil malaki-laki ang kanyang role.

Kaso, may eksena mula sa tuktok ng burol na nakikipagbarilan sila at kunwari’y natamaan siya, kaya kailangang magpagulung-gulong siya.

"Pagsigaw ni Direk ng action, rat-ta-tat-tat-tat, boom! Nagpagulung-gulong ako! Buti na lang, may nakapitan ako or else, baka naospital na ako!" bulalas ni Direk Joel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Maganda ang eksena, natuwa ang direktor. ‘Good!’ Another take tayo! Pagod na ako, pero go, sige, gulung-gulong pa rin!

"Paiba-iba ng location. May mga engkuwentro kung saan-saan. Pagod na pagod ako sa shooting kaya nang mag-wrap up na, tumili ako, ‘Hay, salamat po, Diyos ko! Natapos din!!!’

"Nagulat si Direk, sinabihan ka, ‘Bakla ka pala! Malas ang bakla sa pelikula! Bakit di mo sinabing bakla ka?’ ‘E, bakit, may nagtanong ba?!’ Ha! Ha! Ha! Ha!

"Huwag ka, blockbuster yung movie na yun! Malakas sa takilya!"

Makalipas ang ilang taon ay nagkrus muli ang landas nila ng naturang direktor.

Pagsisiwalat ni Direk Joel habang sarap na sarap sa nilalantakan niyang pandesal na ang palaman ay dinuguan:

"Marami-rami na akong naidirek noon. Kasama ako sa DGPI [Directors’ Guild of the Philippines, Inc.] Nag-apply siya para mag-member.

"Aba, deadma sa akin si Direk. Parang hindi ako kilala. Parang hindi ako natatandaan. Nilapitan ko siya, ‘Hindi mo ba ako kilala?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sagot niya, ‘Kilala kita, Direk Joel.’ ‘Hindi mo ba natatandaan na artista mo ako dati?! Pinagulung-gulong mo ako sa burol! Sinabihan mo pa ako na malas sa pelikula mo!’

"Ang sagot sa akin, ‘Wala yun. Biro ko lang yun. Kalimutan mo na yun.’ Ha! Ha! Ha! Ha!"

Siyangapala, nakatakda nang mag-streaming sa Vivamax sa Setyembre 30 ang Viva movie na Girl Friday, na idinirek ni Joel Lamangan.

Bida rito sina Angeli Khang, Jay Manalo, at Jela Cuenca, na kaabang-abang ang threesome. Nasa cast din sina Massimo Scofield, Stephanie Raz, Hershie de Leon, at Jim Pebanco.

GORGY RULA

Nakakaaliw magkuwento si Direk Joel sa mga karanasan niya noon. Ang isa pang dapat mapakinggan ng lahat ay ang mga pinagdaanan niya nung martial law.

Malinaw at tandang-tanda niya ang kanyang mga hirap noong dalawang beses siyang ikinulong dahil sa isa siya sa itinuturing na subersibo sa rehimeng Marcos.

Hinding-hindi niya makalimutan kung sino ang mga humuli sa kanya, kung kanino siya dumanas ng matinding pahirap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang ilan sa kanila ay nagkaroon ng posisyon sa gobyerno. Ewan ko kung nakahanda siyang ilahad ito lahat, o kung ibabahagi niya ito sa mga susunod na pelikulang ididirek niya.

Abangan natin, at bongga ang pasabog ni Direk Joel kaugnay rito.

NOEL FERRER

Pero ang balita rin namin ay may financier na si Direk Joel sa kanyang passion project na pelikulang pantapat niya sa Maid In Malacañang.

Hihintayin na lang natin ito; at sana nga, it’ll be produced and executed as he envisioned it to be.

Para rin sulit ang kanyang effort at adhikain, lalo na sa panahon ngayon!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tandang-tanda pa ni Direk Joel Lamangan ang shower scene ng mga kaeksena niya sa isang pelikula: "Hubo’t hubad na silang lahat. Ako, naka-brief pa, nag-aalangang lumapit sa kanila. Sinigawan ako ni pogi, 'Halika na! Alam naman naming bakla ka!' Kaya ayun, join ako sa kanila!"
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results