Vic Sotto at Pauleen Luna, kunin kayang principal sponsors sa kasal nina Maja-Rambo at Maine-Arjo?

by PEP Troika
Aug 31, 2022
maja rambo, maine arjo, vic pauleen
Pauleen Luna, wife of Vic Sotto, on engagements of Eat Bulaga Dabarkads Maja Salvador and Maine Mendoza to Rambo Nunez and Arjo Atayde, respectively: “Ayaw naman nating ma-pressure sila. ‘Ay, kailangan natin silang bigyan ng papel!’ Hindi naman. But, you know, nandito naman kami palagi, always."
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Nakatsikahan namin si Pauleen Luna sa aming radio program sa DZRH nung nakaraang Martes, August 30, 2022.

Nagsisimula na silang mag-promote ng show nila ng mister niyang si Vic Sotto at anak nilang Tali sa Net 25, ang Love, Bosleng and Tali, na magpa-pilot na sa Setyembre 4, Linggo, ng 6:00 p.m.

Read: Net 25 sitcom nina Vic Sotto, Pauleen Luna at Tali, kasado na

Ang dami naming pinag-usapan tungkol sa anak nilang si Tali, na excited sa partisipasyon sa naturang show.

Pero tungkol muna sa mga Dabarkads ni Pauleen sa Eat Bulaga! ang unang tsika ng PEP Troika dahil curious kami kung nagsisimula na ba ng wedding plans ang mga bagong engaged na sina Maja Salvador at Rambo Nuñez, pati ang kae-engage lang na sina Congressman Arjo Atayde at Maine Mendoza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Alam mo, wala pa. Si Maja, siguro nahihiya kasi bago,” bulalas ni Pauleen nang tinanong namin kung kinausap na ba silang maging bahagi ng entourage, o magni-ninong ba si Bossing Vic.

“Si Maine naman, well, this was as of last week yata or two weeks, hindi pa daw sila nag-i-start mag-plan.

“Parang ini-enjoy niya muna na parang newly engaged sila, ganun.”

Kung meron mang pinaplano, naiintindihan namin si Pauleen kung hindi siya magkukuwento dahil hindi naman dapat sa kanya manggagaling. Pero wala pa raw talaga, pagdidiin niya.

Hindi naman daw sila nagprisinta na maging bahagi ng entourage. Malamang na kukunin nilang ninong si Bossing Vic, di ba?

“Ayaw naman nating ma-pressure sila. ‘Ay, kailangan natin silang bigyan ng papel!’ Hindi naman.

“But, you know, nandito naman kami palagi, always.

“Si Maja ang tagal-tagal ko nang kasama yun. Nagsimula pa lang kami sa ABS, magkasama na kami.

"So, we’ve known for each other for a long long time," dagdag na pahayag ni Pauleen.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JERRY OLEA

Bahagi pa rin ba si Alden Richards ng Dabarkads ng Eat Bulaga?

Tugon ni Pauleen, "Miss naman namin si Alden. Busy siya, e. Siyempre, miss namin siya."

Inaasahan bang babalik si Alden sa EB pag magsimula na itong mag-promote ng Start-Up Ph?

“Alam mo, totoo naman, once a Dabarkads, always a Dabarkads. The doors, I’m sure are always open,” sabi ni Pauleen.

NOEL FERRER

Tama yun. Once a Dabarkads, always a Dabarkads.

At hindi naman maitatanggi na sa buong career ni Alden, walang ibang programa sa TV na sinalihan niya na nagbigay sa kanya ng mass base at kung anong meron siya ngayon kundi ang Eat Bulaga.

Sinubukan na lahat ng kumbinasyon at formats, pinag-host siya ng game show, talent show at musical variety show—kabilang pa ang maraming teleserye—pero nakakaangat pa rin lagi ang naiambag ng Eat Bulaga! sa kanya at doon naging household name ang Alden Richards.

Sana nga, balikan niya pa rin yun. Kasi, mukhang nandun ang kanyang suwerte at balwarte.

Kina Poleng, Bossing Vic, at Tali naman, good luck sa bagong show, ha!!!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pauleen Luna, wife of Vic Sotto, on engagements of Eat Bulaga Dabarkads Maja Salvador and Maine Mendoza to Rambo Nunez and Arjo Atayde, respectively: “Ayaw naman nating ma-pressure sila. ‘Ay, kailangan natin silang bigyan ng papel!’ Hindi naman. But, you know, nandito naman kami palagi, always."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results