Watch Now

Zeinab Harake, masaya sa kanyang bagong low-key relationship

by PEP Troika
Sep 12, 2022
zeinab harake dancing
Zeinab Harake on what she learned from previous relationship: “Hindi na puwedeng all-out na tayo ngayon. Ngayon, mas pinipili ko na dapat, give and take... Kasi ako po yung klase ng tao na madalas na… giver kasi ako, e. Sa kaka-give ko nang kaka-give, hindi ko namamalayan na wala na pala akong nare-receive. Ubos na pala ako.”
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA

Masaya na ang sikat na social media influencer na si Zeinab Harake sa kanyang bagong love life.

Hindi raw celebrity ang bago niyang karelasyon. Mas gusto raw nilang pribado ang kanilang relasyon, pero hindi naman nila itinatago.

Ang huling nakarelasyon ni Zeinab ay ang rapper na si Skusta Clee.

Read: Did Zeinab Harake take a swipe at ex-partner Skusta Clee?

Sa grand opening mall show ng Beautederm sa Ayala Malls Cloverleaf nitong Linggo, September 11, sinabi ni Zeinab na kasama niya ang kanyang bagong boyfriend, pero hindi naman namin matiyak kung sino roon sa dami ng kanyang kasama.

“Okay lang naman na malaman ng kahit na sino, e. Okay lang na private, pero hindi mo itinatago,” pakli ni Zeinab sa press launch.

“Okay na ako sa ganung set-up, e. Kasi, ang hirap ng lahat nilalantad mo sa media. Ang daming nakikisawsaw, ang daming comments. Ang hindi yun naging okay sa mental health ko before.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, natuto na ako ngayon. Low-key but not private po. Okay na ako nun.”

Sobrang na-trauma raw siya sa nakaraang relasyon, pero ang dami niyang natutunan, at nadadala niya ito sa bago niyang relasyon.

Saad ni Zeinab, “Hindi na puwedeng all-out na tayo ngayon. Ngayon, mas pinipili ko na dapat, give and take.

"Natutunan ko na yung salitang give and take, kasi ako po yung klase ng tao na madalas na… giver kasi ako, e.

“Sa kaka-give ko nang kaka-give, hindi ko namamalayan na wala na pala akong nare-receive. Ubos na pala ako.”

Heto pa ang isa niyang na-realize pagkatapos ng masalimuot niyang relasyon sa ama ng kanyang anak: “Dapat marunong kang mag-balance sa time mo sa work, sa time mo sa sarili mo. Time mo sa love life, sa anak mo. Dapat ma-balance mo at ma-manage mo nang sabay-sabay.

“Kasi dati, parang buong araw ko, dun ako naka-focus, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi na raw siya umaasa ng suporta mula sa dating karelasyon. Kaya naman daw niyang palakihin ang kanyang anak.

Wala raw siyang balak na ipakilala pa ang anak sa kanyang ama. Tuluyan na niyang binura si Skusta Clee sa pagkatao ng kanyang anak.

“Kaya ko naman po. Hindi naman po ako nangangailangan. Yung baby ko, baby ko lang po yun. Akin lang po yun.

“Mommy Daddy niya ako, okay na ako dun. Proud ako na sinasabi ko yun. Ma Pa nga ang tawag niya, e,” sabi ng 23-anyos na socmed influencer.

NOEL FERRER

Ang dami-dami nang mga social media influencer ngayon. Parang lahat na lang, puwedeng maging star or influencer at sikat!

Pero ang laging itinatanong: saan ba ang kahusayan mo? Paano ito makakatulong sa pagpapaunlad ng sining at media? Para kanino mo ginagawa ito?

Sana, masagot ito ni Zeinab na ang mga sagot ay talaga namang lampas sa kanyang pansarili. Good luck!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Magkakaibigan ang DoLaiNab — Donnalyn Bartolome, Jelai Andres, at Zeinab Harake.

Sabi ni Zeinab sa mediacon noong Friday afternoon sa Luxent Hotel, Quezon City, wala silang rivalry o competition, bagkus ay nagtutulungan sila at nagsusuportahan.

Pero sa mall show nitong September 11, Sunday, sa Ayala Malls Cloverleaf, mas malakas ang hiyawan ng fans kay Zeinab kesa kay Jelai.

Mas makabasag-eardrum, kahit pa may collab si Jelai na maharot na dance number with Buboy Villar.

jelai buboy dancing

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga nagsasabi nga na mas malakas pa ang sigawan ng fans kay Zeinab kesa kay Ruru Madrid o Bianca Umali.

Si Jelai ay nag-aartista na rin. Kasama siya sa pelikulang The Revelation na bida sina Aljur Abrenica, Ana Jalandoni, at Vin Abrenica, sa direksyon ni Ray An Dulay.

Tampok din sina Jelai at Buboy sa grand opening ng isang store ng local beauty brand on September 16, Friday afternoon, sa UNP Town Center, Tamag, Vigan City, Ilocos Sur.

Waley roon si Zeinab. Sa halip, magpapasaya rin doon sina Lorna Tolentino, Ejay Falcon, Jana Roxas, at ang BeauteHaus endorsers na sina Beauty Gonzalez at JC Santos.

Ewan kung sasang-ayon ang CEO ng company na si Ms. Rei Anicoche Tan sa pananaw namin na mas approachable at mas machika si Zeinab kesa kay Jelai.

Noong December 18, 2021 na i-launch si Jelai sa Annabel’s bilang endorser ng nasabing beauty brand ay tila nahihiya pa siyang chumika sa press people. Ganundin sa storycon ng The Revelation noong Mayo 11.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sa launch ni Zeinab bilang brand ambassador last Friday sa Luxent Hotel, bonggang-bongga ang mga chika at revelation niya.

“Sobrang bago ko lang po sa industry, like hindi po talaga ako artista. Hindi ako anything. Isa lang po akong nagbi-video,” mapagkumbabang lahad ni Zeinab nang usisain kung ano ang nararamdaman niya na kinuha siyang endorser.

“Na hindi ko alam, bakit ako umabot ng ganun karaming supporters at taong nagmamahal sa akin. Pero ngayon, parang binubuksan ko na yung next chapter ng life ko na kailangan nating sumubok ng mga bago, and eto, eto yung parang biggest.

“Sa lahat po ng naging work ko and everything, sa Beautederm yung parang pinaka… sobrang saya, kasi first time.

“Eto pong media na ito, ito pong presscon na ito, sobrang first time lang sa akin nito lahat.

“And bago ako dito pero kailangan at gagawin ko talaga lahat ng best ko, at yung feelings ko talaga ngayon, sobrang saya! Sobra. Paulit-ulit kong sasabihin, sobrang saya! At hindi ko ito pababayaan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

13M ang subscribers ni Zeinab sa YouTube, 14.4M fans sa Tiktok, 12M followers sa Facebook page, at 4.9M naman sa Instagram.

Looking forward si Zeinab na makahalubilo at maka-bonding ang iba pang celebrities sa hanay ng 78 ambassadors ng nasabing skincare product.

Napapabungisngis na pagsisiwalat ni Zeinab, “Number one nga na sinabi ko kay Mommy Rei, meron akong crush sa Beautederm family. Eto talaga po, as in! Kung ano po yung arte ko ngayon, feeling ko, dito ko lang masasabi…

“Ate Yan. Si Ate Yan talaga, Ate Marian Rivera. Nine years old pa lang ako, siya yung pine-peg ko sa ngiti ko, sa galaw ko. Loding-lodi! So ayun, si Ate Yan...”

Hirit pa ni Zeinab, naglulupasay siya nang i-follow siya ni Marian sa Instagram.

“Napa-tweet din ako. Sabi ko, binuo ni Ate Yan ang araw ko. Morning kasi yun nung finollow back niya ako. So, paggising ko, para talaga akong mangisay-ngisay!” natatawang bulalas ni Zeinab.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibinuking ni Ms. Rei na crush din ni Zeinab si Piolo Pascual.

“Ay, si Piolo! Hindi, kasi nahiya ako. Si Sir Piolo, nag-comment siya dun sa isang Tikok video ko. Nag-comment talaga siya, ‘Arat na.’ E, signature ko po yung ‘arat na’ sa YT channel ko,” kininilig na sambit ni Zeinab.

“Nung nag-comment siya ng ‘arat na,’ kilig na kilig ako. Sabi ko, ‘Mommy Rei!’ Sakto, nag-shoot tayo ng Beautederm nun. Pagsasamahin daw niya kami ni Piolo.

“So, yun po ang nilu-look forward ko na makasama sa mga magiging work ko dito.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Zeinab Harake on what she learned from previous relationship: “Hindi na puwedeng all-out na tayo ngayon. Ngayon, mas pinipili ko na dapat, give and take... Kasi ako po yung klase ng tao na madalas na… giver kasi ako, e. Sa kaka-give ko nang kaka-give, hindi ko namamalayan na wala na pala akong nare-receive. Ubos na pala ako.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results