Watch Now

Ruru Madrid at Bianca Umali, kailangan pa bang umamin?

by PEP Troika
Sep 11, 2022
Ruru Madrid
Bianca Umali
Kailangan pa bang aminin nina Ruru Madrid at Bianca Umali ang tunay na estado ng kanilang relasyon? Sagot ni Bianca, "We are very open sa mga tao na makita kung paano talaga kami. Wala kaming inaamin, at wala rin kaming tinatago. Basta happy kami.” (Photo: Jerry Olea)

JERRY OLEA

Solo flight si Bianca Umali sa GMA Thanksgiving Ball noong Hulyo 30, 2022 sa Shangri-La The Fort, BGC, Taguig City.

Ang kasintahan kasi niyang si Ruru Madrid ay nasa South Korea noon para sa taping ng Running Man Philippines.

Sa unang mall show ni Bianca para sa Beautederm nitong Setyembre 11, Linggo, sa Ayala Malls Cloverleaf, bakas ang kaligayahan sa kanyang mukha.

Napakainit ng pagtanggap sa kanya ng fans. Matapos umawit ni Bianca, ipinakilala niya ang huling celebrity sa naturang mall show.

Sakdal tamis ang ngiti ni Bianca sa pag-intro, “Eto ang talagang may-ari ng puso ko… palaging sumusundo sa akin… ang nag-iisang lalaki sa buhay ko…

“Let us all welcome Lolong, Ruru Madrid!”

Ruru Madrid
Bianca Umali

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi magkamayaw ang fans sa paghiyaw, at kilig na kilig maging ang CEO ng Beautederm na si Ms. Rei Anicoche Tan.

GORGY RULA

Ang safe pa rin ng sagot ng magkasintahan sa PEP Troika kahit nakikita namang ang saya nilang dalawa na naipapahayag na nila sa publiko ang nararamdaman nila sa isa’t isa.

Sabi ni Bianca, “We are very open sa mga tao na makita kung paano talaga kami. Wala kaming inaamin, at wala rin kaming tinatago.

“Basta happy kami.”

“Wala. Ganun pa rin tito,” bawi naman ni Ruru.

“Siya naman ang nag-iisang babae sa puso ko e,” sagot niya sa pahayag sa kanya ni Bianca.

Bianca Umali
Ruru Madrid

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinubukan pa rin naming uriratin kung kailan ba nila sini-celebrate ang kanilang anniversary.

“Everyday! Hahaha!” natatawang sagot ni Ruru.

“Walang exact date, kasi para sa akin, special day yung araw-araw sa aming dalawa.

“Nakakatuwa po kasi, siyempre sa mga tao,”dagdag na pahayag ng bida ng Lolong.

JERRY OLEA

Inalalayan muna ni Ruru si Bianca sa may babaan ng stage bago siya nag-perform sa mall show.

Pagkatapos ng song numbers ni Ruru ay tinawag sa stage ang iba pang ambassadors para sa meet-and-greet with the fans.

Sinalubong ni Ruru si Bianca at si Ms. Rei, at inalalayan paakyat sa entablado.

Siyempre pa, magkatabi na ang magkasintahan sa meet-and-greet, kung saan present din sina Zeinab Harake, Jelai Andres, Buboy Villar, JC Santos, Boobay at DJ Chacha.

NOEL FERRER

From the start, people know that I love Ruru Madrid and Bianca Umali.

Hindi man sila umaamin o kahit na hindi sila nagpapadala sa pambubuyo sa kanila, sapat na ang magandang pagtitinginan ng dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana malaman ng ibang fans at artista na nagiging relationship goals sila ng kanilang fandom.

Just do what you have to do!!! Sana, isang project together, bukod sa marami pang endorsements.

I think with the public declaration of love, puwede nang mag-Level Up ang relasyon nina Ruru at Bianca.

Ano sa tingin ninyo—a teleserye together, or more projects together and more endorsements?

More and more of Ruru and Bianca, please!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kailangan pa bang aminin nina Ruru Madrid at Bianca Umali ang tunay na estado ng kanilang relasyon? Sagot ni Bianca, "We are very open sa mga tao na makita kung paano talaga kami. Wala kaming inaamin, at wala rin kaming tinatago. Basta happy kami.” (Photo: Jerry Olea)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results