Watch Now

Carmina Villarroel, nagsalita tungkol sa beach getaway nina Cassy at Darren

by PEP Troika
Sep 1, 2022
Carmina Villarroel, Darren Espanto, Cassy Legaspi
Carmina Villarroel on real score between daughter Cassy Legaspi and Kapamilya singer Darren Espanto: "They’re like best of friends. May mga events, they always go out together, they hang out together, and doon masaya na ako. Kasi alam mong safe sila sa isa’t isa. Kasi magkabarkada sila e. So, kung hihigit pa dun, ayoko muna, huwag nating pangunahan."
PHOTO/S: Sany Chua / @cassy Instagram

GORGY RULA

Magkaibigan lang daw talaga sina Cassy Legaspi at Darren Espanto.

Iyan ang tiniyak sa amin ni Carmina Villarroel nang nakapanayam namin sa mediacon ng Abot Kamay Na Pangarap, ang bagong afternoon drama ng GMA-7.

Nilinaw ng PEP Troika kay Carmina kung sina Darren at Cassy lang ba ang magkasamang nagbakasyon sa Nasugbu, Batangas.

"May kasama naman sila,” bulalas ni Carmina. “Kasi si Darren kaibigan nung kambal, e, hindi lang si Cassy.

"They’re very close to each other. Pati kay Mavy, parang isang grupo lang sila.

"Ang maganda kasi kay Darren, pumupunta sa bahay, kaya kilala namin ni Zoren.

"Mabait na bata si Darren. Very respectful,” dagdag niyang pahayag.

Sinundan namin ng tanong kung wala bang nangyaring ligawan.

"Wala talaga!" pakli ng Kapuso actress.

Patuloy niya: "Marami ang hindi naniniwala, pero yun talaga yung totoo. Ayokong magsinungaling, di ba?

"Basta yung alam ko lang, they’re very, very close. They’re like best of friends.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"May mga events, they always go out together, they hang out together, and doon masaya na ako. Kasi alam mong safe sila sa isa’t isa. Kasi magkabarkada sila, e.

"So, kung hihigit pa dun, ayoko muna, huwag nating pangunahan. Basta ang sa ngayon, maligaya sila sa ganung set-up."

Alam daw ni Carmina ang prayoridad ng anak.

"At saka si Cassy kasi, palaging sinasabi sa akin na wala sa isip niya yung love life-love life.

"Kasi talagang gusto niya mag-concentrate sa pag-aaral niya at saka dito sa kanyang career," sabi pa ni Carmina.

Sa September 5, 2022, Lunes, pagkatapos ng Eat Bulaga, magsisimula ang Abot Kamay na Pangarap.

Kasama niya rito sina Jillian Ward, Richard Yap, Andre Paras, at ang bagong Kapuso na si Dominic Ochoa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Nagtitiwala sina Carmina at Zoren sa kanilang kambal. Kaya hindi raw naghihigpit si Carmina sa kanyang mga anak.

Kagaya nitong lumalabas sina Cassy at Darren, gusto raw niyang i-enjoy lang nila ang kanilang kabataan.

"Kasi pinagdaanan ko ‘yan, e. So, gusto kong ma-enjoy nila yung kanilang kabataan kumbaga. Pero it’s all clean fun," lahad ni Carmina.

"I always tell my kids that I trust them. I really trust them.

"And yun lang na huwag lang sana nilang sirain. Kasi pinagkakatiwalaan ko sila, at yun ang importante, e. Gusto ko maging masaya lang ang mga bata."

NOEL FERRER

Masaya lang daw si Carmina sa kanyang kambal, dahil okay ang kanilang career at hindi raw pinababayaan ang kanilang pag-aaral.

Kaya nakikita niyang unti-unti na niyang maaabot ang pangarap para sa kanyang mga anak.

"Ako, lagi ko naman sinasabi, kung anuman gusto mong marating sa buhay, susuportahan ko sila. Basta ang lagi ko na lang sinasabi sa kanila na huwag lang nilang kalimutan ang kanilang pag-aaral.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, ngayon naman na nasa college na sila, mas flexible. Hindi naman nila nakakalimutan yun kahit nasa showbiz man sila. Hindi pa rin nila nakakalimutan mag-aral.

"Sa ngayon, unti-unti naaabot na nila nang slight. So, nandito lang kami ni Zoren para suportahan sila, at i-guide sila."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carmina Villarroel on real score between daughter Cassy Legaspi and Kapamilya singer Darren Espanto: "They’re like best of friends. May mga events, they always go out together, they hang out together, and doon masaya na ako. Kasi alam mong safe sila sa isa’t isa. Kasi magkabarkada sila e. So, kung hihigit pa dun, ayoko muna, huwag nating pangunahan."
PHOTO/S: Sany Chua / @cassy Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results