Watch Now

Jillian Ward, pa-level up na bilang serious character actress

by PEP Troika
Sep 4, 2022
Jillian Ward
Jillian Ward, unti-unti nang nahuhubog bilang mature at serious character actress. Kahit hindi siya dumaan sa love team, inamin niyang mas challenging para sa kanya ang solo character roles. Aniya, “Siguro po, sanay na rin talaga ako na character role ang binibigay sa akin."

GORGY RULA

Ibang-iba ang career path na gustong tahakin ni Jillian Ward kumpara sa mga kasamahan niya sa Prima Donnas na sina Sofia Pablo, Althea Ablan at Elijah Alejo.

Ayon kay Jillian, mas gusto ng GMA-7 na mag-solo siya, na walang ka-love team.

“Halos solo po ako palagi, e. Never po ako nagkaroon ng talagang love team na love team,” pakli ni Jillian sa nakaraang mediacon ng Abot Kamay Na Pangarap.

“Ako po, kahit ano po ang ibigay sa akin ng GMA, nagtitiwala po talaga ako sa kanila.

“Sa ngayon po, more on solo po talaga ang gusto nila para sa akin,” dagdag niyang pahayag.

Maganda ang pagtanggap ng mga fans sa loveteam nina Sofia Pablo at Allen Ansay.

Pero si Jillian ay mukhang unti-unti nang nahuhubog bilang seryosong actress, lalo na medyo matured na ang role na gagampanan niya sa bagong afternoon drama niyang Abot Kamay Na Pangarap.

Jillian Ward

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ito ng mag-inang gagampanan nila ni Carmina Villaroel.

Naging doktor siya sa kuwento, at wala siyang love interest dito kahit may anggulong nagkakagusto siya rito sa kapwa doktor na ginagampanan ni Andre Paras at nagkakagusto naman sa kanya ang baguhang aktor na si Jeff Moses.

“Siguro po, sanay na rin talaga ako na character role ang binibigay sa akin. Saka itong show po na ito, parang more on po talaga sa pagiging doctor ko po at saka yung sa relationship po namin ni Nanay Luna.

“Ako naman po, kahit anong ibigay sa akin ng GMA. Pero siguro po talaga bilang doctor po dito, wala pong time si Annalyn na mag-lovelife,” saad ni Jillian.

Noon pang panahon ng Prima Donnas ay naiintriga siyang hindi ganung ka-close sa mga kasamahan niya sa serye.

Okay naman daw sila, ayon sa young actress.

Nagkikita raw sila paminsan-minsan para mag-bonding.

Giit niya, “Okay po kami lahat, at saka po pati po sa production po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kahit si Direk Gina [Alajar], mini-message ko pa rin po siya. Kasi, three years na po kaming magkakasama.

“Yung bond po talaga namin, parang hindi na po talaga mawawarak.”

Sa Lunes, September 5, magsisimula ang Abot Kamay Na Pangarap, pagkatapos ng Eat Bulaga.

Ito rin ang first project ni Dominic Ochoa sa Kapuso network.

JERRY OLEA

Hindi idinetalye ni Jillian kung gaano sila ka-okay ng mga kapwa Prima Donnas na sina Sofia at Althea.

Pero masaya raw siya sa kani-kanyang loveteam at willing daw siyang sumuporta kung kinakailangan.

“Yes, of course po. Saka lahat naman po sila, sinusuportahan ko po,” sabi ni Jillian.

“May times po minsan na pinag-pray ko po sila na maging successful po talaga lahat ng nasa Prima Donnas at alam po nila yun.

“And I’m so happy din po dahil meron po silang mga projects nila ngayon. And gumagaling po sila lalo.”

NOEL FERRER

Dati, child wonder din ang turing kay Jillian Ward.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayon, lumalaki na siya—dalaga na sa paningin ng mga tao, inaasahang mag-bloom na sa isang malaking star ng kanyang henerasyon.

At least, nahahasa sila with all the assignments given to them.

Sa dami na ng mga artistang nasa GMA, sana ay hindi nila makalimutang i-build up si Jillian Ward.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jillian Ward, unti-unti nang nahuhubog bilang mature at serious character actress. Kahit hindi siya dumaan sa love team, inamin niyang mas challenging para sa kanya ang solo character roles. Aniya, “Siguro po, sanay na rin talaga ako na character role ang binibigay sa akin."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results