Expensive Candy nina Julia Barretto at Carlo Aquino, magkano ang kinita sa box office?

by PEP Troika
Sep 16, 2022
Expensive Candy, Julia Barretto
Ayon sa reliable source ng PEP Troika, ang first-day gross ng Expensive Candy ay umabot lamang ng P1.2M. Pinagbibidahan ito nina Julia Barretto at Carlo Aquino.
PHOTO/S: Expensive Candy

GORGY RULA

Hindi maganda ang resulta sa box office ng pelikulang Expensive Candy nina Julia Barretto at Carlo Aquino.

Ayon sa reliable source na napagtanungan ng PEP Troika, naka-PHP1.2M lang ang Expensive Candy sa opening day nito nung Miyerkules, September 14, 2022.

Bahagya itong bumaba nung Huwebes, September 15, na naka-PHP1.05M.

Hindi lang namin nabilang kung ilang sinehan ipinapalabas ang pelikula nina Julia at Carlo nationwide, pero inaasahang mababawasan na ito dahil hindi pa rin pumapalo sa takilya. May ilang sinehan nga raw ng Expensive Candy na dadalawa lang ang nanonood.

Susubukan naming mapanood ito dahil si Direk Jason Paul Laxamana naman ang direktor, saka mukhang ibang-iba rito si Julia, at ang lakas ng dating ni Carlo.

May nakasabay itong foreign films na nag-showing, pero hindi rin pumalo ang mga iyon sa takilya.

Sana, makabawi pa ito sa weekend dahil inaasahan na ang unti-unting pagbangon ng ating movie industry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

So, ano kaya ang ibig sabihin ng artcard na na post na #1 Movie In The Philippines ang Expensive Candy?

Inilabas ng Viva Films ang nasabing artcard noong Huwebes ng umaga.

Expensive Candy

JERRY OLEA

Apat na banyagang pelikula ang kasabayan ng Expensive Candy na nagbukas sa mga sinehan noong Miyerkules. Ang mga ito ay ang De Influencer, Enchanted Sisters, Three Thousand Years of Longing, at Where The Crawdads Sing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kumusta kamo ang world-wide gross ng mga ito?

Ayon sa Box Office Mojo, ang Where The Crawdads Sing ay humamig na ng $122.8M. Ang Three Thousand Years of Longing ay naka-$12.9M na. Ang Enchanted Sisters ay originally titled Four Enchanted Sisters, at noong 2020 pa inilabas. Naka-$1.5M ang pelikulang ito na nasa online streaming na. Ang digital release (VOD, video-on-demand) ng De Influencer ay nakatakda sa Oktubre 1.

Siyanga pala, iyong My Perfect You nina Gerald Anderson at Pia Wurtzbach ay ikalima pa rin sa Top 10 Movies ng Netflix Philippines.

Iyon namang teleseryeng Start-Up PH nina Bea Alonzo at Alden Richards ay may cinema preview bukas, Setyembre 17, Sabado ng 5:00 p.m., sa Robinsons Movieworld Galleria.

Siyanga pala, ang Expensive Candy ay iprinodyus ng Viva Films na siya ring producer ng Maid in Malacañang. Viva rin ang producer ng Always nina Kim Chiu at Xian Lim na sa Setyembre 28 nakatakdang ipalabas sa mga sinehan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Kim ang unang ka-love team ni Gerald, remember? Abang-abang tayo kung mas malakas ba ang Always ni Kim kesa sa Expensive Candy ni Julia.

Sa Oktubre 12 naman ipapalabas ng Viva sa mga sinehan ang pelikulang May-December-January na bida sina Gold Aceron, Andrea del Rosario, at Kych Minemoto. Agosto 31 ang original playdate nito. Hopefully ay hindi na maurong ang pagpapalabas nito.

Patuloy na rumaratsada ang erotic movies at series sa Vivamax. Ngayong Setyembre 16, Biyernes, ay streaming na ang pelikulang The Escort Wife nina Janelle Tee, Raymond Bagatsing, at Ava Mendez, sa direksiyon ni Paul Basinillo.

Escort Wife

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Coming on September 23 ang sexy comedy na 5 in 1 sa direksiyon ni GB Sampedro, kung saan ang astig na “1” ay ang Dick ni Wilbert Ross. Ang “5” na sabik na sabik kay Dick ay sina Maria Osaka (Ava Mendez), kinky Lexie Laurice (Rose Van Ginkel), Mia Kalisa (Debbie Garcia), Riley Red (Angela Morena), at sweet Lana Rose (Jela Cuenca).

Wilbert Ross in 5 in 1

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magpapainit sa katapusan, Setyembre 30, ang Girl Friday nina Angeli Khang, Jay Manalo, at Jela Cuenca, sa direksiyon ni Joel Lamangan. Iyong hairstyle dito ni Angeli ay inspired kay Madam Imelda R. Marcos.

Magpapasiklab sa Oktubre 7 ang sexy-action thriller nina Diego Loyzaga, Franki Russell, at Jela Cuenca na Pabuya, sa direksiyon ni Phillip Giordano.

Kasado na sa Oktubre 14 ang Relyebo nina Sean de Guzman, Christine Bermas, at Jela Cuenca, sa direksiyon ni Crisanto Aquino.

Opo! Back-to-back-to-back-to-back si Jela Cuenca sa Vivamax! Tampok si Jela sa apat na magkakasunod na mapangahas na pelikula ng Vivamax.

Jela Cuenca in Girl Friday

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabog si Ava Mendez na back-to-back lang sa The Escort Wife at 5 in 1.

Magwawakas ang seryeng Wag Mong Agawin Ang Akin nina Angeli Khang, Jamilla Obispo, Felix Roco, at Arron Villaflor sa Setyembre 18, Linggo.

Sa mga maghahanap kay Angeli, sa September 30 na nga yung movie niyang Girl Friday. This Friday ang streaming ng The Escort Wife movie ni Janelle. Iyung four-episode series niyang AN/NA ay sa Setyembre 25 naman magpa-pilot.

Janelle Tee on AN/NA

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala pang pelikulang naka-line up for Vivamax streaming on October 21. Pero naka-schedule na for October 28 ang Selina’s Gold nina Angeli Khang, Jay Manalo, at Gold Aceron. Iyong dynamics nina Angeli at Jay sa Girl Friday ay iba siyempre sa Selina’s Gold.

Teka… ano na ang nangyari sa pelikulang Babaylan na supposedly ay September 16 ang streaming?

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa reliable source ng PEP Troika, ang first-day gross ng Expensive Candy ay umabot lamang ng P1.2M. Pinagbibidahan ito nina Julia Barretto at Carlo Aquino.
PHOTO/S: Expensive Candy
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results