Watch Now

Baron Geisler, pinayuhan ang newbie stars na huwag siyang gayahin

by PEP Troika
Sep 17, 2022
baron geisler topless
Baron Geisler: "Ina-eye na nila ako noon maging prime talent but I know I blew it. Pinagsisihan ko ang mga ginawa ko noon and I know I have to make amends."
PHOTO/S: @baron.geisler on Instagram

NOEL FERRER

Masaya tayo at nagpaunlak si Baron Geisler sa isang Level Up interview sa Radyo Katipunan.

Ito ay bago pa man maipalabas ang kanyang Netflix movie na Doll House at ang kanyang libro na SURRENDER With My Hand Wide Open, at bago mag-resume ang shooting ng pelikula nila nina Piolo Pascual at Laurice Guillen na Bangsa Moro under Direk Brillante Mendoza.

Read: Baron Geisler details how alcohol and drugs almost destroyed his life: "Wala ako sa tama kasi laging may tama."

Matatandaan nating si Baron ang una sa Tabing Ilog (Marso 1999-Oktubre 2003) cast na naging kasali sa teleserye na Recuerdo de Amor (Mayo 2001-Enero 2003).

Sabi niya, “Ina-eye na nila ako noon maging prime talent but I know I blew it. Pinagsisihan ko ang mga ginawa ko noon and I know I have to make amends.

“I still get in touch with John Lloyd [Cruz], Paolo Contis, Jodi Sta Maria, of course, and kahit nga si Kaye Abad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ibang klase sila ngayon, the best in this industry. Nasa wish list ko na makasama ko silang lahat sa isang project sana soon!

“Aside from Tabing Ilog, ganun na lang ang ganda ng role na ibinigay sa akin nina Coco Martin sa Ang Probinsyano. Si Bungo na kalaban ng mga Agila.

Noah was also very significant, and so was Kidlat, the one that I did for TV5 with Derek Ramsay.

“Calling all networks, I am so ready and fit to do a teleserye again! Promise hindi po kayo mabibigo.”

Sa larangan ng pelikula, nagsabi si Baron ng mga titulong malalapit sa kanya.

Jologs [2002] with writer Ned Trespeces and Direk Manong Gilbert [Perez]. I played a transvestite maaga pa lang. Nag-aral akong maglagay ng stocking at stilettos.

Oo Na… Mahal Na Kung Mahal [1999]. Directed by our father in the industry Mr. M, Johnny Manahan. It’s about lasting friendship and respect. We had fun doing that!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Anak [2000] with Miss Vilma Santos, that was nerve-wracking. I was a novice actor na who had to be in scenes with the Star for All Seasons na napakagaling, Vilma Santos 'yan, e. Ricky Lee and Direk Rory [Quintos].

Jay [2008]. Direk Francis Xavier Pasion approached me and told me bluntly that I should not aspire to be another John Lloyd and instead take another path and become the best character actor in the country.

“Tama siya, because of the movie Jay, we were noticed by the critics in the Venice Film Festival. And thank you to you, Sir Noel, for allowing Coco Martin to be my co-star.”

Jay won for Coco his first Urian award as Best Supporting Actor.

Dagdag pa ni Baron, “I have plenty of real friends now, wala nang kaaway. Hindi katulad noon, ang daming umiiwas at takot sa akin, yung parang you and me against the world. Hindi na ganun ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“How I wish I listened more to people. How I wish I read more good books. How I wish I did not drink and do drugs.

“But in order for me to be me now, I had to go through all of those rough moments in life for me to mature. Para talagang everything happened for a reason.

"And I shouldn’t compare myself to anyone because this is my destiny, and it’s never too late.

“The thing that I am offering the industry right now is the hope for really good changes and I am never giving up.”

JERRY OLEA

Naikuwento ni Baron ang tungkol sa Netflix film niyang Doll House noon pang Mayo 25, matapos ang special screening ng Vivamax movie niyang Pusoy.

“Ang guwapo ko dun sa movie na yun, seryoso. Hindi ako pinabayaan,” pagmamalaki ni Baron.

“Sana, magdilang-anghel yung producer namin, ‘Baron, pagkatapos lumabas ito, magbabago ang buhay mo. Baka may mga lumapit na mga ads or endorsements.’ Sana nga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Oktubre 7 na ipapalabas sa Netflix ang Doll House.

Pahayag ni Baron sa Level Up interview kahapon, “It was reimagining Baron Geisler, apart from the Fonzy, the easy-go-lucky type of guy in Tabing Ilog before.

“Maayos na naman ang pangangatawan ko. I lost 75 pounds already. I wake up at 5 in the morning, I get to work out and do intermittent fasting.

“Ang peg ko sa Doll House ay sina John Lloyd at Aga Muhlach — minash up ko — para sa role ko bilang amang bumabawi sa anak sa kanyang pagkukulang.

“Kasi para sa akin, sila ang aking mga huwaran.”

Idolo pa rin ni Baron si Christopher de Leon, maging si Coco Martin na itinuturing niyang makabagong FPJ.

Ang pinakamalungkot na bahagi ng showbiz career ni Baron ay ang paghihiwalay nila ni Jodi Sta. Maria, na naging katambal niya sa Tabing Ilog.

“After that, nag-spiral downwards na ako,” pagtatapat ni Baron.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Saddest turning point" naman daw ng buhay niya ang pagpa-file ng complaint ng aktres na si Cherry Pie Picache labvan sa kanya.

Read: Baron Geisler gets another complaint, this time from Noah co-star Cherry Pie Picache

Sabi ni Baron, “Had she not done that, hindi ako ipapa-rehab. I thought I can do it on my own, pero hindi pala.

“After nun, nag-painting lang ako sa UP. Nasa Museo ng Pampanga. I sold paintings and earned from them too. That served as my creative outlet too."

Patuloy ng aktor, “I wrote a book. Surrender. Ako talaga ito. autobiographical, ang journey ko bilang tao at artista. Sana, ang distribution maging all over world.”

baron geisler book

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Cebu-based na si Baron.

“Happiness now is when I’m with my wife and my daughter. Cebu is my happy place!” bulalas niya.

“Next is Dapitan, tutulong ako kay Bullet Jalosjos para gawing parang Hollywood ang Pilipinas. It’ll become a film, artistic, and cultural hub.”

Nakakatuwa na sa kabila ng maraming pagsubok na nagpalugmok sa kanya, nakakabangon at nakakabawi si Baron.

“Kaya kahit sira-ulo ako at naging pasaway, nagpapasalamat ako sa mga nagbigay sa akin ng juicy at importanteng roles sa aking career,” sambit ni Baron.

“I’m not giving up on being a better person and living a purposeful life as well.”

Andaming words of wisdom na maibabahagi niya sa mga nag-uumpisa pa lang sa local entertainment industry.

Pagmamatuwid ni Baron, “All these young stars are smarter now. Kami, being bad examples, huwag niyo na kaming gayahin.

“These young people kapag nagtrabaho, they know now that they have to save for the future and, of course, anti-drugs na ang business natin ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi na uso ang mga bida ngayon, ang bida ngayon is the story itself. Iyan ang natutunan ko sa mga batang writers at directors ngayon.

“Kailangan tutukan, hindi ang pagpapabida, mas selfless, less of the ego, kundi ang paggawa ng mga pelikula o projects na may katuturan at may halaga sa pagkatao natin and contributing to a material na makakatulong sa bayan.

“Thank you to my family, Mom and Dad, and my brother Donny na dapat siya ang gustong mag-artista.

“Thank you to Sir David Fabros and Tita Elena who handpicked and handled me from among the 2000 kids who auditioned when we were starting.”

More and more projects pa ang gustong gawin ni Baron.

Aniya, “I’m also finishing a movie entitled with Direk Brilliante and Piolo Pascual, Laurice Guillen. “We started shooting Feb 2019, pre-pandemic pa, last three days na lang kami, biglang nag-pandemic pa.

“I have the script of The First Ilustrado. Tungkol kay Juan Luna. Well written. Gusto kong maisapelikula ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nasa wish list ko rin ang pelikulang love story with Jodi Sta Maria or Kaye Abad.”

GORGY RULA

Magaling na aktor si Baron, at kung seryoso na siya sa kanyang pagbabago, makakabalik talaga siya.

Sana nga, totoo na itong mga sinasabi niya, pati ang paghingi ng patawad sa mga taong nakasamaan niya ng loob.

Mas marami naman siyang mga kaibigan kesa sa kaaway. Kaya marami pa rin ang sumusuporta sa kanya na handang tulungan siya sa kanyang muling pagbabalik.

Pahayag niya, “I feel most loved now. Now na in-embrace ako ng mga tao, ng industrya, the fans, the supporters na pinagbigyan pa rin nila ako ng panibagong chance. Embraced by God and a loving wife and a good family. Sana, magtuluy-tuloy na ang healing journey ko.

“Sana, matuloy ang foundation namin ni Misis para tuluy-tuloy na magbukas ng schools at recovery centers.

“Sana, magkaroon ng maliliit na bahay bakasyunan sa Dipolog, sa Manila now that I’m based in Cebu.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakakagulat na nasabi pa ni Baron ang hiling niya para sa ating industriya.

Aniya, “Sa ating industriya… Sana, tuloy na tuloy na ang pagkawala na ng crab mentality at inggit. And we continuously lift each other.

"At least, na-solve na ang working hours and we have better working conditions.

“Sana magkaisa tayo at magkaroon ng disiplina at magkaroon ng malalim na pagmamahal sa bansa.”

Nilinaw ni Direk Brillante na ang pelikulang Bangsa Moro na binanggit ni Baron ay dalawang pelikula na ito.

Sa pelikulang Moro kasali si Baron, kasama sina Piolo Pascual, Laurice Guillen, Felix Roco, Joel Torre, Beauty Gonzalez, Ina Feleo, at Christopher de Leon.

Ang isa naman ay ang pelikulang Bansa, tampok sina Cesar Montano, Rocco Nacino, Gina Alajar, Ricky Davao, Joem Bascon, Mon Confiado, Ely Quizon, Marvin Agustin, at Vince Rillon.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Baron Geisler: "Ina-eye na nila ako noon maging prime talent but I know I blew it. Pinagsisihan ko ang mga ginawa ko noon and I know I have to make amends."
PHOTO/S: @baron.geisler on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results