Watch Now

AMBS President Maribeth Tolentino, nilinaw na walang isyu sa pagitan ng ALLTV at ABS-CBN

by PEP Troika
Sep 17, 2022
maribeth tolentino printed blazer
AMBS President Maribeth Tolentino on the company's goal for LLTV: "Sa negosyo, lagi kaming may objective, di ba? May target. Of course, gusto rin naming maging number 1 eventually. Pero hindi 'yan overnight. Hindi 'yan biglaan. Hindi 'yan mabilis gawin. So, unti-unti, yung tinatanong mong how aggressive, gusto naming makalapit kay GMA para maganda ang negosyo mo."
PHOTO/S: AMBS

GORGY RULA

Kontrobersiyal ang pag-uumpisa ng ALLTV station ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS) na pag-aari ng mga Villar.

Read: Richest Pinoy Manny Villar takes over ABS-CBN channels: A Timeline

Andiyan ang isyu sa pulitika, considering na ang ABS-CBN ay pinagkaitan ng bagong prangkisa noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Read: ABS-CBN Corporation franchise renewal timeline

Nahirapan ba ang AMBS na panimulan ang operations ng ALLTV?

“Siguro mahirap lang in a sense na nakasabay kami sa kontrobersiya,” pahayag ng AMBS President na si Ms. Maribeth Tolentino sa virtual mediacon noong Setyembre 14, 2022, Miyerkules.

“May kontrobersiya sa industry, di ba? Nakasabay dun kaya medyo naghigpit nang konti ang NTC [National Telecommunications Commission].

“May mga bagong guidelines na ibinigay sa amin. Dun, kailangan nating sundin. Kasi, sila ang naggo-govern na ating industriya.

“More on that. Hindi naman siya yung napakahirap pero… ahh, nakasabay lang kami sa kontrobersiya.

“So, mainit ang industriya natin, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matapos mabigyan ng prangkisa ang AMBS, paano nila pinaghandaan ang soft launch ng ALLTV noong Setyembre 13, Martes?

Read: Willie Revillame at Toni Gonzaga, pinangunahan ang soft launch ng ALLTV

“The same as doing a new business, 'no? Meron kang kailangang i-acquire or investment para sa facilities,” salaysay ni Ms. Maribeth.

“After makuha namin yung franchise namin saka yung frequencies, bibili ka ng transmitter, bibili ka ng antenna.

“So, ginawa namin yun. Tapos kukuha ka ng permits sa dapat kuhanan ng permits, di ba? Merong MTRCB, merong NTC. Lahat 'yan, ginawa namin yung tamang proseso.

“Yung sinasabi ko kaninang kontrobersiya is more on naghihigpit lang sila dahil meron silang pinoprotektahan or meron silang gustong baguhing policy.

“Ganoon ang government kapag meron siyang gustong gawing bagong policy. So, affected kami nun.

“And then, yung pagbili ng mga transmitter, matagal din yun. Kasi, ini-import pa.

“So, hindi ka ganun kabilis na pagkakuha mo ng franchise or frequency, mag-o-on agad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So it will take siguro eight months to one year bago dumating ang mga equipment.

“So lahat, inisip naming mabuti, paano makapag-on agad? Paano makapag-ere agad ang ALLTV, kaya napunta kami sa mga collaboration.

“'Yan yung partnerships. For the news, di ba, yung news kasi, may system ka ring bibilhin. So, nagkarun muna kami ng collaboration for the news.

“And for the content… matagal din palang gumawa ng teleserye. So, nag-collaboration muna ang ALLTV with ABS-CBN, yung mga old teleserye nila.

“Yung content na iyon, iyon ang puwedeng ipalabas muna habang naggagawa ng bago.

“So, mga Korean drama. Parang kung makikita niyo, iyan yung mga immediate na puwedeng gawin. Hindi tayo maghihintay nang matagal.”

Ipinapalabas na ng ALLTV ang Kapamilya series na Ngayon at Kailanman (Agosto 2018-Enero 2019) nina Julia Barretto at Joshua Garcia, at Doble Kara (Agosto 2015-Pebrero 2017). Ibig sabihin, wala talagang hidwaan sa pagitan ng ALLTV at ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi naman kami ang kumuha sa kanila ng frequency, di ba? Ibinigay naman sa amin ng NTC yun,” sambit ni Ms. Maribeth.

“Dahil nung time na meron kaming franchise, sila naman yung nawalan ng franchise.

“So, yung time na gusto nilang kumuha ng frequency, na-award naman sa amin ng government yung frequency.

“Ganun lang ang nangyari. Bakit naman kami magkakaroon ng tampuhan sa isa’t isa?

“Business naman ito. They are selling contents. We are buying naman their contents. Parang ganun.

“Nagbebebenta siya, bumibili kami. Ganun lang ang nangyari.”

NOEL FERRER

Open ang ALLTV sa pakikipag-collaborate sa iba-ibang istasyon. Nauna sa CNN para sa newscast, sumunod ang ABS-CBN para sa mga teleserye sa afternoon slots.

“Hindi namin kinu-close yung door sa other partners. Kahit sino, puwedeng magbigay sa amin,” saad ni Ms. Maribeth.

Naudlot ang investment agreement sa pagitan ng TV5 at ABS-CBN. Magkaproblema kaya ang ALLTV sa pakikipag-collaborate sa Kapamilya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi naman namin ilalalagay yung network namin sa legal problems. Yung collaboration naman namin is just a licensing ng content,” pagdidiin ni Ms. Maribeth.

“Hindi naman siya nag-blocktime. Ang problema, yung mga bagba-blocktime. So, may guideline kasi ang NTC diyan, e, kung ilang percent ang puwede.

“So, licensing ng contents, hindi. So, lahat naman kaming networks, bumibili ng ganyan. Nagpapa-license.

“Korean drama, licensing din yun. So movies, licensing din yun. So, hindi yun bawal.”

Nag-guest ang ilang Viva stars sa soft launch ng ALLTV noong Setyembre 13, Martes. Ikinakasa na rin ba ang pakikipag-collab nila sa Viva company ni Boss Vic del Rosario?

“Magagaling kasi yung mga talents ni Boss Vic, di ba? Nauna lang kasi namin siyang nakausap,” tugon ni Ms. Maribeth.

“E, hindi naman puwedeng lahat kausapin namin na mga talent company.

“So, nauna namin siyang nakuha, kasi kilala namin yung mga stars niya saka magagaling din yung mga stars niya, kaya sila ang naging guest namin sa launching.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May niluluto na bang bagong TV show para sa Viva stars na sina Julia Barretto at Ella Cruz, o nag-guest lang sila sa soft launch?

“Nag-guest lang sila sa amin and hopefully, magkaroon din kami ng partnership with them, di ba, kapag meron na kaming shows para sa kanila,” paglilinaw ni Ms. Maribeth.

“Pero hindi naman namin sinasabi na hindi sila magiging part ng family. Puwede rin.” Again, katulad ng sabi natin lagi, sana magtagumpay ang ALLTV para maraming matutulungang magkatrabaho at SayaAll.

Related Articles:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Gaano na kalawak ang nararating ng ALLTV? Malakas ba ang signal nito sa mga lalawigan, partikular sa Kabisayaan at Mindanao?

“At present, we have reach in Visayas and Mindanao already, especially yung mga partners naming cable companies at saka yung satellite,” pagbabalita ni Ms. Maribeth.

“Nandiyan yung Cignal, partner namin ang GSAT. Cignal is 4 million na ang coverage all over Visayas, Mindanao, and Luzon.

“Luzon, Visayas, Mindanao ang coverage ng Cignal. And GSAT, ganun din. And other cable companies, kaka-sign lang namin ngayon ng partnership with Philippine Cable Group, no?

“So, lahat sila, magke-carry rin ng ALLTV. E, halos lahat naman ngayon ng tao, naka-cable, naka-satellite, di ba?

“Streaming naman, wala tayong problema. Nakakapag-streaming din kami.

“Ang free to air, iyan yung mga boxes at saka yung analog, di ba? So, meron na rin kaming analog dito sa Mega Manila.

“Mega Manila, composed of more than 50 percent na ng viewers natin iyan, e. So, yung probinsiya, maliliit na cable companies… yung analog nun, yun ang halos wala pa kami sa probinsiyang analog.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“But we address our provinces via satellite and digital. Meron tayong digital dun.”

Kumusta na ang kanilang marketing at pasok ng advertisers, considering na sa first quarter ng 2023 pa sila magpu-full blast?

“Yung mga advertisers naman, nakikita nila yung future ng company. Nakikita nila na magaganda yung shows,” pahayag ni Ms. Maribeth.

“So, tinitingnan lang nila kung ano yung timing dahil fourth quarter na, e. So, nagko-commit naman ang ibang mga advertisers sa amin.

“Also, meron kaming mga sister company na gusto ring magpa-ads. So, at least kilala na nila kami, hindi na nila kailangang mag-antay ng ratings, di ba?

“So, gustung-gusto nilang mag-ads. E, dati kasi, nag-a-ads kami sa ABS, sa GMA. Dahil meron na kaming sariling network, sa amin na sila mag-a-ads.

“Kaya yung pera muna nila ang panggastos namin hanggang end of the year.”

Anu-ano ang dapat abangan ng televiewers sa ALLTV?

“Ngayong mga panahong ito, kasi, ang ipinapalabas muna namin, talagang mga canned products, no,” tugon ni Ms. Maribeth.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Marami kaming mga Korean dramas na collaboration with Viu, bago ito. Bago ang Korean dramas na mga ito.

“Hindi pa naipapalabas. Bagung-bago sa Korea. Kakatapos lang. So, baka dapat abangan nila yun.

“Siguro na-miss na nila yung dating teleserye. Ibinabalik din naman namin yun, 'no.

“So, Wowowin ni Willie Revillame. Yung bagong show ni Toni Gonzaga, abangan nila yun dahil kakaibang Toni na yung makikita nila. October 1 yun magsisimula.

“Ngayon, yung Toni Talks muna ang makikita. Si Willie naman, gustung-gusto nila dahil tumutulong sa kanila si Willie. So, abangan din nila yun araw-araw.

“Kung gusto nilang manalo, e, tutok lang sila kay Willie. Tapos, yung show ni Mariel Rodriguez, abangan din nila yun.

“Kasi, pagbabalik ni Mariel sa TV uli, di ba? Baka kailangan nilang makita ulit, gaano kagaling si Mariel. Kaya maraming aabangan.”

Kapuso ang GMA-7. Kapamilya ang ABS-CBN. Kapatid ang TV5. Ano naman ang itatawag sa ALLTV?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kami, ALLTV. Gusto lang naming makilala kaming ALLTV. Kasi talagang itong TV namin, para sa lahat, e!” bulalas ni Ms. Maribeth.

“So, kung ikaw ay Kapuso, Kapamilya, Kamag-anak, Kababayan… ano pa? Meron pang Kasintahan. Ano pa? Ka-Maritess.

“Lahat 'yan, kaya para madali, ALLTV na lang. Huwag na nating anuhin para maiba, di ba? Para maiba kami sa iba, ALLTV.”

Anong direksiyon ang tatahakin ng AMBS? Gaano kalaki ang suporta ni dating Senador Manny Villar sa ALLTV? More or less, magkano ang inilaan ni Senador Villar na gugugulin para sa TV network?

“Well, ang ALLTV kasi, we want everybody — Luzon, Visayas and Mindanao — makapanood ng magagandang palabas!” sambit ni Ms. Maribeth.

“Quality. Masaya. Para sa buong bansa. So, yun ang direksiyon namin.

“With regards naman sa commitment ni former Senator Manny Villar… all out!

“So, kung papaano mapapaganda ang istasyon, kung papaano makakabigay ng magandang programa, suportado kami ni Sir.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gaano kaagresibo ang ALLTV sa Game of TV Ratings? Sa ngayon ay namamayagpag nang husto ang GMA-7, at hilahod sa ratings ang ibang TV networks.

Sa pananaw nila, unti-unti bang lalapit sa ratings ng GMA ang ratings ng ALLTV? Papantay eventually, and hopefully, lampasan ang GMA in due time?

“Sa negosyo, lagi kaming may objective, di ba? May target,” pagtatapat ni Ms. Maribeth.

“Of course, gusto rin naming maging number 1 eventually. Pero hindi 'yan overnight. Hindi 'yan biglaan. Hindi 'yan mabilis gawin.

“So, unti-unti, yung tinatanong mong how aggressive, gusto naming makalapit kay GMA para maganda ang negosyo mo.

“Hindi ka naman papasok sa isang negosyo kung nandun ka lang sa baba, di ba? So, siguro, eventually lalapit kami…

“Puwede ring pumantay. Puwede ring lumampas! Di ba? Iyan naman aming boss, laging Number 1 ang alam na number!”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AMBS President Maribeth Tolentino on the company's goal for LLTV: "Sa negosyo, lagi kaming may objective, di ba? May target. Of course, gusto rin naming maging number 1 eventually. Pero hindi 'yan overnight. Hindi 'yan biglaan. Hindi 'yan mabilis gawin. So, unti-unti, yung tinatanong mong how aggressive, gusto naming makalapit kay GMA para maganda ang negosyo mo."
PHOTO/S: AMBS
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results