Watch Now

First two episodes ng Running Man Philippines, umariba agad sa ratings

Sep 5, 2022
running man philippines
The cast of Running Man Philippines do the flying chair challenge.
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Tama ang sinabi ni Mikael Daez na tila wala sa bokabularyo ni Ruru Madrid ang salitang “chill.”

Talagang kinarir ni Ruru ang pagsali sa Running Man Philippines!

Sa pilot episode nito noong nakaraang Sabado, September 3, 2022, ang bida ng Lolong ang unang nakakuha ng R badge ng Running Man. Talaga namang intense siya rito kaya siya ang unang nakatapos ng unang mission na ipinagawa.

Maganda naman ang ratings ng pilot episode ng Running Man nung Sabado, dahil naka-14.1% ito, at 4.3% naman ang Idol Philippines.

Maaaring nagustuhan ng mga manonood ang kanilang napanood, kaya nang sumunod na araw ay naka-14.4% ang Running Man, at 3.3% ang Idol Philippines.

running man ratings

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang suwerte nga ni Ruru dahil talagang umaariba ang rating ng mga programa niya. Lalong tumaas ang Lolong nitong nakaraang weekend.

Noong Biyernes, September 2, ay humataw sa 18.3% ang Lolong, at 9% naman ang katapat nitong Darna.

Marami ang nagsasabing dapat na pahabain pa ito, at dapat i-extend pa ang kuwento ni Lolong at ng kaibigan niyang si Dakila.

Pero natapos na raw nila ang taping nito kaya kasado na ang ending nito.

Sabi ni Ruru, wala pang nakakarating na instruction na mai-extend ang Lolong. Sa ngayon ay naka-focus sila sa buong kuwento nito hanggang ending na nakunan na.

Ani Ruru, “Sa totoo lang, hindi po namin ini-expect na ganun po ang pagtanggap ng mga tao.

“Nakakatuwa yung mga bata na nagsi-send pa po sa akin ng mga videos na ginagaya nila si Lolong.

“Sobrang sarap lang po sa puso kasi ang sarap na nakakapagbigay ka ng kasiyahan lalung-lalo na po sa mga kabataan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tungkol po dun sa extension, natapos na po namin siya nung March. Talagang kung saan po siya abutin, hanggang dun na lang po.

“Hopefully po ay makatrabaho ko po ulit ang mga kasama ko sa project na yun. Sobrang nasayahan po talaga ako. Kaya maraming maraming salamat po sa lahat po ng suporta.”

NOEL FERRER

Maliban kay Ruru Madrid na ratsada sa Lolong at Running Man Philippines, ariba rin si Dingdong Dantes sa Family Feud at Amazing Earth.

In-announce na ng Family Feud na hanggang December ng taong ito na lamang ang naturang game show. Na-extend na nga ito ng isa pang season. Pero hanggang doon na lang ang kontrata nila sa Freemantle.

Lalo pang umaarangkada ang rating ng Family Feud.

Noong nakaraang Biyernes, September 2, kung saan ay naglaro ang Binibini Beauties versus Female Vocalists, nakapagtala ito ng pinakamataas na rating sa buong season—13.5% ito.

Kaya ang laking challenge sa programang ipapalit sa timeslot na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Totoo kayang ang Wattpad Webnovel na Luv is: Caught in His Arms ang ipapalit sa Family Feud?

O back to the very cost efficient choice: ang Dapat Alam Mo! mula sa News and Public Affairs Department?

JERRY OLEA

Naglagablab nang lubos ang huling dalawang episodes ng Kapuso afternoon drama series na Apoy sa Langit.

Noong Setyembre 2, Biyernes ay naka-9.2% ito, at ang finale episode noong Seryembre 3, Sabado, ay naka-10%.

apoy sa langit ratings

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang pumalit dito simula ngayong Setyembre 5, Lunes, ay Abot Kamay Na Pangarap nina Carmina Villarroel at Jillian Ward.

Noon ding Sabado ay naka-14% ang 24 Oras Weekend, kontra sa 2.4% ng TV Patrol Weekend.

Samantala, ang Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ay naka-13%.

Noong Setyembre 4, Linggo, ay naka-3.4% ang All Out Sundays 3.4, kontra sa 2.7% ng ASAP Natin ‘To.

Naka-3.4% ang GMA Blockbusters, kontra sa 3.2% ng FPJ Da King.

Bumagsak ang pader?!

Mula sa 4.1% na rating ng pilot episode, naka-3.4% na lamang ang The Wall Philippines ni Billy Crawford, samantalang naka-3.9% ang Regal Studio Presents, at naka-5.8% ang Amazing Earth.

Naka-13.1% ang 24 Oras Weekend, kontra sa 2% ng TV Patrol Weekend.

Naka-11.9% ang Happy ToGetHer, samantalang 3.3% ang Idol Philippines.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The cast of Running Man Philippines do the flying chair challenge.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results